“ILANG BESES ko bang kailangang ulit-ulitin saiyo ang lahat bago mo maintindihan Mrs. Locsin?” Singhal ni Genis sa kanyang bagong sekretarya saka napipikong lumabas ng kanyang opisina at nagpahatid kay Mang Doy sa bagong pub house na ipinatatayo niya. Kahapon pa niya gustong makita si Gertrude ngunit may kailangan siyang tapusin na trabaho kahapon kaya nangako na lamang siya na manunuod sila ng sine ngayon. Ngunit nagkaproblema nga sa mga dokumentong kailangan niyang pirmahan kaya napasugod siyang bigla sa opisina. Ngayon naman ay kailangan niyang tingnan ang construction ng pub house since may mga nilabag raw ang construction ng kanilang building ayon sa city engineer na nag-inspect ditto. Alam naman niyang humihingi lang ito ng karagdagang lagay. Kabisadong-kabisado na niya ang mga kalakarang ganito. Hanggang nawala na sa isip niya ang usapan nila ni Gertrude dahil sa dami ng trabahong kinaharap niya. Alas-kuwatro na ng hapon nang maalala niya ang usapan
NATIGILAN sa pagsubo ng pagkain si Tom nang marinig ang sinabi ni Gertrude. Hindi naman niya kung paano sasawayin ang anak sa pagkwekwento nito sa binata. Pakiramdam niya ay masisira ang date nila nang tingnan siya ng masama ni Tom, “Your Dad was in your Mommy’s room?” halata ang tension sa boses ni Tom nang tanungin si Gertrude na wala namang kamali-malisya habang nagkwekwento ditto. “Yes Tito Tom!” bulalas ng bata, “And I think Mommy is still in love with Daddy,” tuwang-tuwa pang sabi nito sa lalaki. Napalunok siya. Patay kang bata ka. Alam niyang away na naman ito mamaya kapag inihatid sila nito sa bahay. “Really? Don’t you know that were going to get married soon?” Tila naiirita nang sabi ni Tom sa bata, waring pati si Gertrude ay nais pa nitong patulan. “But Mommy and Daddy are still married, right?” Sagot naman ni Gertrude. Napahinga siya ng malalim. Daig pa nito ang isang abogada kung magsasagot. Hindi niya alam
NAGBAKE NG CAKE si Amanda. Ang balak niya ay sopresahin si Tom para sa birthday nito kaya kinuntsaba niya ang maid na huwag ipaalam sa binata na darating siya. It’s about time na bumawi naman siya. Narealize niyang Malaki ang nagging pagkukulang niya rito. Sa loob halos ng isang taon nilang relasyon ay ito ang palaging nagbibigay at umuunawa sa kanya. Si Tom ang kasama niya and yet si Genis ang palaging laman ng puso at isipan niya. It’s about time na pag-ukulan niya ito ng pansin or else pati ito ay mawala na rin sa kanya. “Nasaan si Tom?” Mahinang tanong niya sa maid nang pagbuksan siya nito ng pinto. “Nasa kusina po. Dumating si Ma’m Carina, may dala ring mga pagkain,” sagot ng maid. “Sandali lang ay tatawagin ko ho. . .” “Shh, ako ng bahala,” nakangiting sabi niya sa maid saka dumiretso na sa kusina ngunit natigilan siya sa may bukana nang marinig ang pagtatalo ng magpinsan. “Nagpapanggap ka lang na may sakit ka?” Narinig niyan
“WALANG PUWANG sa akin ang traydor na kagaya mo,”Itinutok ni Genis ang baril sa ulo ng kanyang traydor na tauhan. Muli ay naalala niya ang kanyang Ninong Ben sa katauhan nito. Mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman niya. Ipuputok n asana niya ang baril ditto ngunit naalala niya ang bunsong anak nito. Kasing edad ni Gertrude ang bunso nito kaya parang hirap siyang iputok ditto ang hawak nab aril. Huminga siya ng malalim. “Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon alang-alang sa pamilya mo. Ngunit sa oras na lokohin mo pa akong muli, hidni na kita mapapatawad pa,” sabi niya saka tumalikod na rito. Ngunit naramdaman niyang bumunot ito ng baril. Bago pa iyon maiputok ng lalaki ay inunahan na niya ito. “Gago ka! Pinagbigyan na kita pero wala ka ng pag-asa kaya pasnsya na,” sabi niya habang nakatingin sa nakahandusay na katawan nito hanang umaagos ang dugo sa ulo nito. Dinuraan pa niya iyon saka senenyasan kanyang mga tauhan na ligpitin ang bangkay.
WALANG nagawa si Amanda kundi dalhin si Genis sa kanyang kuwarto at ihiga sa kama. Hindi naman niya ito pwedeng pabayaan sa labas. Hindi niya ito kayang tikisin kung kaya’t napilitan na rin siyang linisan ito ng katawan. Pinupunasan niya ang katawan nito nang magmulat ito ng mga mata. “Amanda,” sabi nito sa mahinang tinig. Nagulat siya nang hatakin siya nito pahiga at siilin ng halik sa mga labi. “Damn Genis, what the hell are you. . .” napalunok siya nang maramdaman ang kamay nito sa loob ng suot niyang lingerie. Nagdulot iyon ng pagkataranta sa kanyang buong katauhan. Heto na naman siya, sa loob-loob niya habang pilit na pinaglalabanan ang nararamdaman. And yet mas matimbang ang nararamdaman ng kanyang puso kaya parang nanghihinang nagpaubaya na lamang siya sa mga halik na iyon ng dating asawa. Pinabayaan na lamang niyang galugarin nito ang kanyang buong katawan. Hinayaan na lamang niyang magpakatotoo sa kanyang nararamdaman ng mga sandalin
“GENIS, if you don’t mind, gusto kong magkasama-sama tayo ng anak mo, kahit isang araw lang,” mahinang sabi ni Carina sa kanya, “Gusto ko siyang maka-bonding k-kasama nina Tom at Amanda. Gusto kong maramdaman nya na welcome sya on both sides, lalong lalo na sa akin,” nakikiusap na sabi pa nito, “Bago man lang ako mamatay.” “Stop saying that, Carina!” Saway niya rito. May pait sa mga labing ngumiti ito, “We can’t escape the truth, Genis. Darating at darating ang araw na mamatay rin ako,” malungkot na sabi nito sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng guilt nang maisip ang namagitan sa kanila ni Amanda kagabi. Habang siya ay nagpapakaligaya, heto si Carina at nahihirapan sa sakit nito. Damn, anong klaseng nobyo ba siya? Wala na siyang ginawang tama. Nangako siya sa sariling pag-uukulan na lamang ito ng pansin and yet ibang babae naman ang nasa isip niya. Ginagap niya ang isang kamay ni Carina at hinalikan, “I’m sorry,” halos paanas lamang n
NAPILITAN pa rin si Amanda na pagbigyan ang kahilingan ni Carina kahit na alam niyang palabas lamang naman nito ang lahat. Pumayag na rin siyang lumabas silang apat kasama ni Gertrude. “I love kids so much. Sayang nga lamang at di ako mabiyayaan ng anak d-dahil na rin siguro sa kalagayan ko,” nakangiti pang sabi nito habang nakatitig kay Gertrude. “Kaya thankful ako saiyo, Amanda na pinagbigyan moa ng hiling ko na magkasama-sama tayo k-kasama ng anak mo. Gusto kong iparamdam sa kanya na pwede niya akong maging mommy. B-but of course alam ko namang hindi kita pwedeng palitan sa buhay nya. . .but at least gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako, kami ni Genis. . .” Hindi niya alam kung ano ang isasagot habang pinapakinggan ang lahat ng sinasabi nito. Para siyang matatawa na maiinis sa drama nito. Bahagya pang napaghigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang kutsara at tinidor. Parang di na niya kayang sakyan ang palabas na ito. Para siyang masusuka na ewan.
“IYON na ang last na papayagan kong magkaroon ng ugnayan si Gertrude kay Carina. Hindi ko na papayagan ni makausap ng anak ko ang babaeng iyon.” Pahayag ni Amanda kay Genis nang puntahan siya nito sa unit para kuhanin ang bata. Kumunot ang nuo ni Genis, “Ano bang ikinaiinis mo kay Carina?” tanong nito saka bahagyang napangisi, “Don’t tell me nagseselos ka sa kanya?” Mapakla ang ngiting pinakawalan niya, “Don’t flatter yourself too much, Genis. Gaya nga ng sinabi ko nuon, hindi na ako ang Amanda na parang tangang baliw na baliw saiyo. Natauhan na ako!” Sabi niya rito, “Ikaw ang pinakahuling lalaking gusto kong makasama!” “Really? Hindi yan ang naramdaman ko nuong huling beses kitang angkinin, Amanda!” Paalala nito sa kanya. Pinamulahan siya ng mukha. Gusto niyang murahin ang kanyang sarili. Bakit nga ba nagging marupok na naman siya sa lalaking ito ng araw na iyon? Huminga siya ng malalim saka tumiwid ng tindig. Hindi na siya papati