Share

CHAPTER EIGHTY-FOUR: Sweetest Goodbye

-ANNE-

DALAWANG ARAW na rin simula nang magkausap kami ni Ma’am Celestine. At tuwing lumalapit ako para sana halikan siya ay iniiwas na niya ang sarili sa akin. Alam ko namang hindi pa siya nakaka-move on sa ex niya at hindi pa siya handang buksan ang puso niya para sa iba. Hindi naman sa in love na ako sa kanya. Pero gusto ko ang pasyente ko. Gustong-gusto ko siya.

Baka nga hindi naman pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya kung hindi pagkatakam lang o lust. Iba kasi ang lust sa love. Kahit hindi pa ako nai-in love alam ko namang magkaiba ang dalawang bagay na iyan. Swerte na lang ng magkarelasyon kung ang dalawang sangkap na lust and love ay mayroon sa isang relasyon.

Hindi naman siya galit sa akin, pero nakikita kong palagi na niya akong iniiwasan ngayon. Madalas siyang tahimik. Iniinom naman niya lahat ng gamot na ibinibigay ko. Ibinigay ko ang mga gamot ayon sa reseta pero kadalasan, itinatapon ko rin lalo na kapag capsule. Kapa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status