"ARE you ok, Tali?"Naramdaman niya ang paghawak ni Caroline sa balikat niya habang nakatayo siya sa tapat ng bintana at pinagmamasdaan ang madilim na paligid. Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata at bahagyang yumuko. Hanggang ngayon apektado pa rin siya sa lahat ng sinabi ni Gael sa kaniya, sa pangmamaliit nito sa kaniya at pagtapak sa pagkatao niya. Naiinis pa siya sa binata dahil nagpapanggap itong mabait sa kaniya at naguguluhan siya sa pinakikita nito.Hinarap niya ang kaniyang ina at ngumiti na may pagpapanggap. "O-ok lang ako, Mom," aniya. "Naisip ko lang kung umalis na kaya ako sa trabaho ko?"Kumunot ang noo ni Caroline. "Bakit naman, 'nak? Napapagod ka ba? May ginawa bang masama sa iyo si Gael? Did he hurt you?" sunod-sunod na tanong nito na bakas ang pag-aalala roon.Bumuntonghininga siya at humarap muli sa labas ng bintana. "Wala po siyang ginawa sa akin, Mom pero naisip ko pong baka maging dahilan lang ng pag-aaway namin palagi ni Kendric ang pagtatrabaho ko kay Kuy
"SIGE na, Callum pumasok ka na muna sa silid mo," utos ni Tallulah sa anak niya. Hindi niya maiwasang hindi mataranta at kabahan sa pagkikita ng mag-ama. Paano kung magtanong si Gael kung sino ang bata? Ano'ng isasagot niya?"T-totoo nga, ikaw nga, Kuya Gael," ani Brielle na hindi na naitago ang pagkasabik sa binata dahil naging malapit din naman sila sa isa't isa. Nilapitan nito si Gael at marahang tinitigan, saka niyakap. "I'm happy to see you again, Kuya Gael," masayang anito.Walang reaction si Gael habang nanatili lang ito sa kanina nitong pwesto. Nakasuot ito ng sunglasses kaya hindi niya makita ang paggalaw ng mga mata nito.Kapagkuwa'y ngumiti ang binata. "Brielle, ikaw na ba 'yan? I almost didn't recognize your voice, you already grown up," komento nito.Si Brielle naman ang lumungkot ang mukha at pinagmasdan si Gael. "I-I'm sorry, Kuya Gael for what happened to you. I feel bad dahil sa nangyari," anito.Dahan-dahan niyang tinago sa likod niya si Callum at hinarap ito habang
NAPABUNTONGHININGA si Tallulah nang hindi pa rin bumukas ang condo unit ni Kendric kahit nakailang doorbell na siya roon. Nalaman niya mula kay Brielle na nandoon ang binata kaya agad niya itong pinuntahan. Hindi pwedeng hindi niya ito makausap, kailangan nilang ayusin ang gusot sa pagitan nila. Ayaw niyang masaktan si Kendric.Muli niyang pinindot ang doorbell at nang akmang uulitin niya iyon nang bigla iyong bumukas at niluwa si Kendric na gulo-gulo ang buhok at halatang kagigising lang."Kendric," aniya at ngumiti. Sinuri niya ang nobyo mula ulo hanggang paa at napakunot ang noo. "A-ano'ng nangyari sa iyo, bakit ganiyan ang hitsura mo?" Walang emosyong bumakas sa gwapo nitong mukha kahit hindi maayos ang hitsura nito. Umiwas ito sa kaniya ng tingin. "Ano'ng ginagawa mo rito?" malamig nitong tanong bago tumalikod at pumasok sa loob ng silid. Sumunod siya rito.Napangiwi siya nang maamoy ang amoy ng alak at makita ang nagkalat na bote at pulutan sa sala ng condo. "Nag-inom ka ba? Ke
SERYOSO LANG si Tallulah habang naglilinis siya ng silid ni Gael. Kanina pa siyang tahimik at nagtataka rin siya dahil hindi siya sinalubong ng masungit na Gael nang makabalik siya sa mansyon. Kaswal lang itong nag-uutos sa kaniya at hindi siya sanay na hindi ito nagagalit sa kaniya.Naalala na naman niya ang sinabi ni Callum tungkol sa lalaking yumakap dito. Alam na ni Gael ang tungkol sa anak nila pero bakit wala itong sinasabi? Matagal na ba nitong alam ang tungkol doon? Paano? Umiling siya. Hindi na siya dapat magtaka pa dahil alam naman niya ang kakayanan ni Gael na alamin iyon dahil sa yaman nito at sa koneksyon na mayroon ang pamilya nito."Hindi ka pa ba tapos, diyan?"Napahinto siya sa paglilinis at nakita niyang nasa likod na niya si Gael. Seryoso lang itong nakatingin sa kaniya ngunit hindi niya makita ang matalim nitong tingin."May kailangan po ba kayo, Sir?" Umiwas din agad siya ng tingin."I want you to eat with me, Tallulah. Bilisan mo na riyan at dalhin mo ako sa dini
"HOW WAS the investigation, Hiro?" tanong ni Gael sa lalaki habang nasa study room siya ng silid niya."We expect the result by tomorrow, Sir Gael," sagot ni Hiro."Good! We need to prepare for the board meeting next week para tayo ang panigan nila. I'm ready to get what supposed to be mine at ibabalik ko si Serum sa kung saan lang siya dapat," puno ng determinasyong aniya. Ngumisi pa siya dahil wala nang kawala ang lalaking iyon sa lahat ng katiwalian nito sa kompanya.Kapagkuwa'y nabahala ang mukha ni Hiro. "Pero, sir mayroon pa tayong problema dahil nang i-track ng investigator ang lahat ng transaction ng kompanya, totoong napunta lahat ng perang lumabas sa lahat ng proyektong nagawa ni Serum. Ang kailangan nating makompirma ay ang malaking halagang pumasok sa account niya," pag-amin ni Hiro.Natigilan siya at napakunot ang noo. "Ano'ng ibig mong sabihin? Lahat ng overpriced project ni Serum at lahat ng transaction ay accurate at walang anomalya?" pagkompirma niya. Tumango si Hiro.
PABAGSAK na humiga sa kama si Tallulah matapos niyang pumasok sa silid niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang tiisin ang lahat dahil utay-utay na niyang nararamdaman ang pagod at sakit na para sa kaniya'y hindi na niya deserve.Bumuntonghininga siya at tumitig sa kisame. "Hanggang ngayon, nagpapaka-martyr ka pa rin sa lalaking walang ibang ginawa kung 'di saktan ka. Hanggang kailan ka magtitiis, Tali?" aniya sa sarili. Naramdaman na lang niya ang luhang pumatak sa kaniyang mga mata. Naalala niya lahat ng ginawa niya noon para lang mahalin ni Gael. Nagpakatanga siya, nagpaka-martyr at tiniis lahat ng sakit na pinaramdam sa kaniya ng binata. Ibinaba niya ang sarili niya para lang mahalin nito at akala niya'y matatapos iyon nang mawala ito pero kailangan pala ulit niyang gawin iyon para sa sarili niya, para alisin ang guilt sa puso niya dahil iniisip niyang kasalanan niya ang lahat.Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata. Kinuha niya ang cellphone na nasa tabi niya a
"ANO bang nasa isip mo, Tali? Bakit hinayaan mong mangyari iyon?" sermon ni Tallulah sa sarili, saka nagpagulong-gulong sa kama niya. Hindi maipinta ang mukha niya sa labis na inis dahil naging marupok siya sa mga tingin ni Gael sa kaniya.Kapagkuwa'y napatitig siya sa kisame. Hindi niya namalayang dahan-dahan niyang sinapo ang mga labi niya kasunod nang pagbalik sa isip niya kung paano siya tiningnan ni Gael, kung paano lumapat ang mga labi nito sa kaniya at kung paano ito nagbago sa harap niya na noon ay hinahanap niya sa binata."Tali, nang sinabi kong gusto kong subukang magpatawad, I really meant it. Gusto kong subukan."Nang muli siyang natauhan, mabilis siyang umiling at pumikit ng mariin. Dumapa siya at sinubsob sa unan nag mukha at paimpit na tumili. Mababaliw na ata siya. Hindi siya sanay na ganoon siya ituring ni Gael at hindi niya alam kung bakit napapabilis na naman nito ang tibok ng puso niya sa pamamagitan ng mga tingin nito.Hindi niya namalayang sumikat na ang araw na
NAKAYUKO lang si Tallulah habang nakatayo sa gilid ng sofa. Kasalukuyan nandoon si Gael, si Carmella, si Serum at si Donna. Kanina pang tahimik lang si Gael at para bang wala itong pakialam kung nandoon man si Carmella. Hindi niya rin alam kung bakit nakaramdam siya ng inis sa babae o baka dahil hindi lang niya gusto ang ugali nito."So, how are you, Gael? Hindi mo ba ako na-miss? It's been two years since we last met," sabi ni Carmella at mas tumabi pa kay Gael. Siniksik pa nito ang braso sa braso nito habang nakangiti."Why are you here?" malamig na tanong ng binata na hindi nilingon si Carmella.Natahimik ito at bumaling kay Donna at agad ding bumalik ang tingin kay Gael. Pilit pa rin itong ngumiti kahit dismayado sa tanong ng binata."Ano ka ba naman, Gael? Iyan lang ba ang sasabihin mo after two years that we've never seen each other? Of course, I'm here because of you. I wanna take care of you. Gusto kong alagaan ka habang hindi ka pa nakakakita," sabi nito na halata roon ang pa