Share

KABANATA 59

Kumunot ang noo ni Ling Yiran. 'Si Jin ba ang tinutukoy nitong Xiao Zigi na 'to?'

"Mr. Xiao, bakit po ba kayo nangingielam sa buhay ng ibang tao? Kailangan ko po bang magreport sainyo sa tuwing kasama ko yung kapatid ko?"

"Kapatid? Na lalaki? Kailan ka pa nagkaroon ng kapatid na lalaki?" Sa tagal ng relasyon nila ni Ling Yiran, ang alam niya babae lang ang kapatid nito.

"Kinupkop ko siya para maging kapatid ko, hindi ko ba pwedeng gawin 'yun?"

Tinitigan ng maigi ni Xiao Zigi si Ling Yiran para pagmasdan kung nagsasabi ba ito ng totoo.

Sakto, noong oras din na yun, nagmamadaling tumakbo papalapit sakanila si Manang Xu. "Mr. Xiao, kumalma po kayo. Wag po kayong maging bayolente."

Nakilala ni Manang Xu si Xiao Zigi dahil nakita niya ito noong pumunta si Hao Yimeng sa Sanitation Service Center para manghingi ng tawad sakanila, at base sa chismis na kumakalat, si Xiao Zigi daw ang ex-boyfriend ni Yiran.

"Mr. Xiao, kung hindi niyo po bibitawan ang kamay ko, hindi po ba kayo nat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status