Pagkatapos magsalita, pinutol na rin kaagad ni Yi Jinli ang linya. Kaya naiwan si Master Yi na nakatulala sakanyang phone sa loob ng ilang segundo bago niya ito ipasa sa assistant niya, na nakatayo sa isang gilid. "Anong sabi niya? Wag daw akong mag-alala? Ha ha ha... Sana totoo talaga yang sinasabi niya, pero paano pag hindi niya namalayan na babaeng yun. Hay nako. Wala talaga siyang pinagkaiba sa anak ko. Nangako rin yun na: ' Daddy, wag kang mag-alala, hindi ko po kakalimutan ang responsibilidad ko sa pamilya natin para lang sa isang babae.' "Pero anong nangyari? O diba lumayas siya para sa isang babae at binasura niya ang buhay niya! "Imbestigahan mo kung sino yung babaeng yun. Gusto kong malaman lahat ng tungkol sakanya kahit yung pinaka maliit na detalye ng pagkatao niya." Kalmadong utos ni Master Yi. "Opo." Magalang na sagot ng isang lalaking nakasuot ng black na suit at salamin, na may gold rim habang na nakaupo sa loob ng VIP room at nagtatype. Samantalang si Ling
Kagaya ng sabi ni Gao Congming, binuksan niya ang kanyang bag para icheck kung may nawawala ba sa mga gamit niya, at nakumpirma niya namang kumpleto ang laman nito. Base sa naalala niya, dala-dala niya ang kanyang phone sa bahay ng Feng Family, at noong tumawag siya kay 'Jin', sapilitan itong kinuha saknaya ng mga tito niya, at inoff, kaya ngayon, kailangan niya pa itong irestart. Pagkabukas nito, sumalubong sakanya ang sandamakmak na mga missed call at text message. May ilan na galing sa lola niya, kay Lianyi, at sa isang unregistered number. 'Alam ko kung bakit ako tinatawagan ng lola ko, pero si Lianyi..." Kumunot ang noo niya at tinignang maigi ang notification na galing kay Lianyi, umabot sa mahigit bente ang missed calls nito. Dahil dito, nag-alala siya na baka may nangyaring masama sa kaibigan, kaya dali-dali niya itong tinawagan. Sumagot rin kaagad si Qin Lianyi. "Yiran, ikaw ba yan?" "Oo... pasensya na, naka off kasi yung phone ko kahapon.... Ngayon ko lang naopen
Pero sa kalagitnaan ng paguusap nila ng lola niya narinig niya ang isang galit na boses, na sigurado siyang kay lolo Lu. Bakit hindi mo sinasabi kay Yiran na pumunta na siya sa police station ngayon mismo para iurong yung kaso sa mga anak natin at sa buong Feng Family?!" "Para ano? Palayain sila? Bakit sila lalaya? Alam mo namang hindi makatao yung mga ginawa nila kay Yiran, kaya dapat lang sakanila na makulong kahit gaano pa katagal para makapag bayad sila ng mga kasalanan nila!" "Anong pinagsasabi mo jan?! Mga anak mo sila! Wag mong sabihing mas matimbang pa yang babaeng yan sayo na ni hindi nga natin ka apilyido!" "Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Anak siya ng anak ko, at dahil wala na ang mama niya, walang ibang maninindigan para sakanya kundi ako! Kahit magkamatayan pa tayo dito, ipagtatanggol ko nag apo ko!" "Ano bang meron sakanya? Sa tingin mo ba aalagaan ka niya? Sino bang umaasikaso sayo dito? Hindi ba yung mga anak at apo mong nakakulong ngayon?! Pero sige! Kung gus
'Sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, doble yung sakit na nararamdaman ko, at handa akong gawin ang lahat para lang tumahan siya. Biglang niyakap ni LIng Yiran ng mahigpit si Yi Jinli at lalo pang humagulgol, na parang batang inagawan ng candy. Hindi rin sigurado ni Ling Yiran kung bakit niya niyakap si 'Jin', lalo na't galit pa siya dito, pero ito lang ang natatanging bagay na gusto niyang gawin ngayon para mabawasan kahit konti ang sakit na nararamdaman niya. Hindi naman pumalag si Yi Jinli, at niyakap din pabalik si Ling Yiran. Hindi na namalayan ni Ling Yiran kung gaano na siya katagal na umiiyak dahil tumahan lang siya noong wala na siyang luhang mailabas. Kumuha si Yi Jinli ng tissue at maingat na pinunasan ang pisngi ni Ling Yiran. "Ate, ano bang nangyari?" "Si Lola." Mangiyak-ngiyak na sagot ni Ling Yiran. Kumunot ang noo ni Yi Jinli, at bgiglang naging seryoso ang boses niya. "Bakit? Nakiusap ba siya na iurong mo ang kaso?" "Hindi. Tumawag lang si lola para ta
Nakatingin lang si Ling Yiran sa nurse mula umpisa hanggang sa matapos itong gamutin ang kamay niya nang hindi man lang nagbabago ang reaksyon ng mukha niya kahit pa para sa ibang tao ay mahapdi ito. Pero noong papalitan na ng nurse ang benda niya, medyo napakunot siya ng noo, pero hindi siya umaray. "Ako na. Pwede ka ng lumabas." Utos ni Yi Jinli sa nurse. Hindi naman tumanggi ang nurse at magalang na yumuko bago ito lumabas. Kinuha ni Yi Jinli ang benda at dahan-dahan itong binalot sa kamay ni Ling Yiran, na parang matagal niya na itong ginagawa. Sinigurado niya rin na sobrang ingat niya para hindi masaktan si Ling Yiran. Pagkatapos, niligpit niya ang mga hindi niya nagamit para makapagpahinga na si Ling Yiran. "Ate, wag mo munang masyadong ikilos ang kanang kamay mo hanggang sa hindi pa gumagaling ang sugat mo, maliban nalang kung gusto mong maubusan ka hg dugo." Pinagmasdan ni Ling Yiran ang kamy niya na binenda ni 'Jin', at namangha siya sa sobrang linis ng pagkakagawa n
Pakiramdam ni Yi Jinli ay may nakabara sa lalamunan niya na kahit gustuhin niya mang umamin ay hindi niya magawa. 'Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos.... Kailangang planuhin ko muna 'to ng maigi!' Bakas na namumutlang mukha ni Ling Yiran ang sobrang pag-aalala para kay 'Jin'. Sa lahat ng mga nangyari sakanya, ang masasabi niya lang ay masyadong malupit ang buhay para sakanya, at kahit anong pilit niyang takbuhan ito, bumabalik at bumabalik lang din siya at isa sa pinaka ayaw niyang mangyari ay ang madamay si 'Jin'. "Ate, sa ngayon, magpahinga ka lang muna jan hanggang sa bumalik na ang lakas mo at wag ka munang magiisip ng kung anu-ano. Pangako, pagkalabas na pagkalabas mo dito, sasabihin ko na sayo kung sino talaga ako." Nakangiting sabi ni Yi Jinli. Huminga ng malalim si Ling Yiran at tumungo. Siguro dahil hindi pa nakakabawi ang katawan niya at katatapos niya lang ding umiyak, humikab si Ling YIran, na sensyales na inaantok na siya. "Ate, kung inaantok ka na, umidlip
Naglagay si Yi Jinli ng toothpaste sa isang toothbrush at kumuha na rin siya ng isang baso ng maligamdam na tubig, na binigay niya kay Ling Yiran. Hindi naman tumanggi si Ling Yiran, pero habang nagtutoothbrush ay nakatulala lang siya kay 'Jin' na parang wala sa sarili... Pagkatapos, kumuha si Yi Jinli ng maliit na twalya at binasa rin ito ng maligamgam na tubig. "Kaya ko na..." Nahihiyang sabi ni Ling Yiran. "Mas madali pag ako ang gumawa diba?" Tanong ni Yi Jinli. Sa isip ni Ling Yiran: 'Oo, mas madlai naman talaga kung ikaw, pero..... sobrang lapit kasi natin! Yung mga kamay mo...halos nakayakap na sakin... at noong binasa mo yung twalya, muntik mo na akong.......' Inangat ni Ling Yiran ang ulo niya para tignan si 'Jin', sa salamin, na nakatayo sa likod niya. Noon pa man din ay naggwapuhan na talaga siya kay 'Jin', pero ngayong naka suit ito, masasabi niya na trumiple ang kagwapuhan nito. Pero.... pakiramdam niya ay ibang tao na rin ito.... Matagal ng sinasabi ni Li
... Pagkatapos maghilamos ni Ling Yiran, muli siyang binuhat ni Yi Jinli pabalik sa kama, at sakto, nakahanda na rin ang mga pagkain. Kahit na simpleng lugaw lang, na may kasamang ibang mga putahe ang nakahain, sobrang malinamnam ang itsura nito, kaya lalong natakam si Ling Yiran at tumunog ng malakas ang tyan niya. "Ate, ang sabi ng doktor, dapat yung mga madadaling matunaw muna ang mga kainin mo hanggang sa makarecover ka." Nakangiting sabi ni Yi Jinli. Maingat na nilipat ni Yi JInli sa tray ang mga pagkain papunta sa maliit na lamesa sa kama ni Ling Yiran. At kahit sinong makakakita ng ginagawa ni Yi Jinli ay siguradong luluwa ang mga mata nito. 'Si Young master Yi, na tinatawag na diyos ng Shen City, ay nagsisilbi sa isang babae?!!!' Kinuha ni Ling Yiran ang kutsara at kumain, pero sa tuwing yumuyuko siya, paulit-ulit na dumadampi ang buhok niya sa pagkain. Kaya kukuha sana siya ng ipit, pero biglang lumapit sakanya si 'Jin', na may dalang ipit at suklay. "Ako na."