'Pero hanggang ngayon, paniwalang-paniwala pa rin sila ng mga ebidensyang wala namang katotohanan.' "Bakit ba gustong gusto nilang inaapi ka! Akala mo naman perpekto sila at talagang alam nila ang totoo!" Naiinis na sagot ni Qin Lianyi. "Ano ka ba, tapos na yun at wala rin naman yun sakit." Kalmadong sagot ni Ling Yiran. Habang pinagmamasdan ang kaibigan, hindi maiwasan ni Qin Lianyi na maalala ang mga pinagdaan ng nito at napabuntong hininga nalang. 'Noong unang beses kong makita si Yiran pagkalaya niya, sobrang dami niyang sugat. May iba na gumaling na pero mas marami yung hindi pa at mukhang bago lang, pero ni isang beses hindi ko siya narinig na uminda o nagreklamo.' 'Pero kahit wala isyang sabihin, ramdam ko na hindi biro ang pinagdaanan niya noon sa kulungan.' "Oo nga pala, siya ba talaga si Yi Jinli?" Muling tanong ni Qin Lianyi. Tumungo si Ling Yiran. "Oo." "Pero.... kung siya nga talaga si Yi Jinli...bakit kailangan niya pang magsinungaling sayo na pulubi siya at
"Wag kang mag-alala, walang problema dun. Alam naman na nilang lahat na ako yung nakapatay kay Hao Meiyu at nakulong ako ng tatlong taon." Halatang malalim ang iniisip ng lalaking nakaupo sa sofa. Nakasalumbaba ito at may hawak naman na wine glass sa kabila nitong kamay. Sobrang gwapo at mukhang kagagalang-galang, na para bang kahit sinong babaeng makakita dito ay imposibleng hindi maging interesado. 'Kung babae lang din siguro ako, nabaliw na ako sakanya. 'Kaya nga naiintindihan ko ang mga babae dito sa Shen City na nagkakandarapang mapansin niya!' Nakatulala si ye Chongwei kay Yi Jinli, na nakaupo sa hindi kalayuan. 'Pero wala namang nagtatagumpay.... 'Kasi sa tuwing susubukan ng babae na lumapit sakanya, iba ang kinahihinatnan ng mga ito. "Bakit umiinom ka dito ng mag-isa? Dapat dinala mo yung babae mo para makilala namin siya. Gusto ko talagang makita ang babaeng naging dahilan ng pagiwan ng Young Master sa Old Master noong kalagitnaan ng New Year's eve!" Nakangiting sabi
At kapag sinusubukan niyang halikan ito, palagi lang itong umiilag. Kaya napapraning siya lalo na at may record si Gu Lichen na mahilig magpapalit-palit ng girlfriend. Higit sa lahat, hindi naman na siguro bago sa mga tao ang ugali nitong pagsasawaan lang ang mga babae, at kapag nakuha na nito ang gusto nito, aalis nalang ng bigla. Desidido talaga si Ling Luoyin na makuha ang puso ni Gu Lichen kaya kailangan niyang ayusin ang bawat kilos niya dahil hindi ito pwedeng mawala sakanya. Mas matagal, mas maganda dahil mas marami siyang nakukuha. 'Ngayong namumuhay na ako sa buhay na pangarap ko lang noon at natitikman na ang mga pagkaing hindi ko pwedeng kainin noon, hindi ako papayag na bumalik ako sa dati kong buhay. 'Isa pa...' Tumingin si Ling Luoyin kay Gu Lichen, na nakatayo sa tabi niya. 'Gwapo rin naman talaga siya, kaya nga ganun-ganun nalang magkandarapa ang mga babae sakanya. 'Kaya masasabi kong hindi lang naman talaga yung pera at mga kaya niyang gawin para sakin ang h
Nang sandaling marinig ni Ling Luoyin ang boses ni Yi Jinli, lalo siyang kinilabutan at bumilis ng sobra ang tibok ng puso niya. 'Siya... Siya ba talaga....' "Jinli, magkakilala kayo?" Takang-takang tanong ni Ye Chongwei nang marinig niya ang sinabi ni Yi Jinli. Oo, artista si Ling Luoyin pero para sa isang Yi Jinli, isa pa rin itong ordinaryong tao at para sakanya, imposibleng nagkita na ang dalawa noon. "Oo, nagkita na kami dati." Walang emosyong sagot ni Yi Jinli. Noong oras na yun, halos lumuwa na ang mga mata ni Ling Luoyi sa sobrang gulat, at pakiramdam niya ay titilapon na ang puso niya palabas sa sobrang bilis ng tibok nito. 'Siya.... siya nga yung lalaking nakita ko sa apartment ni Ling Yiran! Akala ko.... akala ko kapwa ex-convict lang siya ni Ling Yiran!' 'At kahit kailan, ni hindi sumagi sa isip ko na baka siya si Yi Jinli kasi bakit ko naman maiisip yun diba?!!!!' Halos mahimatay si Ling Luoyin sa kinatatayuan niya. 'Anong nangyayari.... Bakit nakita ko si Yi Jin
At kapag natatapos na nitong himasin ang mga labi niya, kumukuha ito ng panyo at pupunasang maigi ang kamay na ginamit nito, na para bang sobrang dumi niya... Walang ideya si Ling Luoyin sa kung anong tumatakbo sa isip ni Gu Lichen pero hindi siya nagtatanong kasi natatakot siya na baka magalit ito. "Bakit ka nag'sosorry sa akin? Nakalimutan mo na ba na girlfriend kita? Ibig sabihin, wala kang ibang dapat isipin kundi ako lang, at para sa ibang bagay, wag ka na mag-aksaya ng panahon na isipin pa ang mga yun." Malumanay na sabi ni Gu Lichen. Sobrang gaan ng kamay ni Gu Lichen na para bang gawa sa mamahaling ginto ang mga labi ni Ling Luoyin, pero sa tono ng boses niya, ramdam ang pagka ilag at ilang nito. Maraming ginagawa si Gu Lichen na hindi maintindihan ni Ling Luoyin at kahit anong subok niyang intindihin ito, hindi niya talaga mabasa kung anong tumatakbo sa isip nito. "O... okay... naiintindihan ko." Pautal-utal na sagot ni Ling Luoyin. Pagkatapos magsalita ni Ling Luo
Hindi na bago kay Ling Yiran ang mga ganung klase ng tao kasi marami talaga siyang kilala na sobrang baba ang tingin sa mga Sanitation worker na kagaya niya at kapag nagalit siya, siya pa ang may kasalanan dahil paharang-harang siya. "Hayaan niyo na po yun, Manang Xu. Okay lang po ako." Nakangiting sagot ni Ling Yiran bago siya magpatuloy sa pagwawalis. Nang matapos na ang duty niya, nagbihis siya kaagad ng damit para makauwi na siya, pero noong pagkasuot niya ng jacket niya, bigla siyang natigilan nang may makapang parang bracelet sa isa sa mga bulsa niya. "Ha? kanino 'to at paano 'to napunta sa bulsa ko?" Nagulat si Ling Yiran at dahil nights shift siya, wala na siyang mapagtanungan kaya naisip niya na dadalhin niya nalang ito sa Lost and Found Center bukas. Pagkauwi niya, sumalubong sakanya ang apartment niya na sobrang dilim at hindi makabasag pinggan ang katahimikan. Bigla niya tuloy naalala na kapag umuuwi siya noon galing sa night shift, maliwanag ang dadatnan niya dah
Kinuha niya ang kanyang phone para silipin kung anong oras na. Alas tres palang ng madaling araw at pwede pa siyang matulog ulit. Pero noong papikit na siya, bigla siyang napaupo sa gulat at dilat na dilat ang kanyang mga mata. 'Teka... Tama ba 'tong nakikita ko? May lalaking nakaupo sa may bandang dining table at.... yung bracelet na nilalaro niya.... yun ba yung bracelet na nasa bulsa ko kanina?" Hindi makapaniwala si Ling Yiran sa nakikita niya. 'Nanaginip ba ako? Oo... Totoo bang mag gwapong lalaking nakaupo sa harapan ko?' Nakatulala lang si Ling Yiran sa lalaki habang pinoproseso ang lahat, 'Ano ba talagang nangyayari? Sino ba yan?' "Gising ka na?" Tanong ng lalaki na bumasag sa katahimikan ng apartment ni Ling Yiran. Kaya biglang nahimasmasan si Ling Yiran at narealize na hindi talaga siya nanaginip at totoo talaga ang lalaking nakikita niya! "Sino ka? Paano ka nakapasok dito sa apartment ko at anong kailangan mo sakin?" Pinilit ni Ling Yiran na wag sumigaw sa ta
"Teka..." Hindi maintindihan ni Ling Yiran kung anong nangyayari. 'Pa...ano niya pala nalaman na nasa akin ang bracelet na 'yan?!' 'Hindi ko nga alam kung kanino yang bracelet at kung paano yan napadpad sa bulsa ko. Wala rin naman akong napagtanungan na kahit sino... 'Kaya paano nalaman ng lalaking 'to na nasa akin ang bracelet niya.... at talagang kailangan niya pang ipahanap kung saan ako nakatira?! 'Sino ba talaga 'tong lalaking to?!' "Dahil nahanap mo ang bracelet ko, anong gusto mong reward? Sabihin mo lang, pwede kong ibigay sayo kahit anong gustuhin mo." Yumuko si Gu Lichen at tinitigan ang babaeng nakaupo sa kama ng diretso sa mga mata. Ang plano ni Gu Lichen noong una ay kukunin niya lang ang bracelet niya at aalis na rin siya kaagad, pero noong nakita niya yung itsura ng babaeng natutulog sa kama, nagdesisyon siya na wag munang umalis. Siguro kasi gusto niyang makita ang itsura ng babae kapag minulat nito ang mga mata nito. At ngayong gising na ito....'Tama ang