Share

Kabanata 171

Nang maramdaman ni Ling Yiran na medyo nakalayo na ito, bahagya siyang lumingon para silipin ang sasakyan nito na palayo ng palayo.

'Siguro hindi na ako makakahanap ng taong kasing bait niya at yung tipo ng taong hindi ako huhusgahan kahit pa ex-convict ako. Bukod sa wala talaga akong nararamdaman para sakanya, ayoko rin na madamay siya sa mga problema ko sa buhay.'

Sinundan niya ng tingin ang sasakyan ni Guo Xinli hanggang sa tuluyan na itong nawala.

Noong oras na yun, hindi niya namalayan na may nakaparadang itim na Bentley mula sa di kalayuan, at nag-aapoy na sa galit ang taong nakasakay doon.

Pangisi-ngisi lang si Yi Jinli, pero sobrang kinakabahan si Gao Congming habang pinagmamasdan ito sa rearview mirror. 'Nako, kabisado ko ang mga ngiting yan.... yan ang palatandaan na sasabog na ang Young Master sa galit.

Kaya sa isip ni Gao Congming, pinapagalitan niya si Ling Yiran: 'Kung uuwi ka kasi Ling Yiran, dumiretso ka na ng umuwi hindi yung magpapahatid ka pa sa ibang lala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status