Share

Kabanata 47

Natawa nalang si Ling Yiran sa sinabi ni Xiao Zigi, at parang wala 'to sa harap niya, muli niyang sinubukang maglakad palayo.

Pero bigla siyang hinawakan ni Xiao Zigi at naiinis na sinabi, "Ling Yiran, anong gusto mong mangyari? Ako na nga ang lumapit sayo para matulungan ka kahit pa may mangyaring masama sa akin!" Sobrang nagalit si Xiao Zigi, hindi lang dahil sa tinanggihan siya ni Ling Yiran kundi dahil pakiramdam niya ay galit na galit ito sakanya at hindi niya 'yun matanggap.

"Sino bang humingi ng tulong sayo?" Walang emosyong sagot ni Ling Yiran. "Isa pa, hindi ka ba natatakot na baka mabalitaan 'to ni Miss Hao?"

"Anong hindi ko pwedeng mabalitaan?"

Biglang natigilan si Xiao Zigi nang marinig ang boses, kaya binitawan niya ang kamay ni Ling Yiran at dali-daling tumingin kay Hao Yimeng, na naglalakad palapit sakanila. "Ah.. wala wala."

Pagkalapit ni Hao Yimeng, niyakap niya ang braso ni Xiao Zigi at sinabi, "Zigi, bakit ka ba nakikipag usap sa ganyang klaseng tao? Hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rustan Manzano
maganda ung storyline pero too pricey din
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status