“Hindi naman kita...” Nagsumikap siyang itanggi ito, pero sa gitna ng kanyang pangungusap, bumara ang mga salita sa kanyang lalamunan.Ang kanyang itim na mga mata ay nakatoon ka Qin Lianyi. Ang mga matang iyon ay mukhang nagpapakita ng ilang pangungutya at kalungkutan. Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Qin Lianyi. Ang mga mata niya ay nakakahugot-hininga. Ito ba ay parang may utang siya rito ng kung ano. Nagkaroon ng katahimikan sa sasakyan. “Ano? Bakit hindi mo ituloy?” ganoon na lamang umalingawngaw ang kanyang boses. “Wala... Wala akong sasabihin,” sinabi niya nang may pagsisisi.‘Ano ba, bakit ba nakakaramdam ako ng pagsisisi?’ bulong niya sa kanyang sarili. Dapat nilang malaman na wala naman kaming relasyon!‘Ito ay ilan lamang sa kanyang mga salita... na naghahantong sa akin sa pagkakaroon ng ilang hindi pagkakaunawaan. Maari akong magkamali... maaring gusto niya talaga ako at maaring gusto niya ako hanggang ngayon.‘Pero, paano iyon?‘Anong klaseng babae ang hin
“Tagalabas lang. Dating... kaibigan, pero hindi na kami nagkikita,” sinabi ni Ling Yiran at ngumiwi. Maingat na sinabi ni Lawyer Gu, “Kailangan mong pasalamatan ang kaibigan mo. Kapag wala itong taong ‘to, baka hindi ka na nakabalik para magtrabaho bilang isang abogado ngayon.” Nahimasmasan si Ling Yiran pagkalabas ng opisina ni Lawyer Gu. Sa totoo lang, nag-aalala siya na ang kanyang amo ay pipilitin siya na hanapin kung sino ang tumulong sa kanyang ibaliktad ang kaso. Sa likod ng kanyang lamesa, nagsisimula nang masanay si Ling Yiran sa mga gawain. Nagtrabaho rin siya bilang assistant sa loob ng kalahating taon noong una siyang sumali sa industriya. Mabilis siyang umangkop sa trabaho ngayong bumalik na siya rito. Maaring medyo walang kabuluhan, pero hindi ito mahirap. Lumakad-lakad si Guan Lili sa kanyang lamesa para mangamusta at talunin ang paligid ng palumpong tungkol kay Yi Jinli, na hindi pinansin ni Ling Yiran. Sa pagtapos ng araw, aalis na dapat si Ling Yiran nang
“Rinig niyo ba ako, rinig niyo ba ako. Nandito ang bagong kasamahan natin, si Yiran!” Ang iba sa kasamahan ay tinaas ang kanilang mga baso at nagsimulang magtagayan. Si Ling Yiran, bilang pangunahing panauhin, ay syempre, ang pokus ng kanilang tagayan. Hindi magaling uminom si Ling Yiran. Matapos ang ilang sandal ay nakaramdam agad siya ng pagkahilo.Kaya paulit-ulit niyang tinanggihan ang ilang mga tagay mula sa kanyang kasamahan at gumawa ng excuse para pumunta sa banyo. Sa banyo, sumandal si Ling Yiran sa lababo at hinilamos ang kanyang pinsgi, na siyang sumisingaw dahil sa alcohol, na may tubig. Pagkatapos, pinagmasdan niya ang sarili sa salamin gamit ang hugis almond na mga mata. Tumutulo ang tubig mula sa kanyang buhok sa noo at sa kanyang mga pisngi. Ang kanyang pinsgi, pinong ilong, at mga labi ay mas naging kulay rosas kaysa sa dati. Habang ang kanyang mga mata ay kumukurap nang malumanay, ang kanyang mga pilikmata ay tila isang pamaypay. Noon, pakiramdam niya na
Nang nakita ni Ling Yiran na susulyap ito sa direksyon niya, agad siyang umiwas dito. Siniksik niya ang sarili sa isang tabi, pero sa halip ay aksidenteng niyang nabangga ang ibang lalaki. “Pasensya ka na!” Nagmadali siyang humingi ng paumanhin. “Bulag ka bang hayop ka? Sino ka para banggain ako? Kilala mo ba kung sino ako?” lasing na sabi ng lalaking nabangga ni Ling Yiran. “Pasensya ka na, hindi ko sinasadya.” Wala siyang magawa kundi humingi ng paumanhin. Ngunit sa parehong pagkakataon, nararamdaman niyang may nakatingin sa kanya. Malamang ay... mga mata ito ni Yi Jinli. ‘Paniguradong nakikita niya ang kalat ko ngayon.’Ang mapait at maasim na pakiramdam ay kumalat sa kanyang puso. Na para bang kahit ang katiting ng dignidad at pagmamalaki sa sarili na natitira sa kanya ay ‘tila nawala na. Kahit na naghiwalay na sila at kahit ilang beses nang nakita ni Yi Jinli si Ling Yiran sa ganitong sitwasyon... Hindi pa rin niya gustong makita ni Yi Jinli ang kahihiyan niya at pa
Gayunpaman, nang ginalaw niya ang kanyang katawan, mayroong kirot sa kaliwang balakang niya kung saan siya sinipa ng lalaki, na siyang nagpakunot sa kilay niya. “Masakit ba?” ang malamig na tinig ay muling umalingawngaw sa kanyang tainga. Pagkatapos, ang magandang kamay nito ay lumapat sa kanyang balakang kung saan siya nakakaramdam ng kirot. Agad na nanigas ang katawan ni Ling Yiran. Naramdaman niya na parang umakyat ang lahat ng dugo niya sa iisang parte ng kanyang katawan. Malapit ang mukha ni Yi Jinli sa kanya. Sobrang lapit na kita na niya kahit ang mahahabang itim na pilikmata nito. ‘Sigurado na akong... magaganda ang mga ito!’Mukhang nahahawakan nito ang puso ng mga tao sa oras na kumibot ito nang marahan. Kaya siguro walang kabuhuluhang napaamo nito ang puso ni Ling Yiran, ngunit ngayon ay nawawala ulit sa wisyo ang kanyang puso. “Ayos lang ako,” pinatatag ni Ling Yiran ang sarili at kumalma. “Maraming salamat sa tulong mo, Mr. Yi. Ayos... Ayos lang ako.”Habang
Na parang ito lamang ang bagay na may kabuluhan. “Opo,” sagot ni Gao Congming.Sa parehong oras, marami sa mga tao ang hindi maiwasang hulaan sa kanilang mga puso. ‘Sino ang babaeng umalis?’‘Kayang lumpuhin ni Young Master Yi ang paa ng isa sa batang pinuno ng Feng Lai Group para sa babaeng iyon! Na parang gusto nito magpalaganap ng giyera sa Feng Lai Group!’‘Ang Feng Lai Group ay isa lamang sa pangalawang klase ng pang-pamilyang negosyo sa syudad ng Shen, pero... ganoon ba kahalaga na tumayo sa ganoong babae?’...Sa kabilang banda, natitisod na bumalik si Ling Yiran sa pribadong silid. Marahil ay ang nangyari ngayon-ngayon lang ang nagparamdam sa kanya na parang mas lalong umeepekto na ang alak sa kanyang sistema, dahilan kung bakit mas lalong umiikot ang paningin niya. “Yiran, anong problema? Mukhang hindi ka maayos,” sabi ng kasamahan niya. “Wa... Wala,” pilit na ngumiti si Ling Yiran. “Sige. Sige. Halos patapos na naman ang welcome party natin, kaya tapusin na natin
Ngiting panalo si Guan Lili habang dinidiin si Ling Yiran ng mga kasamahan nila na masayang sinalubong siya sa kompanya kani-kanina lang.Iyon ang gusto niyang makita. Kapag mas lalong napapahiya si Ling Yiran, mas gumagaan ang pakiramdam niya!Kung hindi ito para kay Ling Yiran, paano siya natanggal sa dati niyang kompanya at nahirapan din siyang maghanap ng trabaho simula ‘non?Ang lalaking kasamahan nila ay hindi na natiis ito at sinabi, “Ano bang problema niyo? Hindi kailanman sinabi ni Ling Yiran na babayaran niya ang pagkain natin. Dahil lahat naman ay nakakain ng pagkain, mag-ambagan tayo.”Nahihiya ang iba na magsabi pa ng kung ano nang binanggit niya ito. Tsaka, totoo naman na hindi nga nagsabi si Ling Yiran. Bukod pa ‘ron, ang lahat sa silid as nagttrabaho sa parehong kompanya. Wala ang makakapagsabi na hindi sila makakapagbayad. Binilang ng kasamahan nilang lalaki kung magkano ang babayaran ng lahat at sinabihan ang waiter para sa bill, pero sinabihan sila nito ng, “
‘Sino ‘yon? Sino ang nagsabi ‘non?’ Sobrang tamis ngunit malungkot ito na parang gusto niyang maiyak. “Po-protektahan kita habang buhay. Hindi ko hahayaang magdusa ka sa kahit katiting na kawalan ng katarungan at hindi na ulit kita hahayaan pang saktan ng iba.”‘Boses... Boses iyon ni Jin... Ito ang sinabi niya sa akin.’Nag-squat si Ling Yiran sa sahig at naramdaman na ‘tila naririnig niya lamang ay ang mga salita ni Yi Jinli na minsan niyang sinabi sa kanya. ‘Huwag mong isipin ang mga sinabi niya. Huwag mo silang isipin...’ pilit niyang tinatatak ito sa kanyang isipan. Pagkatapos ay... Mukhang may tunog ng mga yapak papalapit sa kanya. Malinaw ang bawat hakbang ng mga yapak. ‘Kaninong mga yapak ito?’Ang pares ng itim na leather na sapatos ang pumukaw sa kanyang paningin. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo at nahuli ng tingin ang isang pamilyar na mukha. ‘Mukha ito ni Jin... Tulad nung nakita niya sa Druken Days‘Dahil ba lasing ako? Kaya ako nakakarinig ng mg