Marahan niyang kinuha ang kamay ni Qin Lianyi at mahinahon bago sabihing, “Oo, kaya ko. Kaya kong maging espada sa iyong mga kamay kahit na si Yi Jinli ang kalaban mo.”Kaya niyang gawing kalaban ang kahit na sino para sa kanya habang kahilingan niya ang lahat ng iyon. Dahil iyon ay... nahulog na siya kay Qin Lianyi. Oo, mahal niya si Qin Lianyi. Gayunpaman, hindi pa niya kailanman talagang sinasabi ang tungkol sa kalaliman ng kanyang pag-ibig. Sobrang nagagalit siya kay Qin Lianyi, kinamumuhian, at sinumpa niya ito, pero sa huli, nakita niya na ang lahat ng nararamdaman niya ay walang-wala sa pagmahahal niya kay Qin Lianyi. Noong nawalay sila ng tatlong taon, akala niya ay kinamumuhian niya si Qin Lianyi, pero sa huli ng mga araw, nanatili pa rin ang pagmamahal niya kay Qin Lianyi. Iniisip niya si Qin Lianyi araw araw. Kalaunan, ang pag-ibig na ito ay bigla na lamang lumalim nang lumalim. “Lianyi, ako ang magiging espada mo,” sabi niya.Biglang tumibok ng bayolente ang p
‘Tsaka, sa mga nakalipas na araw, maraming mga Cinderella ang nangmamata sa mga pera ng mga matataas na president at gustong mamuhay sa miserableng buhay habang nasa relasyon.’Iyon ang akala ng babaeng kasamahan niya na iyon ang kaso. Kanina, marami sa kanila ang nagsama-sama at pinag-usapan ang tungkol sa kung sino ang eksaktong nagbayad ng bill kagabi. “Hindi.” Tinanggi ito ni Ling Yiran. ‘Noon oo, pero hindi na ngayon.’“Eh? Hindi?” nagulat ang babaeng kasamahan niya, hindi inaasahan na ganoon na lamang itanggi ito ni Ling Yiran. “Pero sabi ni Guan Lili...”“Dapat ba ay boyfriend ko ang kahit na sinong sabihin niya?” tanong ni Ling Yiran. Natameme ang babae, hindi alam kung paano ipagpapatuloy ang usapan.Umalis si Ling Yiran sa kusina kasama ang baso ng tubig sa kanyang kamay. Ang gusto na lamang niya sa ngayon ay ang magtrabaho at magtrabaho ng mabuti sa syudad na ito... para maging abogado ulit!Sa paraan lamang na ito magiging karapat-dapat siya sa mga taong nagmamahal
Ang makukuha lang nila ang proyekto ng ilang residenteng lupain at disenyo sa iilang residenteng kabahayan. “Lianyi, huwag ka magambala. Ang makakatagpo mo ngayon ay ang mga executive ng mga kumpanya ng real estate,” payo ng director ni Qin Lianyi. “Kuha ko.” Sabi ni Qin Lianyi matapos niyang malagay sa tama ang kanyang sarli. Nang naglakad ang grupo ng mga tao sa pasilyo. Sandali na napatigil si Qin Lianyi at nakita ang pamilyar na pigura – Hao Yimeng!Ang pangalawang anak na babae ng pamilya Hao na isa rin sa babaeng nagpadusa kay Yiran sa bilangguan. Kinamumuhian ni Qin Lianyi ang mga hinala niya!Gayunpaman, nagmula si Hao Yimeng sa maimpluwensyang karanasan. Kahit na siya ay na-blacklist sa industriya, kaya niyang bumalik lang sa pamilya Hao at asahan ang importanteng posisyon sa Hao Group. Napakaganda ni Hao Yimeng suot ang kanyang mamahalin na bespoke na terno kasama ang mahaba at medyo kulot na buhok na nahuhulog sa kanyang mga balikat. Mayroon din siyang napakagandan
“Sinusubukan mo bang makipag-away sa akin? Ano naman kung sipain ka naming palabas dito? Sino ka sa tingin mo?” natural na may nagsalita para kay Hao Yimeng. “Gusto mong palabasin ako? Anong batas ang nakakapagsabi na bawal ako umapak dito? Dapat ba akong tumakas kapag sinabi mo? Sasabihin ko sayo, kaya kitang idemanda sa ginagawa mo!” matigas na ulong sabi ni Qin Lianyi. “Idemanda ako? Kung ganoon, gusto kong makita na idemanda mo ako!” habang nagsasalita siya, ang lalaki ay inutusan ang dalawang sunod-sunuran sa kanyang tabi, “Umalis ka rito para hindi uminit ang ulo ni Miss Hao!”Ang dalawang lalaki ay dumating at hinawakan ang magkabilang kamay ni Qin Lianyi, sinusubukan na kaladkarin siya sa labas. Si Direktor Tong at ang iba sa mga kasamahan ay hindi na sinubukan pang magsalita para sa kapakanan ni Qin Lianyi. Mayroong pagod na ngiti sa gilid ng mga labi ni Hao Yimeng habang mapang-asar na tinitingnan si Qin Lianyi. “Mukhang wala kang magagawa kundi ang lumabas dito. Maa
Tamad na winagayway ni Bai Tingxin ang kanyang kamay. “Mukhang ayaw mong humingi ng tawad pagkatapos mong apihin ang girlfriend ko. Bilang boyfriend niya, tatayo ako para sa kanya. Kung hindi man, kailangan ko pa bang gawing katatawanan ang sarili ko?”Ang lalaki ay nakahiga na sa sahig. Ang lugar kung saan siya natamaan ng suntok ni Bai Tingxin ay masakit ng sobra kaya hindi siya makapagsalita. Tapos ay umikot si Bai Tingxin kay Hao Yimeng. “Ikaw, Miss Hao? Hihingi ka ba ng tawad?”May delikadong tunog sa mukhang magalang na tanong. May pakiramdam din si Hao Yimeng na kapag sinabi niyang hindi, matutulad siya sa lalaking nabubugbog sa lupa. Ang lalaki sa kanyang harapan ay walang kahit na anong awa. Nakilala na sa wakas ni Hao Yimeng ang lalaki sa harapan niya ngayon. Siya ang bagong pinuno ng pamilya Bai na siyang nakakuha ng opisina nang higit kalahating taon – Bai Tingxin.Nakayanan niyang palitan ang pamilya Bai nang may kakilanlan na pagiging g*go, na ibig sabihin ay hin
“Iniisip ko lang naman.” Ismid niya. “Bilang isang architectural designer. Kailangan kong mangarap ng kaunti.”“Tama,” pagod siyang ngumiti. Sumali si Bai Tingxin sa pusta sa sikat na plot na binanggit ni Qin Lianyi nang nagsimula ang auction. “President Bai.” Ang kanyang assistant ay namangha. Tsaka, ang plot ay hindi kasama sa kanilang plano. Sobrang sikat nito kaya matindi ang laban, kaya ang huling premyo ay hindi masyadong maganda. Kahit na napalalunan nila ang auction, malamang ay mag-iipon lamang sila ng reputasyon kaysa sa kita. Gayunpaman, sinabi ni Bai Tingxin, “Mag-bid ka para rito at gamitin mo ang na ito na gumawa ng pangalan para sa Bai Feng Group.”Napahinto sa pagsasalita ang assistant, pero ang kanyang mga mata ay hindi mapigilan kundi tingnan ang babaeng umiinom ng juice habang kinakalikot ang kanyang phone. ‘Hindi na mag-bbid si President Bai para sa plot dahil lang sa sinabi ng babae, hindi ba?’‘Posible ba ito? Ang gumastos ng bilyong dolyar sa sinab
“Hindi na, salamat. Hindi ko ipapalit ang trabaho ko basta-basta. Gagawin ko iyan kapag may napatunayan na ako at makagawa ng mas maayos na resume,” sabi niya. “Hindi mo ba inaalala kung paano ka tratuhin ng mga tao na ‘yon?” “Inaalala ko, pero... iyon naman talaga ang pinagdadaanan habang tumatanda ka. Kahit na hindi ko makasundo ang mga taong iyon, kailangan ko pa ring manatili para mabuhay. Para naman sa kanila... Um, iyon ay ang pangalawang anak na babae ng pamilya Hao, si Hao Yimeng. Hindi kami ganoon kalapit sa isa’t-isa, kaya wala silang rason na gawin iyon sa akin, tama?”Kahit papaano ay nagulat si Bai Tingxin. Hindi niya inakala na ganoon magiging maunawain si Bai Tingxin. Gayunpaman, pagkatapos sabihin iyon, nanigas siya at tumingin ng kakaiba kay Bai Tingxin. “Anong meron? Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?” tanong niya ng may kaunting simangot. Pinagdikit niya ang kanyang mga labi ng matagal bago sinabi, “Wala... Gutom ako at gusto ko nang kumain.”“Sige,” ngu
Hindi niya gustong takasan ang nararamdaman ng kanyang puso. Dahil nahuhulog na rin siya kay Bai Tingxin, hindi niya gustong mawala si Bai Tingxin. O sabihin na nating hindi niya gustong mawala ulit si Bai Tingxin sa pangalawang pagkakataon, na nawala na niya ng higit pa sa tatlong taon na ang nakakalipas?Tumitig siya kay Qin Lianyi, ang magagandang itim niyang mga mata ay nakatingin na parang gusto niyang makita ang lahat kay Qin Lianyi. “Gusto mo ng totoong relasyon?” medyo paos ang kanyang boses. Tumango siya. “Pero kailangan mong malaman na kapag talagang naging tayo, hindi pwedeng basta basta mo na lang akong iwan sa tuwing gusto mo. Kaya kitang patawarin sa pag-alis nang hindi nagpapaalam noong huli, siguro babaliin ko ang mga paa mo para hindi ka na makapunta kahit saan,” sabi ni Bai Tingxin. Ang bawat salita ay tunog ng huling babala para sa kanya. Nanginig si Qin Lianyi, ang kanyang ngipin ay nag-iiwan ng marka sa bawat kagat niya sa kanyang ibabang labi. “Hindi,