‘Nandito... rin siya?’Hindi niya inasahan na makikita niya ito kaagad. Napakaliit nga ng mundo. Tumingala si Ling Yiran, at isang pigura ang bumungad sa kanya. Nakasuot si Gu Lichen ng buong puting kaswal na kasuotan na hindi medyo pormal kesa sa palagi niyang suot at mas mahinahon. Sa ilalim ng ilaw ng lampara, ang gwapong mukha ay nagpakita ng kakaiba at estranghero. Kahit na siya ay napapalibutan ng mga tao, mayroong hindi nakikitang harang na mukhang hindi siya nababagay mula sa mga kumosyon sa kanyang paligid. Na para bang nilagay niya ang harang sa kanyang mundo at hindi kailanman papayagan ang kahit na sino ang pumasok. Ang isa... na makakabasag ng harang na ito ay wala kundi ang batang babae na kasama niya sa hirap at ginhawa... Na minsan nang naging si Ling Yiran!Gayunpaman... bumagsak ang mga mata ni Ling Yiran sa babae na siyang lumakad sa isang silid habang hawak ang bisig ni Gu Lichen. Ito ay si Ate Lifang na siyang pumalit sa pwesto niya. Nakatayo siya nga
Kahit na ang mga tao sa paligid ay kasama sa mayayaman at makapangyarihan kumpara sa iba, lahat ay may estado. Sa gulat ni Yu Kaihao, sumagot si Gu Lichen, “Sige.”Sobrang natuwa si Yu Kaihao. Pakiramdam niya ay nanalo siya sa lotto. Kung magiging malapit siya kay Gu Lichen, ang katayuan niya sa grupo ay magiging kakaiba. Nang ginabayan ni Yu Kaihao sina Gu Lichen at Hua Lifang sa pool table, hindi mapigilan ni Ling Yiran na ngumiti ng mapait. Ito lang ang inaalala niya. Humugot si Ling Yiran ng malalim na hininga, humakbang, at sinabi kay Yu Kaihao, “Mr. Yu, pwede niyo po bang pirmahan muna ang dokumento?”“Maghintay ka. Huwag mo kaming guluhin!” hindi makapag-hintay na utas ni Yu Kaihao. Natatakot siya na maistorbo ang laro niya kay Gu Lichen at maapektuhan siya sa pakikipag-kaibigan dito. Binaba ni Ling Yiran ang kanyang ulo at marahan na kinagat ang kanyang labi. Nararamdaman niya na napadaan ang mga mata ni Gu Lichen sa kanya. Pero... daan lamang iyon. “Lifang, nak
“Nagustuhan ko talaga. Hindi ko inasahan na interesado pala ako sa paglalaro ng pool,” sinabi ni Hua Lifang nang may ngiti. SA kabilang banda, abala si Yu Kaihao sa pagpuri kina Gu Lichen at Hua Lifang. Sinasabi niya na magaling magturo si Gu Lichen at may talento si Hua Lifang. Mukhang nakalimutan na nila ang tungkol kay Ling Yiran na siyang nakatayo sa malapit. Pinakikinggan ang sinabi ni Hua Lifang, nakita ni Ling Yiran na ang kanyang pinsan ay magaling umarte. Hindi niya inakala na magaling magsinungaling ang kanyang pinsan. Malamang ay naniwala na si Gu Lichen na ang kanyang pinsan ang maliit na kababata niya. Kahit na sabihin niya kay Gu Lichen ang totoo, malamang ay pagtatawanan na lamang siya nito. Ang sakit sa kanyang mga tuhod ay palala na nang palala. Umismid ng kaunti si Ling Yiran habang nakatikom ng mariin ang kanyang bibig. Sinusubukan niyang hindi pansinin ang sakit sa kanyang mga tuhod at maghintay pa. Ngayon ay kaya na lamang niyang maghintay hanggang
Natisod si Ling Yiran kasabay ng panghihina ng kanyang mga tuhod. Mahuhulog na sana siya. Sa sumunod na sandali, isang braso ang humawak sa kanyang baywang at iniwas siya sa pagkahulog. “Anong nangyari sa paa mo?” malamig na tanong ni Gu Lichen. Nakita niya nalulumpo ito kanina. “Dating problema lang,” sabi ni Ling Yiran bago siya pasalamatan sa kanyang tulong. Pinagdikit niya ang kanyang manipis na labi at binitiw ang kanyang kamay habang ang tingin ay nahulog sa kanyang mga paa. ‘Dating problema. Ibig sabihin ay mayroon siyang dating problema?’“Yiran, ayos ka lang?” mabilis na pinakita ni Hua Lifang ang pagiging Ate niya. “Kung hindi komportable ang mga paa mo, maari kang umupo at magpahinga.”Malamig na sumulyap si Ling Yiran sa kanyang pinsan. Kung talagang may aruga ang pinsan niya sa kanya, hindi siya titingin sa kanya ng malamig habang masayang naglalaro ng pool habang siya ay nakatayo roon. Napatigil si Yu Kaihao at sinabi kasama ang hindi pangkaraniwang ekspresyon
‘Hindi! Hindi maari!‘Isang araw ay mapapalitan ko rin ang lugar ni Ling Yiran ng buo. Ako ang tatabi sa kanyang tabi at ang kanyang huling halakhak!’...Sumakay si Ling Yiran sa bus at bumalik sa inuupahan niyang bahay. Sobrang namamaga pa ang kanyang mga paa na hirap siya buhatin ang mga ito. Kinuha niya ang dalawang band-aids mula sa kanyang first aid kita at nilagay ang mga ito sa kanyang mga tuhod. Napabuga siya ng hangin sa ginhawa nang naramdaman niya ang init sa kanyang mga tuhod at pinapawala ang sakit. Ang gabing ito ay parang laban para sa kanya. Pagod siya, ang kanyang kasu-kasuan ay hindi kayang tagalan ang lamig ng aircon ng matagal. Ang pagkikita nila ni Gu Lichen at Hua Lifang ay nakakabigla. Nang hinablot siya ni Gu Lichen ang kanyang kamay at tinanong ang tungkol kay Yi Jinli bago siya umalis, nakaramdam na naman siya ng sakit sa kanyang puso. ‘Kung maibabalik ang dati, malamang ay sasamahan ako ni Jin kung pupunta man ako sa lugar tulad ng nightclub.’Hi
‘Si Jinli... nakipaghiwalay kay Ling Yiran? Posible ba iyon? Ang lalaki na kahit ang pagtingin sa kanya ay hindi niya pinapayagan ay makikipaghiwalay sa kanya?’Kilala ni Gu Lichen si Yi Jinli ng ilang taon, kaya alam niya na malamig siya at hindi pa naging interesado sa ibang babae. Maliban kay Ling Yiran. Ang tao na tulad ni Jinli ay hindi magmamahal o panghahawakan ito habang buhay sa oras na mahulog sila. Pero, walang habang buhay. Nakipaghiwalay siya sa kanya!“Bakit kayo naghiwalay?” tanong niya habang lumalapit pa siya. “Personal na iyon, at hindi ko nararamdaman na kailangan kong sabihin sa’yo, Mr. Gu.” Humakbang siya paatras ng dalawang beses mula sa kanya, naglalagay ng distansya sa pagitan nila. “Kung wala na, gusto ko nang umuwi at magpahinga.” Habang nagsasalita siya, nilabas niya ang susi, binuksan ang pintuan ng inuupahang bahay, at dumiretso sa loob bago isarado ang pinto. Naiwan si Gu Lichen na nakatayo sa bakuran ng labas ng bahay.Tumitig si Gu Lichen sa
Pinulupot ni Yi Jinli ang kanyang mga daliri sa leeg ni Gu Lichen na parang babaliin niya ito. Mabilis na binaba ni Ye Chongwel ang baso sa kanyang kamay at hinablot ang kamay ni Yi Jinli, sinusubukan na alisin ito sa leeg ni Gu Lichen. “Jinli, anong ginagawa mo? Nagtatanong lang si Lichen. Hindi... hindi ka dapat umakto ng bigla bigla...”Sobrang takot na takot si Ye Chongwel, pero si Gu Lichen, na siyang nasakmal sa leeg, ay nagpakita ng walang takot sa kanyang mukha. Tanong niya, “Iyon ba ay... dahil sa akin?”Gayunpaman, sa sandali na mabigkas niya ang mga salitang iyon, ang mga daliri ay mas lalong humigpit at nagsimula nang masakal talaga si Gu Lichen habang ang kanyang mukha ay mas lalong namula. Kinabahan si Ye Chongwei. “Jinli, bumitiw ka! Bumitiw ka! Balak mo ba talagang patayin si Gu Lichen?’‘Gosh. Ano bang nangyayari? Kung may mangyari sa dalawang ito sa pamamahay ko, malamang ay tapos na ang buhay ko!’Sinubukan ni Ye Chongwei ang kanyang makakaya upang hilahin an
“Pumunta ba si Ye Wenming nong na-ospital ka?” tanong ni Ling Yiran. Iniling ni Zhuo Qianyun ang kanyang ulo. “Hindi, sa tingin ko ay umalis na siya sa syudad ng Shen. Inaasahan ko na tigilan niya na ang mga nakakatawang mga ideya pagkatapos nito.”Tumigil siya ng ilang sandali, nagpakita ng maasiwang ekspresyon ang mukha ni Zhuo Qianyun. “Hindi ako natatakot sa paghihiganti niya. Natatakot ako na masali na naman ako sa kanya.”Nag-iwan siya ng madaming sugat at sakit! Kahit ang makita siya ay masakit para sa kanya. Mukhang ang pagsabi sa kanya kung gaano nakakatawa ang pagmamahal niya kay Ye Wenming noon!"Ano ang gagawin mo?"tinanong ni Ling Yiran. Pagkatapos ng lahat, walang nakakaalam kung ano ang susunod na gagawin ni Ye Wenming."Siguro aalis ako sa Shen City at lumipat sa ibang lugar kung saan hindi niya ako mahahanap," sabi ni Zhuo Qianyun.Kung nagpatuloy silang manatili sa Shen City, maaaring matuklasan ni Ye Wenming si Lil Yan kung sakaling siya ay naghahanap para s