Nang malaman ang balita, gustong gustong lumuhod ni Xiao Zigi kay Yi Jinli pero paano? Ni hindi niya nga alam paano sila magkikita kaya sa sobrang pagkadesperado, nagbakasakali siyang hintayin ito sa harap ng apartment ni Ling Yiran. Hindi nagtagal, may nakita siyang dumating na Bentley, na sinundan ng pagbaba ng isang pamilyar na lalaki, kaya dali-dali siyang bumaba para puntahan ito. "President Yi, yung nangyari po kahapon... Patawarin niyo po kami dahil dala lang po yun ng pagkaisip bata ng kapatid ko. Nagmamakaawa po ako na palampasin niyo nalang po ang Xiao Family. Pangako, hindi na po ito mauulit." Pagmamakaawa ni Xiao Zigi, na parang maamong tupa. "Palampasin ang Xiao Family?" Natatawang sagot ni Yi Jinli. "Kung may gusto po kayong ipagawa sa akin... kahit ano... gagawin ko sa abot ng makakaya ko." Tingin palang ni Yi Jinli, halos mamatay na si Xiao Zigi sa kaba. Pakiramdam niya ay lalamunin siya ng isang mabangis na tigre, pero wala siyang karapatang sumigaw. "Nakalim
Hindi pa man din natatapos si Xiao Ziyi sa pagbabanta niya, nang muling magsalita ang lalaki. "Ah. So ikaw pala talaga yan." Pagkatapos, tumingin ito sa mga kasama nito. "Lumpuhin niyo yung kanang paa niya. Dito sa video, yun yung ginamit niyang pampatid dun sa babae." "Ha? A...anong ibig sabihin nito?!" Halos maihi na si Xiao Ziyi sa sobrang takot. 'Mukhang hindi lang basta-bastang blackmail 'to ah..." Hindi nagtagal, isang malakas na tili ang umalingawngaw sa loob ng private room... Pagkagising ni Ling Yiran kinabukasan, wala na siyang lagnat kaya nakangiting sinabi ni Yi Jinli, "Buti nalang at wala ka ng lagnat, ate. Kasi kung nagkataon, dadalhin na kita sa ospital ngayon. "Ni...nilagnat ako kagabi?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ling Yiran. "Oo, at ang dami mong sinabi habang natutulog ka." Natatawang sagot ni Yi Jinli. "Ha? A..ano yung mga sinabi ko?" Magkahalong kaba at hiya ang nararamdaman ni Ling Yiran. 'Wala naman siguro akong nasabing hindi dapat no?' "Hmm
'Diyos ko, ano ba 'tong iniisip ko? Ling Yiran, tumigil ka nga! Bakit mo iniisip yan?' "Ang weird lang kasi ng feeling na ganito tayo kalapit," Nahihiyang paliwanag ni Ling Yiran. "Okay." Dahan-dahang binitawan ni Yi Jinli si Ling Yiran at tumalikod para ligpitin ang mga nakakalat sa lamesa. At doon lang nakahinga ng maluwag si Ling Yiran. "Siya nga pala, ate. Noong magkalapit tayo kanina, gusto mo ba akong halikan?" Biglang tanong ni Yi Jinli, na sobrang gumulat kay Ling Yiran. Ang buong akala ni Ling Yiran ay tapos na ang ilangan, pero dahil sa naging tanong ni 'Jin', muling bumilis ang tibok ng puso niya. "Mahirap bang sagutin yung tanong ko?" Tanong ni Yi Jinli na bahagyang nakakunot ang noo. "Ah..." "Kung ate ko ang hahalik sa akin, papayag ako. Pero kung ibang babae, ayoko." 'Nagjojoke ba siya? Pero... mukha naman siyang seryoso...' Gusto sanang sabihin ni Ling Yiran na 'kapatid lang ang tingin ko sayo' pero sa mga binitawang salita ni 'Jin', halos hindi niya
"Para sa akin kasi mas komportable pa rin ako na hindi ako umaasa sa iba. Kasi kapag umasa ka sa iba tapos hindi nila nabigay yung gusto mo, masasaktan ka lang." "Habang tumataas yung expectation mo sa tao, mas lumalala yung disappointment." "Pero paano kung gusto kong maging sponsor ng ate ko?" Tanong ni Yi Jinli, na pinagmamasdan ang magiging rekasyon ni Ling Yiran. "Kung si Jin... Sige, papayag ako. Hihintayin ko na sponsoran ako ni Jin." Nakangiting sagot ni Ling Yiran. "Bakit okay lang sayo ate pag ako?" "Kasi alam kong hindi ako sasaktan ni Jin. Dahil...." Natigilan si Ling Yiran ng ilang segundo bago siya muling nagpatuloy, "Alam kong kahit anong mangyari, hinding hindi mo ako iiwanan, diba?" "Tama, hindi kita iiwanan, Ate." Natatawang sagot ni Yi Jinli. — Kinagabihan, noong nakita ni Yi Jinli na mahimbing ng natutulog si Ling Yiran, tahimik siyang lumabas para pumunta sa isang bahay na kalapit lang din ng apartment ni Ling Yiran. Hindi kagaya ng apartment na p
Pagkababa ni Yi Jinli ng phone, tinawag niya si Gao Congming, na nakatayo sa tabi niya, "Ikaw na bahalang tumapos ng meeting at ireport mo nalang sakin bukas lahat ng mapaguusapan niyo." "Ano pong gagawin niyo, Master Yi?" "Nagising si Yiran at hinahanap niya ako kaya uuwi na ako. Naumpisahan ko naman na ang meeting at maliliit na detalye nalang naman yung mga naiwan." Pagkatapos magsalita, ni hindi na nahintay ni Yi Jinli ang sagot ni Gao Congming at lumabas na ito ng bahay, kaya ang kausap nito sa kabilang linya ay lalo ng naguluhan sa nangyayrai. Dahil dito, si Gao Congming ang sumalo ng lahat ng mga tanong at pangiintriga. "Secretary Gao, anong nangyayari?" "Bakit biglang umalis si Mr. Yi?" "Sino ba yung tumawag sakanya?" "Alam mo sa totoo lang, halatang kinikilig si President Yi. Inlove ba siya?" Wala ng maisagot si Gao Congming kaya napangiti nalang siya. "Sige po, ituloy na natin." 'Inlove? Mukha ngang inlove na si Young Master Yi...' Sa ngayon, kutob lang
Kung titignan ang mga mata ng Young Master ngayon, parang wala lang... normal... Pero sa tuwing kausap nito si Ling Yiran sa phone, kitang kita ni Gao Congming kung paano nagbabago ang mga matang ito... Puno ng lambing na minsan may kahalong kilig? Kaya nasabi niya sa sarili niya na hindi pala talaga manhid ang amo niya at siguro may piling tao lang talaga kung kanino pumupungay ang mga mata nito. "Master Yi, naghihintay na po ang sasakyan sa labas." Magalang na sabi ni Gao Congming. "Tara na." Noong una, walang ganang pumunta si Yi Jinli sa engagement banquet nina Xiao Zigi at Hao Yimeng, pero matapos mangyari ang lahat, medyo mas interesado na siya ngayon. Siguro kasi gusto niyang panuurin kung paano ikasal si Xiao Zigi, na ex ni Ling Yiran dahil para sakanya, sa oras na mangyari yun, wala ng pag-asang magkabalikan ang dalawa. Kahit pa hindi niya sigurado kung naka moved on na nga ba talaga si Yiran.... Ang importante sakanya sa ngayon ay imposible ng magkaroon ng Xiao
Pagkamatay na pagkamatay ng nanay ni Ling Yiran, nag-asawa kaagad ang tatay niya, na nasundan pa kaagad ng anak. Sa totoo lang, natakot siyang ma out of place sa pamilya nila kaya nagsumikap siya na maging masunurin at palagi niyang sinisigurado na gagawin niya ang lahat ng gusto ng mga ito para lang mapansin at mahalin siya. Nagbunga naman ang lahat ng pagsisikap niya at grumaduate siya na may maraming awards pero alam naman niya rin naman sa sarili niya na hindi niya na enjoy ang kabataan niya. At yung hiwalayan nila ni Xiao Zigi ang nagturo sakanya na hindi siya dapat umasa sa ibang tao dahil wala naman talaga siyang ibang maasahan kundi ang sarili niya. Pero... noong sinabi ni 'Jin' na gusto nitong maging sponsor niya, hindi niya naramdaman yung takot dahil napalitan ito ng kapanatagan dahil alam niya na may taong gustong mag-alaga sakanya. Sa totoo lang, sobrang pinagpapasalamat niya na nagkakilala sila ni 'Jin' dahil ang buong akala niya noong makalabas siya ng kulungan, tata
"Mukhang mamumulubi siya kaka pusta." Sagot ni Gu Lichen, sabay tingin sa isang babae na mukhang naliligaw. "Oh nandito na pala siya, gusto mo bang ipakilala ko siya sayo?" Tumingin si Yi Jinli sa direksyong tinitignan ni Gu Lichen at nang makita ang babaeng tinutukoy nito, biglang kumunot ang noo niya. "Ling Luoyin?" "Magkakilala kayo?" Tanong ni Gu Lichen, na halatang nagulat dahil base sa pagkakakilala niya kay Yi Jinli, hindi ito basta-basta nakikipagkilala kung kani-kanino. "Medyo. Bro, binabalaan lang kita ha. Kung mahal mo yang bago mong girlfriend, bantayan mo siyang maigi dahil sa oras na gumawa siya ng kalokohan, may kalalagyan siya na kahit ikaw hindi mo siya mapprotektahan." Sagot ni Yi Jinli, na biglang naging seryoso ang tono ng boses. "May nagawa ba siyang hindi maganda sayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gu Lichen. Sa tingin mo ba makakatungtong pa siya dito ngayon kung may ginawa siyang masama sa akin? Pero malay natin, balang araw bigla siyang topakin."