Share

Kabanata 109

Hanngang sa may naaninag siya na liwanag.

Nagmamadali niyang kinuha ang kanyang phone para buksan ang flashlight at puntahan kung saan ito nanggagaling.

Dinala siya ng liwanag sa isang bangin kung saan may…. Isang lalaking nakahiga!

"Elliot!"

Hindi napigilan ni Avery na umiyak nang sandaling makita niya si Elliot. Dali-dali siyang humanap ng paraan paano siya makakababa.

“Nandito na ako, Ellio! Wag kang matakot! Malapit na ako! Ligtas ka na!”

Nang marinig ng bodyguard ang mga sigaw ni Avery, nagmamadali itong tumakbo pabalik kung saan nanggagaling ang bosesm. “Nakita mo na siya?”

“Oo! Nahulog siya! Duguan siya!” Sigaw ni Avery habang pinipilit niyang maging matapang. “Puntahan mo kami dito!”

Huminga siya ng malalim at lakas loob na tumalon sa kung nasaan si Elliot.

Naunang bumagsak ang paa niya kaya napasigaw siya sa sobrang sakit.

Pero pinilit niyang balewalain ito at nagmamadali siyang gumapang papunta kay Elliot.

“Elliot! Gumising ka! Wag kang matutulog! G
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status