Grace Lopez-Silvano
“I'LL WAIT HERE.” tinanguan ko lang si Clint. Kinuha ko ang pouch ko saka lumabas ng kotse. Dumungaw ako sa passenger seat para silipin sya na nakaupo sa driver seat. “Magdrive thru tayo mamaya, nagbilin si Grae ng chicken.”
Ipinitik nya ang daliri. “Bibili na ko ngayon para mamaya diretso na tayo pauwi.”
Tumango ako. “Sige. Ikaw bahala. Ingat ka.”
He smiled and wink at me. “You too, hon.”
Pinunuod ko ang papalayong kotse saka ako humarap sa entrance ng resto. Agad akong pumasok. Luminga-linga ako para hanapin ang kameet ko. Sino kaya ang taong yon? Pangalan lang nya ang nalaman ko e.
“Do you have a reservation, ma'am?” tanong sakin ng lumapit na waitress.
“Hindi ako sure pero baka may bilin si Mr. Raven Galvez?”
“Oh Mr. Galvez, he
Grace Lopez-Silvano“YOU DON'T LOOK FINE.”Matamlay na nilingon ko si Clint. I smiled at him. A faint one. Halos isang oras na mula nang makauwi kami at dahil hindi ako makatulog ay nagbasa nalang ako ng libro. Iyon nga lang, napansin ni Clint ang ikinikilos ko.“You okay, hon?” hinaplos nya ang kamay ko.“Wala lang ako sa mood.”Tumango sya at nahiga na. “Continue reading and sleep later, hmm. Goodnight, hon.”I smiled at him. Tumigilid sya paharap sakin at ipinatong ang kamay nya sa tiyan ko. Marahan itong tinapik-tapik habang nakapikit. Napabuntong-hiniga ako. His touch is calming me.Ibinaba ko ang librong hawak ko saka marahang hinaplos ang buhok nya. He looked so tired. Mabilis din syang nakatulog at humihilik sya ng mahina.Tinitigan ko ang mukha nya. Bakit ganito? Nakokonsensya ako? I
Grace Lopez-SilvanoTODAY IS MONDAY. I was busy scanning my phone while waiting for Ales sa labas ng school nang may lumapit sakin. Nakaupo ako sa bench sa tapat ng gate ng school at mula dito ay matatanaw ko si Ales kung lalabas na sya.Tiningala ko ang tumigil sa harapan ko. Mabilis akong tumayo at tatakbo na sana nang mahablot nya ang braso ko. “Sandali lang, Grace.”Iwinaksi ko ang kamay nya. “Don't touch me!”Tumungo sya saka muli akong tiningnan. “Let's talk...”“No!”Akmang aalis na ulit ako nang tawagin nya ako at harangin. “Grace!”Tiningnan ko sya ng masama. “Umalis ka riyan!”“J-Just give me five minutes—”“Kahit isang segundo pa yan pag sinabi kong ayoko, ayoko!”Nagsimula akong maglakad palayo
Grace Lopez-SilvanoNAGISING AKO sa malalakas na katok at hiyaw ni nana Berta sa labas ng kwarto. Bumangon ako at sinulyapan ang suot kong relong pambisig. 5pm. Wala pa ba sina Clint? Bakit parang ang tagal naman yata nila? Naalala ko bigla ang nangyari kanina. Ang sakit at galit na naramdaman ko nang makita ko ulit si Blaze at nang marinig ko ang sorry niya. Sorry? Sarkastiko akong natawa ng mahina. He really think that i'm that stupid. Tumayo ako at lumapit sa pinto. Pakamot-kamot sa batok na tiningnan ko si nana Berta. “Nay, ano hong problema?” Naalarma ako nang makitang halos namamaga ang mga mata niya at umiiyak sya. “An
Grace Lopez-SilvanoHINDI MATATAWARAN ang sakit at hirap na dinadanas ko ngayon. Pagkatapos kong magmakaawa sa chapel ay bumalik ako sa harap ng operating room at doon ay ilang oras na naghintay. Halos umaga na nang lumabas ang doktor dala ang mabigat na hakbang na batid kong hindi maganda ang senyales. “D-Doc…” “Successful ang operasyon, misis pero kailangan niyang magising sa loob ng 24 hours para matiyak ko sa inyo na stable na ang inyong asawa.” Hirap na hirap sa paghinga na lumunok ako. Pilit na pinigilan ang pagtulo ng luha ko. Ibig sabihin ng doktor, may posibilidad na bumigay ang asawa ko at hindi na magi
Grace Lopez-SilvanoAPAT NA ARAW. Apat na araw na ang nakalipas pero hindi pa rin nagigising si Clint. Second day of the accident, Ales woke up and she's not okay. Madalas siyang tulala at hindi gaanong kumakain. Kahapon, idineklara ng doktor na comatose ang asawa ko. Napakahirap. Hindi ko matanggap ang nangyari sa mag-ama ko. Nilingon ko si nana Berta na siyang nag-aalaga kay Ales. Inaasikaso ko kasi ang kompanya at pinupunta-puntahan ko si Grae sa bahay na ang yaya niya lang ang kasama. “Nay, pupunta muna ako sa kompanya ha. May aasikasuhin lang ako. Dadaan na rin ako sa school ni Ales para makipag-usap sa director ng school.” Ti
Grace Lopez-SilvanoGABI NA NANG bumalik ako sa hospital. Bumalik pa rin kasi ako kanina sa Silvano Designs pagkagaling ko sa S&G Corp. Tinapos ko ang mga naiwan kong trabaho at nilinis ko ang opisina ni Clint. “Nako, ekaw talagang bata ka, ang sabe ko ay magpahenga ka mona sa bahay!” Nginitian ko si nana Berta. “Sumilip lang ho ako dito. Pauwi rin ako maya-maya.” Nilapitan ko si Ales. Mahimbing na itong natutulog. Nilapitan ko naman si Clint at marahang hinaplos ang kaniyang buhok. “Aray!” napaigtad at duma
Grace Lopez-SilvanoMARIIN KONG ikinuyom ang kamao ko nang makita ko ang Silvano Designs na headline sa diyaryo. May kung sinong journalist na nagsulat na palubog na daw ang sikat na architectural firm. Hinilot ko ang sintido ko. Gusto kong umiyak at sumigaw dahil sa frustrasyon. Tiningnan ko loob ng opisina ni Clint. Kahapon lang ako nagdesisyon na huwag nang tumanggap ng bagong kliyente tapos may ganitong rumor na kaagad na palubog na ang firm. Naiiyak ako. Umiling-iling ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Blaze's calling. Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ang tawag nya pero sa huli
Grace Lopez-SilvanoI FELT NUMB. The pain in my heart is too much, it's too much that it made me numb. Parang may kadenang pumipigil sa puso ko sa pagtibok at nababalot ito ng yelo. Malamig. Napakalamig. Bakit ganito ang nararamdaman ko? “Baet.” gulat na napakurap-kurap ako at nilingon si nana Berta. Bumuntong-hininga siya. “Aba'y penababayaan mo na yata ang sarele mo. Hende matotowa ang asawa mo neyan.” naiiling na dugtong niya. Ngumiti ako. “I'm just tired, nay, pero inaalagaan ko ang sarili ko.” saka ko hinaplos ang tiyan ko. Maari ko ba namang pabayaan ang sarili ko e dinadala ko ang panibagong anghel namin ni Clint.