Share

9

Averi

"Oh my gosh." Para akong sinagasaan ng tren ng paulit ulit dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Gusto ko sanang baliwalain yung nararamdaman ko pero hindi ko maiwasang magtaka  kung bakit iba ang amoy ng mga unan. I'm very familiar with the essence of my bedroom kaya hindi ako pwedeng magkamali na wala ako sa bahay especially sa kwarto ko.

Namimigat man ang mga mata ay pinilit ko itong buksan, kumurap kurap pa ako para tanggalin ang panlalabo ng aking paningin. Dahan dahan akong bumangon ng marealized na wala talaga ako sa bahay namin especially sa kwarto ko.

Binalot ng kaba ang aking dibdib dahil wala akong maalala sa mga nangyari kagabi. "Oh gosh, what did i do last night?" All i know is, I was wasted and really drunk. I just hope and pray na hindi ako nakipag one night stand sa lalaki because that was odd and regretful.

Inalis ko ang comforter na kasing lambot ng bulak sa aking katawan at napansin ang damit na suot ko, kung kagabi ay nakaparty dress ako, ngayon ay sweats pants at over size white shirt nalang pero ang talagang nagpakaba sakin ay ang mapagtanto na wala akong suot na bra.

Mabilis akong tumayo at pinagmasdan ang loob ng kwarto. Wala masyadong gamit kundi ang king size bed, lampshades, maliit na chandelier at study table na may nakabukas na laptop at nagkalat na papeles.

"I need to get out of here." Bulong ko sa aking sarili but i stopped when i noticed two doors in front of me at first instict ko ang kanan. Bahala na, basta ang mahalaga makaalis ako dito dahil baka kung sino sino lang bumungad sakin.

Madilim ang buong paligid kaya kinapa ko pa ang pader para buksan ang ilaw. Nanlaki ang mata ko ng makita ang malaki at malawak na walk in closet.

"Oh it's a girl." Usal ko ng mapansin ang mga nakahanger na gown, dress, formal suit. Maayos ring nakahelera ang mga sapatos, heels, etc. Marami ring bags ang nakapatong sa ibabaw ng mini cabinet na kasing halaga ang kotse. "Expensive." Lumapit ako sa wooden table na natatakpan ng salamin, may mga mamahaling relos at jewelries. "Fancy."

Well, at least hindi lalaki ang nakasama ko and mukhang hindi ito pipitsuging tao at kung sino sino lang. Napatigil ako sa paguusisa ng may mahagip ang mata ko at hindi ako pwedeng magkamali na yung red wings at whole set ng undergarment na sinuot ko sa Versa ay nakasuot sa isang

mannequin at nakalagay sa loob ng fiber glass.

"Are you done snuffing my stuffs?" Munting na akong mapatalon ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Pagharapan ko ay ang walang emosyon na mukha ni Color Benitez ang bumungad sakin. "What are you doing here?" Wala akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan sya mula ulo hanggang paa. Color is wearing a maong short, showing her perfectly long and creamy legs. "Hey. Hey. My face is right here." Sinenyas nya sakin na tumingin sa kanyang mukha at hindi sa legs nya.

Sobrang namula at nag init ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. "Bakit ako napunta dito sa bahay mo?"At umiwas ako ng tingin. Idinikit ni Color ang ulo nya sa pintuan. "Pinalitan mo yung suot ko na damit?"

"Why not?" Mapanghamon na tanong ni Color sakin. "Naliligo ka sa suka kagabi pati sasakyan ko hindi mo pinagligtas."

"Yun naman pala edi sana hinayaan mo nalang ako sa club kagabi para hindi ka nagrereklamo!" Naalala ko yung tungkol sa costume. "At saka bakit nandito yung sinuot ko sa Runway show ng Versa?"

"Binili ko." Nakangiting sagot ni Color.

Nasabi sakin ni Megan na may bumili ng whole set up ng costume ko for one hundred thousand pesos. Si Color pala ang bumili. "But why?"

"Dahil gusto ko."

"Gusto mo? Pero bakit yung pakpak binili mo?" Nagtataka kong tanong.

"Dahil gusto kong lumipad." Pilosopong sagot ni Color.

"Wala talaga akong mapapala sayo." Inis kong sabi sabay hinawi ko sa kanya paalis sa pintuan. "Where is my bag? I have to call my parents."

Naglakad si Color at may kinuha sa lamesa. "Here." Inabot nya sakin ang bag ko. "They already knew that you were here."

Napanganga ako sa sinabi ni Color. "Bakit mo pinakialamanan yung gamit ko?" Pero imbis na sagutin ang tanong ko ay lumabas ng kwarto si Color. "Hey I'm talking to you!" Sinundan ko sya sa labas pero parang wala syang naririnig at tuloy tuloy lang sya sa hagdanan. "Tumigil ka nga!" Maingat akong humakbang sa malamig na hagdanan dahil baka kakasunod ko kay Color ay madulas ako. "I said stop!"

I could not help but feel amazed by how big her house is. The living room is spacious, napapalibutan ng kulay pink at violet na kurtina na maaliwalas sa mata, meron din napakalaking flat screen tv at antique vases.

"Teka nga, san ka ba pupunta? Kinakausap pa kita!" Habol ko kay Color na pumasok sa isa na siguro sa pinakamagarbong modern kitchen na nakita ko.

"Please sit down." Utos ni Color habang nagsasalin ng juice pero hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko. "Don't worry walang lason to."

"I'm not hungr-"

"Oh please." Color interrupted me. Her eyes were cold like an ice. Bagay na bagay talaga ang tawag sa kanyang Ice Queen. "Don't make me do it Averi."

Why does it sound so freaking hot and sexy kapag si Color ang nagsasabi ng pangalan ko? No no no Averi. Stop thinking that way. You and Color are enemy, nothing else.

Tahimik akong naupo, daig ko pa ang masunuring bata dahil wala naman akong magagawa. Kumalam agad ang sikmura ko ng makita kung ano ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. There is fried rice na sobrang bango dahil sa garlic, eggs, bacon, hotdogs, tinapay at tilapia.

For someone like Color, hindi ko maimagine na kumakain sya ng tilapia. No offense meant but Colorlyn Benitez is Colorlyn Benitez, you know the Ice Queen, rich, sophisticated etc.

"Kakain ka ba o tititigan mo nalang ang pagkain?"

Dahan dahan kong iniangat ang mata ko at tinignan si Color. Hindi na ako nagsalita at kumain nalang. Honestly, I have many question for her and my curiousity is slowly killing me.

"Mmm." Pagbasag ko sa katahimikan. "Can i ask something?"

Pinunasan ni Color ang kanyang bibig bago magsalita. "Yeah." Ni hindi man lang sya tumingin sakin.

"May.. May.." Napalunok ako. Teka, pano ko ba itatanong kung nag one night stand ba kami or what.

"Kung may nangyari satin kagabi?" Si Color na ang nagdugtong sa gusto kong sabihin. "Hindi ako pumapatol sa tuhod." At sa pagkakataon na ito ay ramdam ko ang mata nya sa mukha ko kahit na kunwaring abala ako sa pagkain. "Don't worry. I did not touch you inappropriately but change your clothes dahil puro ka suka."

"Hindi ko alam kung dapat ba kitang paniwalaan."

Kinuha ni Color ang baso ng juice. "Well, You are not my type." Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya. "I'm not interested in you Averi."

Hindi ko alam kung nangyari pero padabog akong tumayo at nagpupuyos ang galit sa bawat ugat ng katawan ko. 

"How dare you!" Gigil kong sabi. Pero si Color ay relax na relax lang na parang wala syang sinabi na hindi nakasakit sakin. "Pangit ba ako? Hindi ba kaaakit akit sayo at iniinsulto mo ako ng ganyan ha Colorlyn Benitez!"

"What can i do Averi." Sumandal si Color at pinagsalikop ang kanyang braso. "You are not m-"

"You don't have to say it twice." Pagalit kong inilapag ang baso at pinagmasdan si Color na basang basa ng orange juice ang mukha. Hindi ko alam kong tama ba yung ginawa pero sa ngayon mas nananig ang galit ko sa kanya. "You are conceited and so proud of yourself! Kahit kailan hindi kita magugustuhan!" Tumalikod ako at naglakad papunta sa pintuan.

"Hey!" Narinig kong sigaw ni Color pero tuloy tuloy lang ako. "Yung damit ko ha!"

Isang buo at punong puno ng galit na tingin ang binigay ko kay Color, aba ang walang hiya nakuha pang ngumiti sakin.

"I hate you!" Sigaw ko bago lumabas ng bahay ng impaktang babae na yon. Wala narin akong pakialam kong ano itsura ko basta ang mahalaga makauwi ako tutal na sakin ang phone at wallet ko. Nagpara ako ng taxi at sumakay.

"What? She turn you down?" Hindi makapaniwalang tanong ni Aubree sakin habang naglulunch kami sa isang restaurant. Wala sina Mama at Papa kaya sa labas na kami kumain ni Aubree.

"Excuse me little sister, walang turn down nangyari dahil we both hate each other." Pagtatama ko habang hinihiwa ang kinakain kong masarap na steaks.

Natawa si Aubree. "Then why are you so mad? You even threw an orange juice in her face!" I admit na nagsisisi ako kung bakit ko yun ginawa but can you really blame me? She provoked me! "Ano bang itsura nya Ate?"

"Mmm. She is ugly." Walang preno kong sagot.

"To see is to believe. I will search on her later on f******k para naman malaman ko kung bakit nagkakaganyan ang maganda kong Ate."

"Bolera." Nakangiti kong sabi at sumubo ng pagkain. "Mmmm. This is delicous."

May lumapit na waiter samin na may dalang wine. "Excuse me ladies." Ngumiti sya sakin at kay Aubree. "May nagpapabigay po Ma'am." Direkta nitong sabi sakin at inaabot ang wine.

"Who?" Kunot ang noo kong tanong. Sinundan mamin ni Aubree ang pagtingin ng waiter sa direksyon ng lalaki na hindi naman kalayuan samin. Well, by the look of him mukhang professional na sya at may kaya sa buhay. Yun nga lang hindi lalaki ang hanap ko. "I'm sorry but i have to decline the offer, tell him thank you." Sabi ko sa waiter.

"Ate Averi." Bulong ni Aubree sakin. "Ano nararamdaman mo kapag may mga lalaking nagpapakita sayo ng interest? Like ask you on a date?"

Napaisip alo bigla. "Mmm, at first, it was really hard and awkward." nagtitigan kami ni Aubree. "Especially if the guy is really nice. I came to the point na sinubukan kong idate yung isa sa persistent suitor ko sa France but you know im gay as hell kaya walang nangyari. Since then naging vocal na ako magdecline, mas mahirap magpaasa."

"So you mean, it is okay to try other things?"

"Wala namang problema if you try something new or experiment pero dapat you should know your limitation-" Naumid ang dila ko ng makita ang dalawang babae na dumating at naupo mismo sa tabi ng lamesa namin.

"Sino sila Ate?" Pag uusisa ni Aubree na nakatingin din sa kabilang lamesa. When the realization hits her, Aubree's eyes went wide with her mouth slightly opened. "Sino si Color sa kanilang dalawa? Sobrang ganda nilang pareho, walang labis, walang kulang."

"Shhhhh." Saway ko kay Aubree, baka marinig kami at makita ako ni Color na mukhang may date. She looked so happy while talking to the  beautiful girl in front of her, who is kinda familiar to me. Like i have seen her before but i could not wrap my fingers around it. "Let's g-"

"Oh hey Averi!" Imbis na mapatingin ako sa taong tumawag ng pangalan ko ay kay Color ako tumingin na nakatingin narin sakin. "Fancy seeing you here." Saka ko palang pinagmasdan ang babaeng nakatayo sa harapan ko.

"Oh Megan." Tumayo kami ni Aubree. "Are you alone?"

Ngumiti si Megan. "No, I'm with my sister." At tinuro nya ang table nila kung saan may nakaupong babae na hindi ko naman masilayan ang mukha dahil nakatalikod sya sakin. "Are you girls done eating?"

"Yeah." Ngumiti ako ng pagkakatamis. "We are going now." Hinawakan ko ang braso ni Aubree. "See you at the office." Nang maglalakad na sana kami ni Aubree ay bigla akong tinawag ni Megan. "Yeah?"

"Pwede ba tayong magdinner mamaya? You know, only you and me."

"Ha.." Nanuyo ang lalamunan ko dahil nakita kong hindi nawawala ang mata ni Color sakin. Back to Megan, she is beautiful without a doubt, elegant with those pricey clothes and has a spotless creamy skin. Why not give it a try? I want to show Color na wala akong pakialam if she does not like me1, or im not her type. Hindi sya kawalan sakin. "Sure Megan. I would love that."

There was something in Color's eyes when she looked away but whatever it is, it will remain secret.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status