Share

Kabanata 14

Lalo lang uminit ang ulo ko dahil sa tawang narinig. Sinamaan ko siya ng tingin. "Tinatawa-tawa mo?!" irita kong tanong.

Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay iyon sa handle ng paper bag na may nakakalokong ngiti.

Pahablot ko iyong tinanggap.

"Sabi na, eh..." Hindi na niya tinapos ang salitang binigkas, akmang hahalikan ako pero agad kong nilapat ang palad ko sa labi niya.

"Sabing ano?!" gigil kong tanong.

Hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya. "Na... nagseselos ka...." Ang lapad ng ngiti niya habang hawak ang kamay kong nilapat sa labi niya.

Kilig siya kapag nagseselos ako. Bakit ako, hindi ko 'yon maramdaman? Kahit ang ngumiti hindi ko magawa sa tuwing magseselos siya. Takot, kaba, pangamba ang nararamdaman ko.

Hinablot ko ang kamay ko, at inirapan siya. "Labas na ako!" sabi ko at padabog na binuksan ang pinto.

Kaagad kong inayos ang mukha kong nakalukot bago humarap sa dalawang babae na alam kong nagtataka na kung bakit natagalan akong lumabas.

"Roselyn, ito na an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Mahirap intindihin Ang ugali ni Romeo Ang magawa pang manakit para Ng Hindi ka Malaya sa gagawin mo patuloy Kong sundan Ang kwentong ito
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status