Share

Kabanata 69

"Sir Nelson," sigaw ng mga tauhan ni Nelson. Habang alerto nang nakaharang sa likod nila.

Rinig ko pa ang pagwawala at pagsisigaw ni Romeo. Pero wala na kan'ya ang atensyon ko. Nasa asawa ko na at sa kaibigan kong mahigpit na yumakap sa asawa ko.

Nakatayo lamang sila na animo napako sa kinatatayuan nila. Gaya ko na hinto rin sa paghakbang. Kita ko pa ang pagbaba ng kamay ni Nelson mula sa ulo papunta sa balikat ng asawa ko. Kumawala ang hagulgol ko kasabay din ang paghagulgol ng asawa ko. Ang kaninang ngiti sa aming mga labi napalitan na naman ng nginig at takot.

Mabilis kong tinawid ang aming agwat at kaagad niyakap ang asawa ko. Habang yakap pa rin ito ni Nelson mula sa likod.

Kumapit ang isa kong kamay sa balikat ng kaibigan ko na hindi pa rin gumagalaw hanggang ngayon.

"P're," mahinang tawag ko sa kan'ya. Nangungusap ang mga matang tumitig sa kan'ya.

Tipid na ngiti at matiim na titig lamang ang naging tugon niya kasabay ang pagdaosdos niya hanggang sa tuluyan na siyang bumagsa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status