Share

Chapter 95

(Dahlia POV)

Ngunit hindi ko inaasahan na ngumiti si Master Dryzen. Ngiti na hindi pilit kundi ngiti na parang nawala ang kalungkutan sa kanyang mga mata at nakalimutan kung ano man ang siyang dahilan ng kalungkutan niya. Ang ngiti niyang ito ay naging dahilan upang umaliwalas ang mukha niya, at makita ko kung gaano kaganda ng kanya mukha. Tila ba hindi siya isang tao. Tila ba isa siyang anghel na naninirahan kasama ng mga tao.

“Then follow my lead.”

“Master Dry—.” Pigil ko sa kanya ngunit bigla akong napayakap sa kanya dahil siguro ng hinila niya ako.

Dahil sa nangyari, amoy na amoy ko siya. Napakabango niya… At ang puso ko, may kung anong million ng kabayo ang kumakarera. May kiliti akong nararamdaman… na hindi ko alam kung ang kiliting nararamdaman ko kahihiyan ba ang dahilan o ang puso ko na biglang hindi mapakali.

“Try to calm first Miss Liara. And tell me if you are ready.” Sinabi niya na ayos lang manatili akong nakayakap sa kanya, hangang sa nataranta nga akong dumistansya sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status