Share

Chapter 25

"Oo. Nandito na nga ako sa tapat ng coffee shop. Naghihintay na ako sa 'yo. Matagal ka pa ba d'yan, huh?" kaagad naman na sagot ni Martin kay Andrea.

"Hindi. Ilang minuto lang ay nand'yan na ako, okay? Palabas na ako sa bahay namin. Kaunting hintay lang talaga, Martin. 'Wag ka munang mainip. Maaga pa naman, eh," nakangiwing sagot ni Andrea.

"E, kung puntahan na lang kita ngayon d'yan sa bahay n'yo. Puwede ba, huh?"

"'Wag na huwag ka na pupunta dito sa bahay namin. Malalagot tayo nito sa mga magulang ko. Malalaman nila na hindi naman tayo pupunta sa birthday party kundi sa bar. Ang alam nila na makakasama ko sa birthday party ay ang kaibigan ko at hindi ikaw. 'Pag nakita ka nila na sinundo mo ako sa tapat ng bahay namin ay baka maghinala na sila at malaman nila ang totoo na sa bar tayo pupunta. Hintayin mo na lang ako d'yan please. 'Wag ka nang mainip. Ilang minuto lang ay nand'yan na ako, okay?" pakiusap ni Andrea na natataranta na dahil mukhang naiinip na si Martin ka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status