Share

Chapter 31.3: Friends

Friends

   

     Nanatiling nakatitig si Raymond kay Dennis at nakatingin din ito pabalik sa kanya. Alanganing nakangiti si Dennis sa kanya at mukhang tinatantsa kung ano ang mood niya.

Napahugot ng hangin si Raymond at nagsalita. "Ano sa tingin mo? Mukha bang ayos ako, Dennis? Hindi ba’t parang nakakaloko ’yang tanong mo?"

Napayuko si Dennis habang kagat-kagat nito ang pang-ibabang labi. Gustong matawa ni Raymond. Kasi... bakit lumalapit pa si Dennis sa kanya? Hindi ba’t hiwalay na sila? Parang naglolokohan silang dalawa, e! 

Kahapon lang sila naghiwalay. Hula nga ni Raymond, hindi pa lumilipas ang bente kuatro oras mula noong hiwalayan tapos ito ang bungad nitong tanong? Kung ayos lang siya? Nagbibiruan ba silang dalawa? Mukha ba siyang maayos? 

Ni isang malinaw na rason nga mula kay Dennis, wala pa rin siyang maisip bukod sa sinabi nitong dahil sa pangarap niya. Tanginang pangarap ’yan! Dahil lang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status