Kumirot nang bahagya ang sulok ng bibig ni Josh sa mga salitang ito.Hindi siya tanga. Alam niyang hindi nila basta iaabot sa kanya ang mga taong iyon. Subalit, bilang isang taong mula sa Alliance Guard, kailangan niya ring sabihin ito. Kung hindi, hindi niya maipapaliwanag nang maayos ang lahat pagbalik niya. Kaya gusto niyang ipakita ang kapangyarihan niya.Pagkatapos niya itong pag-isipan, sinabi niya, “Sige, Tomas. Sigurado kang hindi mo sila iaabot? Seryoso ka bang hindi ka natatakot na baka magkaroon ng malaking digmaan sa pagitan ng dalawang panig? Ikaw ang magiging pangunahing salarin nito kung ganoon!” Ngumiti lamang si Tomas. “Haha. Saka na namin aalalahanin ‘yan kapag nangyari na. Kahit anong mangyari, hindi namin sila iaabot sa’yo ngayon. Kung matapang ka, pwede kang lumapit at agawin sila. Tingnan mo kung mapapatay mo sila habang nandito ako.” Pagkatapos itong sabihin, nag-isip sandali si Tomas bago sabihin sa isang lalaki, “Master Wallman, tingin ko mas mabuting tap
“Hay! Sa wakas nakaalis na sila! Buti na lang sakto ang dating nito, Master Tomas!” Pag-alis nila Josh, ang First Fortress Master ng Nine Armies—Si Austin Drago—ay nakahinga nang maluwag. Bago makarating ang Pavilion of Billow Cloud, talagang natataranta siya, natatakot na kung talagang kailangan nilang labanan ang Sword King Clan, hindi nila ito matatalo. “Hahaha! Hindi ko inakalang mapapahirapan mo nang husto ang Bloodshed Clan na ‘yun! Tapos na ang Bloodshed Clan ngayon. Wala nang Bloodshed Clan! Hmm… ang Bloodshed Clan ang pinakamalapit na Alliance Guard sa inyo at madalas silang nagpupunta sa gubat na ito para sa mga kayamanan. Ngayong wala na sila, wala nang mga taong makikipaglaban sa inyo para sa mga sangkap!” Tumawa nang malakas si Tomas at idinagdag, “Mas magiging madali ang pag-unlad at pagpapalaki ng Nine Armies!” Gayunpaman, kumunot ang noo ni Austin nang marinig niya ito. “Totoong malaki ang nawala sa Bloodshed Clan. Pero, masyadong maraming taong mula sa abando
“Brother Fane, maraming salamat at pinili mong manatili. Akala ko sasama ka sa Pavilion of Billow Cloud. Higit sa lahat, ,mas malakas sila sa amin. Ang Master ng Pavilion of Billow Cloud ay nasa second-grade soul-penetrating level!” Pag-alis ng mga tao sa lugar na ito, tiningnan ni Austin sila Fane nang mukhang masaya. Malaki ang nawala sa Nine Armies, kaya natatakot talaga siya na baka sumama sila Fane sa Pavilion of Billow Cloud, at ang Nine Armies ay mapapahamak kapag nagpadala ng mga tao ang Alliance Guard para gumawa ng gulo. Gayunpaman, ngumiti nang bahagya si Fane at sinabi, “Tingin ko hindi ako papatawarin ng kuya kong si Lance nang ganito kadali. Siya na ang disipulo ng First Elder ng Pavilion of Billow Cloud ngayon. Kaya imposibleng sasama ako sa kanila. Atsaka, bigla na lang kaming pumasok sa lugar na ito at inilagay namin kayo sa panganib, kaya nakokonsensya talaga ako dahil dito. Kaya tingin ko mas mabuting manatili kaming kasama niyo, at magkasama tayo sa hirap at gi
Akala ni Austin nagyayabang si Fane, ngunit hindi na niya ito tinanggihan. Nagpatuloy si Austin pagkatapos, “Oo nga pala, Brother Fane, mahigit isang daang libong tao ang mayroon ka, pero mula sila sa iba’t ibang angkan at pamilya, at ang sitwasyong ito ay katulad sa Nine Armies noon—ang Nine Armies ay nagmula sa iba’t ibang pwersa. Hmmm… may alok ako, pero hindi ako sigurado kung naaangkop bang sabihin ko ito.” “Talaga ba? Sige sabihin mo, First Fortress Master!” Tumango nang magalang si Fane kay Austin at sinabi, “Dahil napagpasyahan naming manatili, magkakasama na tayo mula ngayon, at huwag kang mag-alala sa katapatan namin sa’yo. Siguradong hindi kami mag-aalinlangan at magbabalak laban sa’yo!” “Sigurado ‘yan! Magkakasama tayo dito at lalaban tayo nang magkakasama! Hindi kami magdududa at magbabalak nang masama sa inyo! Sinusumpa ko!” Tumango si Austin at inilahad ang kanyang ideya, “Brother Fane, simple lamang ang ideyang ito. Marami kang mga taong mula sa ibang angkan
“Syempre! Walang problema! Kagagaling lang natin sa isang matinding labanan, dapat magpahinga muna tayo sa ngayon. Sulitin niyo muna ang pahinga niyo, kahit abutin pa ito ng dalawampung araw!” Napatalon sa tuwa ang puso ni Austin; isa itong magandang pagkakataon para makuha ang mga taong ito sa kanyang angkan at mapasunod ang mga ito. Marami sila Fane at ang grupo niya, at ang pinakamaganda pa dito ay bukod kay Fane, mayroong ilang mga nasa sixth-grade ultimate god level at fifth-grade ultimate god level fighter sa grupo niya. Hindi sila mahina at napakataas ng kanilang combat prowess! Higit pa rito, marami silang taong nasa first-grade ultimate god level. Kapag nakuha niya sila Fane at ang tao nito, kalaunan ay tataas na ang combat power ng kanyang mga tao. “Magaling! Kung ganoon, gawin natin ang sinasabi mo! Magpahinga tayo sa loob ng dalawampung araw at magsasagawa tayo ng botohan makalipas ang dalawampung araw!” Sumagot si Fane nang nakangiti. Walang masabi si Au
Tumango rin si Nash. "Noong una, magandang balita nga para sa'tin ang pagtatayo ng isang bagong clan. Gayunpaman, nang sinabi niyang ang hinaharap at ang kahit na anong desisyon patungkol sa clan ay pagpapasyahan ng clan master—parang may mali. Kung ganun, wala tayong karapatang magsalita kapag siya ang naging clan master sa hinaharap!" "Tama. Kapag may delikadong misyon sa hinaharap, tiyak na ang mga tao natin ang ipapambala niya. Lalo na't siya ang First Fortress Master ng Nine Armies. Tiyak na mas matimbang sa kanya ang mga orihinal niyang kasamahan!" Galit na galit rin si Kenneth. "Kung alam lang natin na gusto lang tayong kunin ng lalaking to sa umpisa pa lang, sana pala sumama na lang tayo sa mga tao mula sa Pavilion Billow Cloud!" Mapait na ngumiti si Titus. "Masyado kang simple mag-isip. Ganun pa rin ang mangyayari kapag sumama tayo sa Pavilion Billow Cloud. Hindi ba kinuha ng Pavilion Billow Cloud ang natitirang tao ng Hall of Divine Royal at Skies Pavilion? Sa tingin ko
"Haha. Kahit na magalit pa sa'tin ang First Fortress Master o hindi, hindi ko pa rin naman siya bibigyan ng pill!" Tumawa si Fane at nagsabing, "Pagkatapos ng eleksyon, doon ko siya bibigyan ng pill, at natural hindi na siya magagalit sa'kin. At saka kaapg nalaman niya na isa akong third-grade premium alchemist, sobra siyang matutuwa!" "Totoo yun. Lalakas siya nang mabilis gamit ng pill. Basta't mataas ang cultivation level niya, siguro hindi na niya masyadong iisipin kung clan master siya o hindi!" Tumango sina Titus at ang iba pa sa sobrang saya. "Sige na. Hindi niyo na kailangang mag-alala. Marami rin tayong martial resources mula sa gubat. Hindi lang sa susunod na buwan—magiging sapat din ito para makapag-cultivate ang lahat sa susunod na dalawa o tatlong buwan. Kumalma muna kayong lahat para mapataas niyo ang cultivation levels niyo!" Mapait na ngumiti si Fane at nagsabi sa lahat. Tumango ang lahat. Hindi na sila masyadong nag-aalala at mabilis silang umalis para mag-c
Malinaw na medyo huli na nang nakarating sina Tomas at ang mga kasama niya. Hindi nila naabutan ang labanan ng Nine Armies, ni Fane, at ng iba pa laban sa Bloodshed Clan. Iyon ang dahilan kung bakit walang nakakaalam kung gaano kalakas si Fane at wala talaga silang pakialam sa kanya. Sa kabilang tabing bangin, galit na tumingin si Lily kay Lance. "Kahit na anong mangyari, Lance, gagawin ko ang lahat para sa'yo. At saka pinatay nina Nash ang lolo't lola mo at maraming tao mula sa lagorio family ang pinatay ng mga miyembro ng Woods family. Ayaw mo ba talaga kina Nash?" Malamig na ngumiti si Lance. "Wag kang mag-alala, Ma. Papatayin ko rin sina Fane at Nash. Nagpapakitang-tao lang ako sa kanila ngayon. May ginawa ka ring ilang bagay, Ma, pero sumbora si Nash. Sinira niya ang cultivation level mo noon. Hmph. Sa tingin ko hindi na rin anak ang tingin niya sa'kin. Si Fane na lang ang anak niya sa mga mata niya!" Natuwa si Lily nang narinig niya ito. Nagsalita siya nang may maliit na ng