Tumawa nang mahina si Fane. Ito mismo ang hinahanap niya. Lalo na't ang haba ng ginugol niyang oras sa paggawa ng pills at pagpapakita nito, natural na ang layunin niya ay maghanap ng alchemists sa mas epektibong paraan. Kung gustong lumaki ng clan, kakailanganin nito ng kagalingan niya sa alchemy at ng pills. Huminga siya nang malalim at tumayo mula sa upuan pagkatapos itabi ang pills. Pagkatapos, itinuwid niya ang likod niya at tumingin sa lahat, seryoso at walang pakialam ang mga mata niya. "Tama! Nandito ako para maghanap ng disipulo!" Tumingin sa kanya ang lahat nang umaasa. "Wow…" Bakas ang gulat sa mukha ng lahat sa lugar. Gusto niya ba ng disipulo? Ang isang third-grade alchemist ay naghahanap ng disipulo! Wala pang third-grade advanced-level na naghahanap ng disipulo sa Sky Dull City sa nagdaang sampung taon! Ang magkaroon ng isang sikat at talentadong alchemist bilang guro ay mas maganda kaysa magtrabaho nang mag-isa sa likod ng nakasarang pinto. Napatunayan na ni
Ang pinakamalakas na clan! Gaano kalaking karangalan iyon?! Kung sila ang magiging pinakamalakas na clan, yuyuko ang lahat sa kanila tuwing may makakasalubong sila sa labas. Nang naisip nila ito, masaya silang bumalik sa sarili nilang bahay para magsanay nang maigi. Pagkatapos umuwi ni Fane sa bahay niya, binati niya sandali si Selena, pagkatapos ay sinimulan ang plano niya—ang gabayan ang mga alchemist sa paggawa ng pills. Ang mga alchemist na ito ay may iba't-ibang lebel ng abilidad, kaya para pataasin ang alchemical level nila sa lalong madaling panahon, unang tinuruan ni Fane ang Ninth Elder at ang iba pa kung paano pataasin ang lebel nila, pagkatapos ay pinadala sila para turuan ang mga alchemist na nakuha ni Fane mula sa Sky Dull City. Sa susunod na ilang araw, nagbabad si Fane sa alchemy at tumaas nang sobra ang alchemy level niya. Nakalampas na siya sa third-grade alchemy level at nakarating na sa ranggo ng isang fourth-grade alchemist. Isang fourth-grade elementar
Tinitigan ni Master Zeller ang masaklap na eksena sa harapan niya; ang dating masagana at malakas na Pavilion Billow Cloud ay bumagsak nang ganoon kadali. "Sa tingin mo ba dapat tayong pumunta sa Nine Armies at tignan ang sitwasyon doon? Gusto kong pumunta, paano kung may natira pa sa kanila?" bumuntong-hininga siya nang malakas. Sa puntong ito, nawalan na ng ideya si Master Zeller; hindi na niya talaga alam kung anong gagawin. Isa siya sa importanteng personalidad sa Anti-Alliance Guard pero wala siyang magawa ngayon. Nagsalubong ang kilay ni Master Yarbrough, pagkatapos ay hinampas ang hita niya at nag-anunsyo nang may determinadong boses, "Tara na! Kailangan nating pumunta at tumingin! Kung may natira pa sa kanila, kailangan natin silang iligtas! Siguro may ilan sa kanila na hindi namatay, malay natin?" Tumango si Master Zeller sa pagsang-ayon. May katwiran at lohikal ang pananaw ni Master Yarbrough. Kahit na nabura ang Pavilion Billow Cloud, ang espiritu ng pagkakaisa at pa
"Ang Master namin ay nasa first-grade soul-penetrating realm noon, tapos nilabanan niya ang dalawang elite fighters na nasa third-grade soul-penetrating level at natalo niya sila! Pinatay niya silang dalawa! Pagkatapos, tinapos ng mga elite fighters ng clan namin ang natitirang hindi importanteng tao ng Alliance Guard! Kaya natural na nanalo kami sa laban!" Halos bumagsak sa lapag ang panga ni Master Yarbrough nang narinig niya ang mga salita ng disipulo; ang ekspresyon niya ay para bang nakarinig siya ng kung anong kakaiba. "Nakarating na sa soul-penetrating realm ang Master mo? Kailan pa?" Pagkatapos marinig ang balitang iyon, sa sobrang gulat ni Master Yarbrough ay hindi na niya alam kung paano kumibo, at ganun rin si Master Zeller. Nagkatinginan silang pareho at pakiramdam nila ay imbis na tanungin ang disipulo rito, dapat nilang puntahan nang personal si Fane. Pagkatapos itong pag-isipan, hindi nagsayang ng oras ang dalawa at kaagad na nagpunta sa tirahan ng Nine Gods C
Ang lahat ng mga taong umatake sa Nine Armies ay napatay nila. Ang mga nakatakas ay puro mahihina lamang. Ano kaya ang magiging ekspresyon nina Master Loador at Master Mackenzie kapag narinig nila ang balitang ito? Sa sandaling iyon, nag-iinuman sina Master Loador at Master Mackenzie sa base camp ng Alliance Guard. Nakatanggap sila ng balita tungkol sa tagumpay nila at kung paanong walang natirang buhay sa Pavilion Billow Cloud. Magandang balita ito para sa Alliance Guard dahil kung nabura ang isang clan na mas malakas sa Nine Armies, iisipin nila na nabura rin nila ang Nine Armies. Pagkatapos isiping namatay si Fane Woods sa mga kamay nila, hindi napigilan ni Master Loador na tumawa sa galak. Tinaas niya ang baso niya at binangga ito sa baso ni Master Mackenzie. "Ano bang sabi ko? Tiyak na mamamatay ang batang yun sa mga kamay natin. Hindi natin kailangang mag-alala. Nasa ultimate god level lang siya. Kahit na gaano pa siya kalakas, hindi siya mananalo laban sa mga nasa soul-pe
Para silang tinamaan ng kidlat sa balitang ito. Kanina lang nagdidiwang pa sila, tapos ngayon, pakiramdam nila ay binuhusan sila ng nagyeyelong tubig. Isa siguro itong biro! Tinitigan ni Master Loador ang nanginginig na disipulo na nakaluhod sa lapag. "Sabihin mo ulit sa'kin kung anong eksaktong nangyari. Paanong naging ganun kalakas ang Nine Armies?" Nanginginig at malamig ang boses niya. Sa sobrang takot ng disipulo, nagsimulang maghalo-halo ang mga salita niya. Alam na alam niyang hindi siya makakaalis sa sikretong kwarto na ito nang buhay kapag nagalit sa kanya ang dalawang lalaking nasa harapan niya. Nagawa niyang sabihin ang mga salita at nakumpirma nito kina Master Loador at Master Mackenzie na tama ang una nilang narinig. Hindi ito isang guni-guni. Normal lang sa kanila na mapuno ng galit nang nalaman nilang namatay ang lahat ng malalakas nilang tao at mahihina lang ang natira sa kanila. "Layas!" Kahit na gamit ang tono ng utos niya, para ba itong musika sa tainga ng nata
Tinitigan nang seryoso ni Master Mackenzie ang salamin. "Wala akong pake kung anong tingin niyo kay Fane Woods. Nakapagpasya na akong gagawin ko ang lahat para pigilan siyang makausad." Nagsalubong ang kilay ni Master Loador kay Master Mackenzie. "Sinasabi mo bang personal mo siyang lalabanan?" Walang-alinlangang tumango si Master Mackenzie. "Huwag mo na akong kausapin gamit ng palyado mong lohika. Ang batang 'yun ay hindi isang insektong madali nating madudurog. Isa na itong tigre ngayon, pero hindi pa naman siya masyadong malakas." Lumingon si Master Loador at tinitigan si Master Mackenzie. Hindi man lang tumingin pabalik si Master Mackenzie at nagpatuloy, "Kapag hindi tayo kumilos, tayo na ang susunod na mamamatay. Kaya dapat mapigilan natin siya kaagad. Kailangan nating tipunin ang lakas ng Alliance Guard para itumba ang Nine Armies kahit isipin pa ng ibang napapraning tayo." Naalarma si Master Mackenzie sa pagkamatay ng maraming mahuhusay na tao. Huminga siya nang malali
Napagpasyahan ng mga elder ng Alliance Guard na sumama sa laban sa Nine Gods Clan dahil malaking problema na sa kanila ang pagsasama ng mga angkan. Hindi pa nagkaroon ng angkang umusad nang kasinbilis ng Nine Gods Clan. Tuloy-tuloy na nagsasanay si Fane Woods nang walang pahinga mula noong maging isa siyang fourth-grade elementary alchemist. Patuloy siyang gumawa ng mga pill na iniinom niya para pataasin ang kanyang cultivation level. Sa loob lamang ng pitong araw, nakarating na siya sa ninth-grade soul-penetrating level mula sa seventh-grade soul-penetrating level. Ang ninth-grade soul-penetrating level ang pinakataas ng mundong ito at halos lahat ng mga master ng Clan association ay nasa ganitong lebel. Nang makarating siya ng soul-penetrating level, kusang tinikom ni Fane ang kanyang kamao at nakaramdam siya ng matinding kapangyarihang dumadaloy sa dulo ng kanyang daliri. Ang kasalukuyang Fane Woods ay kampanteng makipaglaban sa isang second o third-grade nirvana level na figh