Share

Chapter two

Sossy POV

"Badtrip ka yata" sabi ng bestfriend ko sakin, nandito ako sa mall at pagala gala oh well ganito naman talaga yung buhay ko, konting pakita sa teacher tapos cutting, pupunta sa mall, sa hotel, sa restaurant o kaya sa salon.

"Tss ayoko ng maalala yung nangyari kanina kaya tumahimik ka jan" pairap na sabi ko. Nakakita ako ng isang botique na panlalaki kaya ayun biglang nagningning mga mata ko dahil nakaisip na ako ng plano aha.

"oh meron kaba ngayon,may mood swings ka yata?" napatingin ako kay beshie at nginisian ko lang siya tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad papasok doon sa male section.

Halos lahat na mga lalaking nadaraanan ko sa male section napapatingin saakin of course mapapatingin talaga sila saakin, sino ba naman ang makakaresist ng kagandahan at kasexyhan ko......

Kundi siya lang tss.......

"Ang dami mo naman yatang binili? sa pagkakaalala ko only child ka lang ah"nagtatakang sabi ng friend ko, only child lang talaga ako at yung mga kamag anak namin? andun sa europe lahat minsan lang kung mag vaccation dito.

"Ah may pagbibigyan lang" nakangiting sabi ko.

Nakita ko naman ang pagkunot niya ng noo, bakas ang paghihinala at pagtataka sa pagmumukha niya.

"At kanino mo naman ibibigay? bago yan ah, sa pagkakaalam ko dika namimigay ng mga damit sa nakalandian mo lang, at sa pagkakaalam ko din wala kang friend na lalaki o kamag anak na nandito"Nagtataka niyang sabi saakin. Napatawa nalang ako at napailing iling habang nagbabayad sa cashier.

"Secret" nakangiting sabi ko. Pagkatapos kong magbayad dere deretso na akong lumabas ng botique.

"O san na tayo next na punta?" tanong niya saakin, kaboring talaga kasama nito kahit kailan, wala manlang thrill sa buhay tss.

" Papasok na ulit syempre tss" sabi ko habang dere deretso palabas ng entrance.

"Another miracle, dati rati magboboys hunting pa tayo tapos ngayon pasok na agad? ano nakain mo gurl? "pairap na sabi niya saakin.

Umiling iling nalang ako sa kanya habang pumapasok sa kotse ko. Ng makapasok siya sa passenger seat sinimulan ko ng paandarin yung kotse papuntang school. 

~after a while~

"Hey!Sossy hintay!" sigaw ni Lhian mula sa likod ko.Tss bagal bagal kasi.

" Bilisan mo kaya?!may hahanapin pa ako eh." sabi ko habang lumilingon lingon sa paligid at ngayon ko lang napansin na uwian na pala,oh ang bilis naman ng uwian?tss.

"Stop!baka umuwi nayun gurl!" sabi nung walang hiyang best friend ko I don't know why pero nagalit ako sa sinabi niya.

"Can you please shut up!" inis na sabi ko at naglakad pabalik sa gate at pinuntahan yung guard doon.

"Mr.guard nakita mo bang lumabas yung transferee?" tanong ko doon sa guard.

" Ma'am madami po kasing transferee kaya sino po ba yung hinahanap niyo?"naparolled eyes ako dahil sa katangahan ko.Bakit ba kasi nakalimutan ko na ang dami palang transferee tss.

"Matangkad, moreno, sakto lang yung pangangatawan at kulot yung buhok.Nakasimple shirt lang siya at pantalon, yung t-shirt niya kulay black so ano nakilala niyo na ba?"Mahabang paliwanagan na sabi ko.

" Ahhh yung mahirap na estudyante, ayun yung hinatid kanina ng babaeng nagtitinda ng isda sa palengke jan sa tabi eh.Oo ma'am kalalabas niya lang, dito siya dumeretso sa daang ito."Naparolled eyes nalang ako ulit dahil sa kadaldalan ng mama na ito, tinignan ko yung way na tinuro ni manong guard and I can say na papunta ito sa mga cheap na apartment jan sa kabilang kanto of course yes nakapunta na ako doon kasi lupa namin ang tinitirikan ng apartment na yun.

"Thanks manong guard" sabi ko sabay dali daling pumunta sa parking lot para kunin yung kotse ko.

"Hey!hey!Sossy ano?iiwan mo ako dito?" Naparoll eyes nanaman ako ng maalala kong kasama ko nga pala ang the best friend ko.

"Make it faster Lhian!" sigaw ko habang pasakay na sa driver seat.

Sinimulan ko ng buksan yung engine ng kotse ko habang hinihintay na makasakay si Lhian sa passenger at ng makasakay siya ay pinaandar ko na yung kotse ko papunta doon sa way na tinuro ni manong guard.

Sa di kalayuan natanaw ko ang isang lalaki na prenteng naglalakad at napangisi ako ng mapagtanto ko kung sino ito.Mabilis kong pinatakbo yung kotse ko papunta sa kanya at nung katapat ko nalang siya ay inihinto ko na ito.

Dali dali akong lumabas ng kotse dala dala yung mga paper bags na binili ko sa mall and yeah sa kanya ko nga ibibigay ito for peace offering.

"Hey!Hey stop!" sigaw ko at humarang sa daraanan niya,napakunot ang noo niya habang nakatingin saakin at nakagat ko naman ang labi ko ng makaramdama ako ng init sa katawan nung tinitigan niya ako, my ghadd ano ba kasi itong iniisip ko?

"What do you want?" hmm not bad for a poor guy like him.

"Oh" sabi ko sabay abot sa kanya nung paper bag na naglalaman ng mga damit.

"Aanhin ko yan?" sabi niya habang tinititigan lang yung hawak ko.Naparoll eyes ako dahil hindi ba obvious?tss at saka nangangawit na ako here oh.

"Para sa katawan malamang, clue isinusuot ito hindi ito kinakain"sarcastic na sabi ko.Banas ah bilisan mo kunin mo na ito.

"Sorry pero hindi ako tumatanggap ng suhol" napalaki yung mga mata ko nang marinig ko yung suhol sasinabi niya.

Ano nga ba yung suhol?wait i need my friend meriam webster,i need to search what is suhol but?my goddd walang suhol na nakalagay sa meriam?!ahhh dictionary nalang!

At nung sinearch ko yung suhol ay lalong nanlaki mga mata ko dahil sa lumabas, bribe?I am giving him a bribe?the fuck?!at mas lalo pang nanlaki yung mga mata ko nang nagsimula na siyang naglakad habang nakapamulsa at umiiling iling.

"Hey!This is not a bribe?!" sigaw ko nang humarang ulit ako sa daraanan niya.

" So para saan yan?"Nakataas kilay na sabi niya.

" Ahh---I'm giving this to you for peace offering?"patanong na sabi ko habang lumulunok lunok pa, lalong tumaas yung kilay niya dahil sa sinabi ko.

" ahmm-ano you know?for what i did a while ago when we were in our class?" nakakagat na labi kong sabi, napabuntong hininga ulit siya at nag iwas ng tingin.

" Apology accepted" buntong hiningang sabi niya kaya napangiti ako ng malawak "pero diko padin matatanggap yan" sabi niya at humakbang ulit.At dahil isa akong dakilang makulit hinablot ko yung kamay niya at nilagay sa mga palad niya yung tali ng mga paper bag na hawak ko pagkatapos dali dali akong pumasok sa kotse at pinaandar na ito.

"Ahhh kaya naman pala bumili, nagbago na taste mo gurl?" gusto kong sabunutan ngayon yung kaibigan ko, what did she mean about nagbago na ang taste ko?of course not!ganun padin taste ko sa mga lalaki as long na hot at gwapo diko tatantanan hanggat diko nakukuha gusto ko.

"Ayaw mo na ng mayaman?gusto mo na yung mga pipitsuging katulad niya?"ahhh that what was she meant okay.

" Alam mo Lhian hanggat gwapo,may abs at may mahaba,malaki at mataba siyang alaga wala ng mahi mahirap saakin."sabi ko sabay iling iling pa habang nakangisi.

" Iba ka gurl, Ibang iba ka"iiling iling din na sabi niya saakin.Tinawanan ko lang siya sa huli.

Mapapasaakin ka din Earlyx San Diego not now but soon.

@Miss Vijj

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status