Share

Kabanata 009

Nagdaan ang mga araw at palagian na ang naging pag-aaway nila Michael at Ate dahil ito sa lalaking laging nakakasama ni Ate Kate sa kanyang picture. Kaya naman palagi akong niyaya ni Michael na mag-inom hanggang sa isang araw ay naungkat namin sa usapan ang nakaraang panliligaw niya sa akin.

"Alam mo Charlotte dapat kasi ikaw na lang talaga . Bakit ba kasi ayaw mo sakin noon?" tanong nito sa akin. Napaparami na din ang aming naiinom ng mga sandaling iyon.

"Michael magtigil ka nga diyan!. Engage ka na sa kapatid ko kahit pa sabihin kong gusto kita wala na din naman silbi." pagpapakipot kong sagot sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin. Napahinto siya sa paglagok ng kanyang iinumin. Dahil sa palagian na naming pagsasama ay naramdaman kong nahulog na muli ang loob sa akin ni Michael, makikita sa lagkit ng kanyang mga tingin ang matinding pagnanasa sa akin. Mag-iisang buwan na din kasi magmula ng hindi na siya kausapin ni Ate Kate dahil sa pagseselos niyang wala naman talagang baseha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status