Naiinis akong tumingala ng makaramdam ng pagod. Sumasakit na ang balakang at leeg ko. Nakakaumay na ring titigan ang mga papel sa mesa ko. Isama mo na ang kakatitig sa computer, sumasakit na mata ko.Tumingin ako kay Aljean, pati rin siya'y pagod na halata sa mukha niya. Tumingin siya sa relo na nasa bisig niya bago sa 'kin. Tumayo ito at pumunta sa 'kin. "Lunch time na. Tara sa labas tayo do'n tayo kumain sa karenderya." alok nito, tinangohan ko lang ito.Gutom narin ako kaya tumayo na ako at pinatay ang computer at inayos ang mga papel sa mesa. "Libre mo?" pabirong sabi ko.Tignan natin kong mapapayag ko ba lakas makapag-aya. Umismid ito sa 'kin bago sumakay sa elevator. He pressed the button."Ang dami mo na kayang pera no! Magpapalibre kapa!" reklamo nito.Tumawa lang ako. "Pa'no mo naman nasabi na marami akong pera? Wala pa nga tayong sweldo."Dinuro ako nito at umirap. 'Tong baklang 'to lakas makataray. "Haler, marami kang pera kasi boyfriend mo si sir Zach. Imagine mo nga ce
Bagsak ang balikat ko nang hindi ko makita ang hinahanap sa ref. Malapit ng maubos ang stock sa ref. Mukhang kailangan na naming mag groceries para mayroon kaming kainin bukas at sa susunod pa na araw. Kumuha nalang ako ng beacon at itlog. Ito na muna siguro ang ulam sa agahan namin. Kumuha na rin ako ng baso para sa gatas ko. Si Zach ewan, no'ng nakaraan kasi hindi ko na siya nakikitang umiinom ng black coffee. Ayaw ko namang timplahan siya ng gatas dahil baka ayaw niya. Wala pa si Zach ngayon dahil tulog pa. Nauna akong magising kaya ako na ang nagluto. Ayaw ko rin naman siyang gisingin dahil mukhang puyat. Bahala ng mauna akong kumain, kailangan niya ng tulog.Dito kasi para sa'kin paunahan ng gising. Pag sabay kaming dalawa na magising ay wala talaga akong ginagawa kundi ang maghintay hanggang matapos siyang magluto. Nagagalit siya pag ako ang nagluluto. Kaya hinayaan ko sa nalang dahil ’di naman ako mananalo sa kan'ya. Ngayon nga lang ako muling nakapagluto.Muntikan na ’kong m
Malalim akong humugot ng hininga at binuga 'yon. Problemadong tinignan ko, si Zach, ngayon na naka tayo sa harap ko. Ito na naman po kami, nagtatalo. Mag-g-grocery na nga lang marami pang salita.Ayaw niyang sundin ang gusto ko. Eh, hindi ko naman maaabot ang ulo niya para isuot ito.Ewan ko ba, sa lahat ng ibinigay ni lord na lalaki ito pa ang matigas ang ulo, may sariling batas, at sa lahat seloso sa walang dahilan. Minsan siya ay anak ko o manliligaw. Hindi ko na alam kong alin sa dalawang 'yon. Feeling ko tatanda ako ng maaga dahil sa kan'ya. Akala ko nga na sa trabaho ako ma-i-stress hindi pala sa kan'ya lang. Ako ayaw ko sa mga batang makukulit, siya palang na hindi na bata pero sobrang kulit. Simula siguro bukas maghahanap na 'ko ng pwedeng umampon sa kan'ya. Willing kong ibigay, hindi labag sa loob ko at buong pagmamahal kong ipapaubaya. Kahit ako na ang maghatid sa kan'ya, free shipping pa, mailayo lang 'to sa'kin dahil sumasakit na ulo ko.Nakapamaywang ko siyang hinarap.
"Hi. Good morning." masayang bati ni Zach at hinalikan ako sa noo. "Late tayong gumising ngayon, ah. Masarap ba ang tulog ng princess ko?" malambing nitong tanong. Tinanguhan ko ito at ngumiti. "Yes." paos kong sagot. Tinignan ko ang ginagawa niya. Nagluluto siya ngayon para sa breakfast naming dalawa. Pinatay niya ang stove at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Inangat ko ang tingin at bahagyang pumikit. Sinakop ng malaking kamay niya ang mukha at hinalikan ang tutok ng ulo ko. Hinayaan ko nalang dahil gusto ko rin naman."Please. Sit there. I'll prepare your milk. Give me a seconds, my lady," sabi niya.Pinaghila niya 'ko ng upuan. Nakatingin lang ako sa likod niyang topless habang nagti-timpla ng gatas ko. Marahan akong napalunok at umiwas ng tingin. I'm sweating right now, for real. Early in the morning, why he's so hot? Ang lalaki ng butil ng pawis ko. Dahil ba sa kan'ya o dahil hindi pa 'ko naliligo? I think both.This is not me! Hindi ako ganito mag-isip, ngayon lang.
Today is my rest day. Nai-stress akong isipin na wala akong gagawin. Kahit sa gawaing bahay ay hindi ko magawa. Kaha heto ako ngayon, nakahilata at nakatulala sa kisame. 'Saka na 'ko lalabas ng kwarto pag wala na 'yong naglilinis ng bahay. Nakakahiyang tumapak sa sahig habang sila ay naglilinis. Wala naman akong gagawin kaya hihiga nalang. Wala sa akin ang cellphone ko dahil na kay Zach. Siya na siguro ang bagong may-ari no'n dahil ayaw naman isuli. Nakakahiya nga'ng kunin dahil babawiin agad.Bumangon nalang ako at naghanap ng pwedeng guluhin para ayusin. Napunta sa closet ang mga paningin ko kaya 'yon pinagkukuha ko ang mga damit at ginulo. Tutupiin ko rin naman pagkatapos, naghahanap lang ng gagawin. Talino ko talaga. May gagawin na 'ko.Inuna ko na ang mga damit pangtrabaho. Hanggang sa matapos ako ay inayos ko ito sa pagkaka- arrange. Rinig kong may kumatok at pumasok sa kwarto. "Can we roamed together?" he asked in low tone.Napatingin ako sa kaniya na bihis na bihis. Pinagh
Ilang araw ang lumipas pagkatapos na mangyari 'yon. Palagi nang nakasubaybay si Zach sa mga ginagawa ko. Minu-minuto ay tumatawag siya, hindi naman niya ako pinupuntahan. Na siyang pinagpasalamat ko. Nagtataka na nga ang iba kong mga kasamahan dahil palagi akong may kausap sa phone. Minsan ay tinutukso ako ni Aljean. Hindi ko nalang mapigilan ang pag-irap dahil sa inis.Simula kasi nang mapanaginipan ni Zach 'yon ay halos praning na siya pagkabukas. Hindi talaga halos, praning na! Natuluyan na!Nakahiga ako ngayon habang nag-s- scroll sa screen ng phone ni Zach. Yes. Phone ni Zach, ayaw na niyang ibigay saakin pabalik ang phone ko. Pinagdadamot pa nga. Biglang may nag pop-up na message sa screen. Tinignan ko iyon. Galing pala kay Zach. Dalawang minuto na ang nakalipas ng i-send iyon.Zach:You're busy.Hindi tanong iyon. Kinabahan naman ako nang sunod sunod na pumasok ang mensahe niya. Zach:Hindi kita matawagan. Zach: With who, Elle? Online ka, at busy ang phone mo. Sino ang ka
Madilim pa ang kalangitan nang umalis ako sa bahay ni Zach. Mabuti nga at may taxi sa madaling araw. Kaya hanggang terminal lang ako nagpahatid dahil gusto kong mag bus. Kung ano ang dala ko noong pumunta ako dito 'yon lang rin ang dala ko pauwi. Hindi ko na sinama ang mga ibinigay ni Zach. Kahit ang phone niya iniwan ko. Hindi naman iyon akin. Gusto kong makalimutan lahat ng alala ko kasama siya. Kahit ang sa kaniya lang, huwag na sa katrabaho ko. Hindi ko naman alam na seryoso ba siya sa akin. Baka sakali nga pagbalik non ay kasama na ang girlfriend niya. Ayaw kong maging martir. Gusto kong makahinga nang maluwag. Kung mananatili ako sa tabi niya'y sinasaktan ko lang sarili ko. Ayaw ko siyang masakal sa akin. Hindi niya pa ako lubusang kilala at ganon din ako sa kaniya. Tunay kong ugali, nasa loob ko lang 'yon. Bumili ako ng tatlo benteng itlog, nang huminto sa isa pang terminal ang sinasakyan kong bus. Hindi naman siya matao ang bus at may ilang bakante ng upuan. Marahil uuwi r
'Yong feeling na mamamatay ka sa gulat. Nahihirapan akong ipasok lahat sa isip ang pangyayari. Wala akong mahanap na salita. Maski pag lunok ng laway ay hindi ko magawa. Ang paghinga ko'y parang tumigil na rin. Him here's in my place. I can't. I know I'm overreacting. But ang kagaya niya ay hindi nararapat dito. He don't belong here. I saw him looked down. He's wiping his tears. "What are you doing here?" tanong ko nang makabawi. That's all I can say this time. I can't sink all of the events happening in my mind right now. I'm still processing. He sobbed. "Did you miss me? Because I do. I do miss you." his voice cracked while saying those words. I blink thrice. Binitawan ko ang hawakan ng pinto at tumabi. Wala na akong luhang maipapalabas. Naubos na no'ng nakaraan. "Pasok ka muna." mahinang wika ko at mas nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Pina-upo ko siya sa sofa at pumunta sa harap niya. "May gusto ka bang inumin? Titimplahan kita ng kape." Wala akong sore throat, pero