Share

CHAPTER 4

Xienna's POV

Katatapos lamang ng naganap na pagkikita namin. Umuwi muli kami sa hotel na tinutuluyan naming lima, bukas pa kami lilipat kung nasaan man ang tirahan ng mga 'yun. But, I guess. Mukhang palagi parin kaming magkikita-kita. Eh mag-kakaibigan naman pala, sobrang lapit sa isa't-isa.

Sa tatlong buwang pamamalagi ko sa ahensya, Aux. S'ya ang una kong seserbisyuhan. And in the first place, s'ya lang talaga.

Madaming naka-plano't kasinungalingan, ang tamang gawin ay maging alerto't 'wag basta magtiwala.

"Hoy, problema mo babae? kanina ka pa naka-ngisi." napalingon ako sa gawi ni Diego at kibit-balikat na tinugon.

"Oo nga, you're creeping me out. Seriously." Napunta naman sa gawi ni Khyler ang paningin ko. "Who ask?" pambabara ko.

Ano nga bang dahilan kung bakit ganito ang kilos ko? Mananatiling tago't sikreto pansamantala muna dahil tiyak na masisira ang kung ano mang plano.

"Hala ka, Xie. Baliw ka na ba?" tanong ni Ghionna na bahagyang tinawanan ko lamang.

"Maybe yes maybe not. Patikim." Dumiretso ako sa gawi ni Kuya Serge at lumantak ng pagkaing ginawa n'ya. 'Di ko alam ang tawag, nakakatamad.

" 'Wag mong ubusin ha, baon pa natin bukas 'yan." Napakunot ang noo ko.

"Bakit nagtitipid na ba't naghihirap tayo, Kuya Serge?"

"Hindi, hahaha. Kasi magiging busy tayo sa paghahanda bukas at wala na akong oras para maggawa't magluto pa."

"Ahh. Hakdog." hasik ko.

"Oh yeah?"

" 'di wow."

"Seriously?"

"Englisherist."

"Shut up." at 'di na s'ya pinasin at saka kumuha ng last piece ng kung ano mang niluto niya, looks like kind of bread with some? I don't know. Basta pagkain at nalulunok. Yun na yun.

Kinuha ko na lamang ang Cell Phone ko't pumunta sa isang site para malaman ang mga balita. Balita na labas sa mundo ng mga inosenteng tao. Ito ang balita na about sa mga legal o illegal na gawain ng isang gangster or worst, of course. The Mafia.

Maya-maya'y may nakakuha ng atensyon ko, The Brute. May magiging laban sila sa Yground? Chineck ko ang profile. Five members composed of, Killer, Death, Silent, Phoenix, Dark. Top Ranking, 1st. Leader is Phoenix.

My, my, my. Napangisi ako, akalain mo nga namang miyembro pala sila ng ganitong organisasyon. 'di na ko magtataka't aking inaasahan na ang ganitong senaryo. "Now, you're creeping me out."

"Wanna go?"

"Where?" -Diego

"Yground." sagot ko.

"Bakit naman? Madami tayong gagawin, 'di dapat magsaya." napalingon ako sa gawi ni Khyler. " Ano 'yon?" kita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Ghionna.

"Underground 'yon, Tanga." sabat naman sa kaniya ni Diego. At dahil duon nakita ko ang pagtaas ng gitnang daliri niya saying 'fuck you.' "Makatanga ka naman, Ulol." asar na sabi nito na tinawanan lang namin. Nagsisimula na naman sila. "Syempre gwapo eh." confidence na wika nito sabay ang hagod sa buhok. Napa-iling nalang ako. Tss. "Anong konek? I mean anong klaseng underground. "

"Malamang puro gangster at basagulero ang nanduduon."  -Diego nakita ko namang napasapo na lamang s'ya sa kaniyang noo. "Ulol. Ang titinong kausap eh."

"May iba't ibang underground ang nandirito sa Pilipinas. Pero mayroong tatlong pinakamalaki't nangunguna sa lahat. Ang Xground, Yground, at Zground. Pili lang ang nakakapasok at nakakaalam nito. Obviously." paliwanag naman ni Kuya Serge.

Nakita ko namang nangningning ang mga mata ni Ghionna, "Wahhh. The best ka kuya, ikaw lang talaga ang matinong kausap dito. "

"So ano nga?"

"Bakit muna?

"Since kailangan nating kilalanin ang limang subject natin, isa silang sikat na grupo. At tinatawag itong The Brute. My point is, mas mabuti nang alam natin ang pasikot-sikot ng buhay nila para mas mapadali ang gagawin nating serbisyo." lintaya ko't pumunta na sa kwarto upang mag-bihis.

Kinuha ko na ang susi ng Big Bike ko't tinawag na sila dahil alas sais na at alas syete ang simula. Nagpaharurot na kami, walang manghuhuli dahil. Basta. Katamad mag-paliwanag.

Maya-maya'y nakarating na kami at kumuha ng passes, pwede kami sa mga lugar na ganito dahil sa ahensya.

Maiingay ang nasa loob, amoy alak at sigarilyo. What do you expect? eh puro naman basagulero't mahilig sa away ang mga nandirito. Mula naman sa napili naming upuan na medyo malayo-layo ng bahagya sa ring, nakita ko na ang limang pakay namin dito. Nagkukulitan sila maliban kay Raze na may nakasampang babae sa hita niya. Cassanova check.

Maiingay din ang mga kasama ko pero 'di na ko nakisali. Sayang sa laway. Nakakatamad mag-salita. Oo na, ako na tamad.

Mula sa pag-oobserba ko sa kapaligiran, madami akong namumukhaan at nakikilala dahil sa pwestong mayroon ako. Tinawag na ang grupo ng Brute at ang makakalaban nila ay ang Cazzo. Based on my knowledge, sila ang pumapangalawa sa Brute. Mayroong Limang miyembro din ito.

'Di kalauna'y nagsimula na sa laban, kapansin-pansin ang dikit na laban ng dalawang grupo. Pero lamang talaga ang Brute. Nakuha ni Aux ang atensyon ko, pinanood at pinag-aralan ang galawan nito. Hindi todo't pigil ang lakas na gamit nito.

Nakapagtataka dahil kilala ko si Aux for some reason at may dahilan ako kung bakit nag-insist ako na s'ya ang bantayan. Kung susuriin ng mabuti, s'ya ay si Silent kung tawagin. Lamang na lamang ang kakayahan n'ya at nakakapagtaka kung bakit hindi s'ya ang pinuno. Siguro kung wala akong alam sa ganito, 'yon na 'yon ang iisipin ko. Pero alam ko kung bakit. I have my ways.

Phoenix ay si Wage, Killer ay si Raze, Dark ay si Dellio at Death ay si Frethz. Together, they called themselves 'Brute'.

Ilang sandali pa at tulog na ang kalaban. Madaming natamong sugat pero halos walang bakas ng sugat sa grupo ng Brute. Kakaiba ang lakas na taglay nila.

Ng paalis na sila ay tinawag ko na ang mga kasama ko na sundan sila. Naabutan naming nasa parking lot at pasakay na sana ng mga kotse nila. "Hey, Misters!"

Kuha pansin na tawag ni Ghionna na ikinalingon at ikinabigla ng mga iyon. "What the hell are you all doing here?" takang tanong ni Wage.

"We're here to guard you up." -Serge.

"Bukas pa ang simula ng duty n'yo." -Aux.

"Actually, kanina pa talaga nung nagkita tayong lahat." ako naman ang sumagot.

"So since nandito na din naman kayo. Diba sa amin kayo maninirahan?" tanong ni Frethz.

"Yes, sirs." simpleng tugon ni Diego.

"Hop in." sabay-sabay nilang ya-ya sa amin na inilingan namin. Dumiretso kami sa sarili naming Big Bike na good thing kalapit na kalapit lang ng kanila. "We have our own, we'll follow." sambit ni Khyler.

"Nice Bikes, anyway." huling puri ni Raze bago sila sumakay sa kanilang sasakyan at sumunod na kami. Para silang nakikipag-kakera. Hmm. Seems like they are trying us? Sumasabay kami sa bilis ng pagpapatakbo nila. Sanay na kami sa ganito, kakaibang training ang pagtuturo ng ahensya.

Nakarating kami sa isang Condo unit? Hmm. Parang magkakasama ata sila or baka mag kakatabi ang tirahan. Who knows?

Umakyat na sila't sumakay na kami sa elevator patungo sa pinakamataas na palapag ng building na ito.

And guess what? Tama nga ako, magkakatabing unit lamang.

"Dito na kayo maninirahan sa katabi naming unit, binili 'yan para sa inyo. So ayun lang, dismissed at pagod na kami." wika ni Dellio at pumasok na sa kani-kanilang pinto.

Bumalik muna kami sa hotel para kuhain ang mga gamit. What will gonna happen next? I shrugged and smirk.

@Bwi_laber

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status