Share

Kabanata 9

Kabanata 9

KINABUKASAN ay maaga pa rin siyang nagising dahil hindi naman siya nakatulog ng maayos. Panay kasi ang pagwasiwas niya sa mga lamok. Panay din ang pagkalmot niya sa kanyang mga braso at binti.

Nang magising din siya ay wala na sa tabi niya si Gabrielle.

Bumangon na siya at lumabas ng kuwarto. Pumanaog siya sa hagdan habang panay pa rin ang kanyang pagkakamot sa magkabila niyang braso.

"Magandang umaga, Kathleen. Maayos ba ang naging tulog mo?" bati sa kanya ni Aling Susana. May dala itong bayong at mukhang kagagaling lang nito sa pamamalengke.

"Maayos naman po," sagot niya pero ayaw pa rin niyang tumigil sa pagkamot ng kanyang mga braso.

"Teka nga, ano ba nangyari riyan sa mga braso mo?" ani Aling Susana habang inuusisa ang kanyang mga braso.

"Diyos ko! Ang dami mong kagat ng lamok. Hindi ba kayo nagkulambo ni Gabrielle kagabi?"

Mabilis naman siyang umiling.

"Teka nga't ikukuha kita ng lana sa kuwarto ko."

"'Nay, huwag na po," agad niyang pigil.

Pumasok naman si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status