Share

Chapter 3: Here in New York!

Nagising ako nang dahil sa liwanag na nagmumula sa malaking glass mirror sa kwarto ko na panigurado ay nakalimutan kong isarado kagabi. Nag-unat ako ng braso bago tumayo at nakitang alas-nuebe na pala ng umaga, maganda ang sikat ng araw ngayon at hindi gaano tirik ang araw. Dahil d’yan, tatambay ako sa pool area bago man lang gumala mamaya. 

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Sir Brion na nakaupo sa balcony na nagkakape at nakaharap sa laptop.

“I cooked breakfast, baka gusto mo kumain,” biglang sambit nito kaya naman dumiretso ako sa kusina at doon nakita ang nakahain na pagkain. Muli ko naman itong tinakpan bago naghilamos at kumain.

Ilang sandali pa ay pumasok na ito bitbit ang kanyang laptop at kape. Ibinaba nito ang laptop sa dining table bago linagay sa lababo ang kanyang baso. 

“So, how was it?” tanong niya, nagulat pa ako dahil nakaupo na pala ito sa harap ko.

Kung makatanong naman akala mo menudo o afritada yung niluto, hotdog, sinangag, at itlog or hotsilog lang naman. Well, for someone like him, hindi na ito ‘lang’ dahil hindi naman pala-luto ang isang ‘to. 

“Masarap naman po, Sir… yung itlog at fried rice ay hindi maalat.” Tumango-tango matapos sumubo muli ng kanin. Honest review ‘yan, ha.

Tumango-tango ito sabay ngiti na akala mo pasok ang niluto niya at pwede na mag-asawa. 

“By the way, Sir… since last day na natin ngayon bago umuwi ng madaling araw, bababa ako sa pool area. Papahangin at relax lang. Aalis din ako after at gagala dito sa New York,” pagpapaalam ko bago inubos ang laman ng plato ko.

“Sure,” simpleng sagot nito at halata ngang abala na sa ginagawa nito sa laptop.

Kaya naman kumilos na ako at bumaba sa pool area. Bago pumunta doon ay nag-order muna ako ng strawberry shake. I’m wearing a not so revealing two piece, naka-tapis din ako ng manipis sa aking bewang at naka-sunglasses. Umupo ako sa lounge chair at pinagmasdan ang paligid. Wala masyadong tao kaya syempre hindi ako mahihiyang kumilos. Syempre ano, wala ako sa Pilipinas kaya medyo mahihiya talaga ako. Humiga ako sa aking kinauupuan at kasabay nyon ay ang paghampas ng hangin. Grabe, sobrang relaxing ng hangin dito ang sarap lunukin. Charot! Hindi nakakasilaw ang init ng araw ngayon kaya may lakas ako ng loob makipag-titigan sa langit, well naka-sunglass naman ako. Ilang sandali pa ay na-alala kong dala ko nga pala ang aking cellphone. Kaya naman muli akong tumayo para kumuha ng pictures. 

I took some selfies before taking pictures of the surroundings until someone approached and called me. 

“Damara, right?” 

Napalingon ako agad at nakita ang isang pamilyar na mukha.

“Yeah! Sir Alhix, it’s Damara.” Nakangiti na sambit ko bago umupo muli sa kinauupuan ko kanina.

“Drop the ‘Sir’ thing, just call me Alhix,” natatawang sambit nito bago itinukod ang dalawang kamay nito sa kinauupuan nito na katabi ko saka lumingon sa direksyon ko. 

“You’re not with Bry, anong ginagawa niya?” aniya, bakas sa accent nito ang pagiging foreigner. 

“He’s busy po doing business staff–”

“C’mon, just stop the formality. Parang sobrang tanda ko naman for you.” Natawa na naman ito, lalong guma-gwapo eh.

“O-Okay, haha. Well, he’s busy doing some business while I'm enjoying and relaxing here.” Natatawang sambit ko dahil habang nag-re-relax ako dito ay abalang-abala ang boss ko sa trabaho.

“You have known my friend for a long time, right?” biglang tanong nito saka umupo paharap sa akin at ipinatong ang mga siko sa kanyang hita. 

“Well, I don't really know him personally. Ang alam ko lang he’s terrible, alcoholic, and a womanizer,” sagot ko in a sarcastic way bago kinuha ang shake ko at uminom. Kahit pa kaibigan niya itong kaharap ko hindi ako natatakot na magsumbong ito kasi iyon ang nakikita ko.

Natawa naman siya sa sinabi ko habang napapailing pa. 

“We cannot deny that… pero curious lang ako, has he ever tried to flirt with you the way he flirted with other women?”

Nanlaki naman ang mata ko sa tanong niyang ‘yon. Seryoso? Si Sir Bry, lalandiin ako? Malabo pa sa blurred mangyari ‘yon. 

“Hindi, that will never–ever happen. Ako? Papatulan non? Kumpara mo sa mga nakakasama niyang babae, walang-wala ako ‘no. Also, I won’t let him do that, he’s too dangerous. I don’t wanna risk what’s already risky,” diretsong sagot ko at muling uminom ng shake.

Anong klaseng tanong naman kasi ‘yon? It’s obvious na hindi ako papatulan ng isang mayaman na pogi na ‘yon, sobrang sungit pa. Minsan ‘yung joke ang dry. Pero syempre tatawa ako, kahit dry ‘yon. Boss ko ‘yan eh. 

“You seriously look down on yourself? You look pretty actually, base pa kay Bry you work hard that impressed him.” 

Impressed him? Really? Na-impress siya kung gaano ako ka-sipag magtrabaho? Salary increase naman dyan oh. Charot! Malaki na nga pala ang sahod ko.

“Talaga ba, dapat lang ano. It is because I really love what I’m doing kaya ganun ako ka-hard working sa ginagawa ko,” usal ko at napangiti naman siya saka tumango-tango na tila na-impress sa sagot ko. 

Bata palang kasi ako gusto ko na talaga mag-secretary. Naimpluwensyahan na rin siguro ako sa mga nakikita ko sa TV at nababasa ko sa libro kung gaano sila magtrabaho at kung anong ginagawa nila. It is exactly what I wanted. 

“By the way, are you free for tonight? Let’s grab a drink.” 

“I’m not actually sure, magpapaalam muna ako kay Sir Bry.”

“Ako na ang bahala magsabi sa kanya.” 

“I don’t think he might accept that, ako na lang siguro ang magsasabi. I’m not pretty sure kung free ako dahil balak ko gumala so baka kagabihin na rin ako,” pagpapaliwanag ko.

“Ohhh, okay. Sa club lang din naman dito sa Carters…. So  if I didn’t see you around–meaning you are not really free.” 

Ilang sandali pa ay napag-desisyon-an ko na ring umakyat dahil anong oras na at gagala pa ako. Tumambay lang talaga ako sa pool area ng naka-swimsuit pero hindi nag-swimming. Syempre nag-picture lang ako doon ano. Nagbihis lang ako at nagsabi sa amo ko na aalis na para gumala along New York. Mabuti na lamang ay nakapag-papalit ako ng pera upon arriving here at New York. Nang makausap ko rin sila Mama kagabi ay gusto raw nila ng pasalubong galing dito. 

First stop, Central Park. Pagka-baba ko ng uber ay nag-lakad-lakad na ako patungo sa kung saan ang agos ng mga tao. Ang dami rin kasing tao. Hanggang sa nakarating ako sa actual park kung saan malawak ang paligid, maaliwalas at may lake pa. Habang naglalakad ay todo kuha ako ng pictures, hanggang sa nakarating ako sa isang bridge ay doon ako tumigil para kunan ang ka-buo-an ng lugar. 

“Ahm… excuse me, can you take a picture of me?” tanong ko sa isang babae na siyang kakatapos lang kumuha ng litrato. Ngumiti naman ito at kinuha ang cellphone ko. Agad akong umayos at tumayo para kuhaan ako nito ng litrato kasama ang ka-buo-an ng lugar. Nagpasalamat naman ako sa kanya ‘tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nalibot ko na ang Central Park. Nang makalabas sa mismong lugar ay tinignan ko ang pangalawa sa list ko. Ito ay ang Metropolitan Museum of Art. Sumakay lang ako ng yellow cab patungo ron at nang makarating ay nadatnan ko na naman ang napakaraming tao. Hindi naman ganun karami dahil makakapag-lakad at libot ka naman nang maayos. Yung entrance ay tipikal na entrance sa mga usual na museum, katulad ng national museum sa Pilipinas. Agad akong nagtungo kung saan ang mga sculptures na siyang nakita ko sa internet at hindi ako na-bigo dahil mas nakakahanga ito sa personal. Halatang hulmadong-hulmado at matibay ang pagkakagawa. Parang noong high school lang ay pinag-aaralan namin ang mga ganito sa isang subject, ngayon personal ko na siyang nakikita. Sunod akong nagtungo sa mga paintings at doon ay hindi rin ako nagtagal dahil maraming tao sa part na ‘yon. Last stop ay sa time square kung saan ang usual place to go ng nakararami. Hapon na nang makarating ako at malapit na rin ang sunset kaya naman damang-dama mo talaga ang New York sa lugar na ito. Matataas na building, makulay na paligid at billboards kung saan-saan. Kung ano yung mga nakikita ko sa balita at internet ay kitang-kita ko ngayon sa personal. Kaya naman walang sawa ako kumuha ng pictures. Mapapakanta ka talaga rito ng empire state of mind ni Jay-Z at Alicia Keys eh. 

Nang mapadaan sa mga stores ay bumili na ako ng mga pwede kong pasalubong sa pamilya ko dahil nga nagsabi sila sa akin nang makausap ko sila kagabi. Kung anong kaya ng budget ay binili ko na dahil minsan lang naman ako rito. 

Matapos ko maglibot ay nagdesisyon na akong umuwi dahil baka ma-yari na ako sa boss ko na abala sa trabaho tapos ako heto at pagala-gala. 

Medyo madilim na nang makabalik ako sa hotel at nadatnan ko ang amo ko na siyang nakabihis at nag-aasikaso.

“Mabuti at umuwi ka pa,” seryosong sambit nito habang nag-aayos ng kanyang necktie.

Parang linya ni Mama at Papa ‘yon tuwing gumagala ako ah. 

“Pasensya na po,” sambit ko while giving him an apologetic smile. He just stared at me emotionlessly. 

“Magbihis ka dahil may party sa club ng Carters. Go, I’ll be waiting.” Umupo siya sa sofa at tinitigan ako na tila ba sinasabi nitong time is running at magmadali ako. E ‘di ginawa ko, dali-dali akong kumilos. Alangan pag-hintayin ko pa ang boss ko ‘di ba.  Nag-suot ako ng black backless dress na may slit hanggang hita partnered with black heels. Sabay kaming pumunta ni Sir Bry sa club ng Carters at ito ay sa itaas lamang ng Casino. Dumating kami nang tila exclusive na tao lamang ang narito. At doon sinabi ng isa sa board of directors na exclusive na tao lang nga talaga ang invited sa party. Ang shala naman at nandito pa talaga ako. 

“Hello, Mr. Burkes. Good evening,” pagbati ni Sir Bry sa kaibigan ng kanyang ama at nakipag-kamay.

“Good evening, Mr. Carter and… Ms. Vertudez, am I right?” sambit nito nang bumaling sa akin. Kinuha ko naman ang kamay niya ng i-alok niya ito upang makipag-kamay.

“Yes, Mr. Burkes. It’s nice to see you here,” nakangiting sagot ko at tumango naman siya.

Na-meet ko na rin siya noong unang pumunta ko rito sa New York branch, isa siya sa malapit na kaibigan daw ng yumaong ama ng amo ko. Ilang sandali pa habang nag-uusap ang dalawa ay may nakita akong papalapit at saka ko lang naaninag nang tuluyan itong makalapit sa amin, it’s Ms. Olivia who’s wearing a sparkling grey dress na fitted at talaga namang mas namumukadkad ang kanyang pagka-elegante. 

“Good evening, Ms. Olivia–”

“Good evening, Bry. How are you?” 

Natigil ako nang walang emosyon ako nitong nisulyapan lamang at binati si Bry saka ito hinaplos sa braso. Napa-kagat ako sa labi dahil sa hiya, pero siguro ay hindi lang ako nito narinig dahil sa lakas ng music sa loob ng club. Nanahimik na lang sa tabi ng amo ko habang abala ito sa pakikipag-usap sa dalawa at sa iba pang lumapit sa kanila.

“Bakit ba kasi kasama pa ako rito? Hindi naman ako ganun ka-importanteng tao para sa party na ito eh. Puro mga yayamanin at businessman nandito eh,” inis na bulong ko.

“Hey, what are you muttering at?” 

Na-gitla ako nang biglang may sumulpot sa tabi ko.

“Sir Alhix. H-Hello!” sambit ko at naiilang na ngumiti. Syempre naka-distansya ako sa amo ko nang ibulong ko ang mga ‘yon sa sarili ko ano. Kaya malamang hindi rin narinig nito ni Sir Alhix ang sinasabi ko, mukha nga lang siguro akong ewan dahil parang natawa ito at bumubulong ako sa hangin. 

“I told you to drop the formality,” aniya sabay kuha ng dalawang baso ng alak sa kadaraan lamang na waiter saka inabot sa akin ang isa.

“Thanks.” I took the glass and raised it a little to say thank you before drinking.

“Do you feel out of place here?” tanong nito bago lumapit sa high table at nilapag doon ang kanyang baso. Sumunod naman ako at ginaya ang ginawa niya. Gaya-gaya kasi ako, joke. 

“Not really, hindi ko lang alam kung kailangan ba na nandito ako. Wala naman akong gagawin dito. Do I need to take notes of all the things that they are talking about?” inis na sambit ko as I gestured behind me where my boss was. Natawa naman si Alhix saka uminom.

Ang gwapo naman talaga nito matawa. 

“Well, I think the feeling’s mutual. My Dad’s here, I don’t know my purpose here either,” sagot nito. “Well, since party naman ito. My purpose now is to enjoy and get drunk here. Bayad din naman ‘to ng amo mo.” Uminom ito ng alak ‘tsaka ito itinaas to raise a toast. 

Baka nga ‘yon din ang purpose ko rito, para hindi ako mukhang kabute dito, magpa-party na lang din ako at mag-eenjoy dahil bayad naman ito ng bilyonaryo kong amo.

Si Alhix na nga ang naging ka-kwentuhan ko habang umiinom dahil wala naman kami ibang pwede makausap. Although may mga lumalapit sa kanya pero bumabati lang ito sa kanila. Dahil doon ay mas na-kilala ko si Alhix, maliban sa siya ang nag-hahandle sa ilang branch ng kanilang business. Madali itong pakisamahan, sobrang jolly kausapin at hindi ka talaga mahihiyang mag-kwento sa kanya. Parang kung anong vibes at energy ay kayang-kaya niyang sabayan. Kahit medyo conyo magsalita dahil Fil-Am ito.

“Anyway, you don’t have any boyfriend, right?” biglang sambit ni Ahlix sabay inom ng alak na hindi namin alam kung pang-ilang baso na ba itong hawak namin.

“Yes and wala pa sa isip ko na magkaroon ng boyfriend.”

“Why?”

“I just can’t as of now, my last relationship didn’t work.”

Not in a bad way ah, it’s just that me and Jamyr didn’t work as a relation or lover. Siguro dahil hanggang friends lang talaga kami. 

“What if magwork naman if you try to?” biglang seryoso na tanong nito. Kahit medyo nahihilo na ako ay kitang-kita ko ang diretso nitong tingin sa akin.

I sighed before answering him. “Maybe soon, sobrang busy lang ako sa trabaho as of now and busy supporting my family in the province. Wala pa akong balak. Darating din naman ‘yon, if it's worth risking then why not?” 

“What if he is already existing around you?” 

“I-I don’t think so, maybe… but just like what I’ve said, wala pa akong balak,” I answered bago inubos ang laman ng baso ko. Sakto namang may dumaan na waiter kaya muling kumuha si Ahlix ng baso para sa aming dalawa pero natigil ako nang biglang may lumapit sa akin at hinawakan ako sa bewang.

“That’s enough, Ahlix. We’re going back to our unit.”

Doon ay mas lalo akong na-tigil nang mapagtantong si Sir Brion ang nasa tabi ko’t nakahawak sa aking bewang. Tila may kuryente na dumaloy sa sistema ko dahilan para hindi ako makakilos. Kahit na ramdam ko na ang tama ng alak sa akin ay alam ko kung anong nangyayari ngayon.

“Oh, okay. Thank you by the way, Damara. Nice meeting you again. I gotta go too, bro.” Nakangisi nitong inangat ang kanyang baso bilang pagpapaalam bago umalis. 

Sa sobrang hindi ko ma-process sa utak ko ang nangyari ay ngayon ko lang na-realize na nasa hotel na pala kami. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang nag-sink in sa akin na hindi ko na kausap pa si Ahlix.

“Hey! What do you think y-you’re doing? I was talking to Ahlix just a moment ago, why am I here?” I mumbled before removing Brion’s arm around my waist. 

I tried to stand straight ngunit nakaramdam ako ng pagkahilo na para bang lumilindol. Dahil doon ay para akong tanga na nagba-balance makatayo lang ng diretso.

“See? You’re drunk, that's why you’re here already, Damara. C’mon just take a seat, let me remove your heels,” kalmadong sambit nito saka ako marahang tinulak para umupo sa sofa. 

Drunk? I guess? 

I took a deep breath as I felt the heavy feeling because of the alcohol, I closed my eyes and let myself drown by darkness. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status