Share

Kabanata 23

Inasahan ko na ang magiging reaksyon ng anak ko para rito at hindi ako nagkamali. Kasalukuyang naliligo si Ali ngayon habang ako naman ay inaayos ang mga gamit na dadalhin namin.

“Nakakasiguro ka ba dyan? Mamaya itakbo ni Aki ang bata,” paniniguro ni Nanay na abala sa paghahanda ng kakainin namin bago umalis.

“Hindi rin naman po ako gano’n kasigurado, Nay. Pumayag na lang din po ako dahil para naman kay Ali ito. Hindi pa naman po siguro gano’n kasama si Aki para itakas ang anak ko,” sagot ko. Walang ibang importante sa akin ngayon kundi ang kasiyahan at mararamdaman ng anak ko, kaya kahit nakakaramdam ako ng takot at pangamba ay pumayag pa rin ako.

Pero hindi ibig sabihin no’n na papabayaan ko na lang din basta ang anak ko sa mga kamay niya.

Hindi na naalis pa ang ngiti sa labi ng anak ko simula pa kanina nang sabihin ko sa kaniya na maglilibot sila ng tatay niya sa siyudad.

Sa sobrang excited ng anak ko ay mas nauuna pa itong kumilos kaysa sa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status