NAG-ANGAT ng tingin si Jacob nang marinig ang pagbukas sara ng pinto ng kanyang opisina. Pumasok ang assistant ng kanyang lolo na si Anton. “Anton,” bati niya rito nang makalapit sa kanyang mesa. Ngumiti si Anton at ibinaba ang isang brown envelope sa ibaba ng kanyang mesa na kaagad naman niyang dinampot at tiningnan ang laman. Naroon na ang kanyang passport na ipinakisuyo niya rito kasama na ang lahat ng mga dokumentong kakailanganin nil ani Adelyn. “Thank you,” he mouthed and put the envelope inside the drawer. “Nabanggit ko ng apala kay Don Juan ang tungkol dito,” mayamaya ay sabi ni Anton. “Pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman nagalit ang lolo mo noong malaman niyang magbabakasyon kayong mag-asawa. Ang totoo nga niyan natuwa pa siya. Iyon nga lang…” “Iyon nga lang?” Napakunot ang kanyang noo. “Gustong sumama ni Don Juan sa cruise.” “Pinigilan mo?” “Hindi ko na rin naman kailangan pang pigilan ang lolo mo dahil ang doctor na mismo ang nagsabi na hindi siya pwedeng mag
NAPANGITI na lang si Jacob nang maabutan niya ang asawang masayang nag-eempkae ng mga dadalhin nito sa kanilang bakasyon. Pakanta-kanta pa si Adelyn ng paborito nitong love song, kaya naman kahit hindi ito ganoon ka-vocal sa nararamdaman nang sandaling iyon alam niyang masaya ito. Iyon ang unang beses na makakapag-out of town trip silang mag-asawa. Bagay na pangarap nilang gawin noon pagkatapos ng kanilang kasal ngunit hindi na sila nagkaroon po ng pagkakataon at pera para gawin iyon. Sa makatuwid, para silang inalisan ni Adelyn ng karapatang mag-enjoy simula nang ikasal sila dahil wala namang ginawa ang pamilya nito kundi ang maliitin siya at pahirapan. Kung hindi pa dumating si Don Juan sa buhay niya ngayon baka nasa kangkungan pa rin silang mag-asawa. At ang lahat ng iyon ay hindi ganoon kadaling ibaon sa limot. Determinado si Jacob, isang libong beses man niyang ulitin sa sarili. He would get even no matter what it cost. “Kung iyong ipinapanood mo sa akin diyan naghahanda ka na r
NAGPAIWAN si Adelyn kasama ng babaeng sumalubong sa kanila nang ipasok ni Jacob ang kanilang mga dala-dalahan sa loob ng cabin. Pasimple niyang inobserbahan ang babae. Wala naman siyang balak na kung ano roon. Ang gusto lang niya ay kilatisin ito. Bigla kasing sumagi sa isip niya ang sinabi ni Veronica sa kanya noong tinawagan siya ng dalaga nang araw na Nakita nito si Jacob na may kasamang babae. Sa palagay niya si Lilibeth ang tinutukoy nito ng sandaling iyon. “May problem aba, Adelyn?” Napakislot siya nang biglang marinig ang tanong na iyon ni Lilibeth. Mukhang napansin na nito ang ginagawa niyang pagtitig dito. “A-ah…” She took a deep breath and smiled at her. “Wala naman. Meron lang akong biglang naalala.” “Oh.” Gumanti ng ngiti sa kanya si Lilibeth. “So. Gaano na kayo katagal ni Jacob?” Napakunot ang noo niya. Wala namang masama sa pagtatanong nito, pero ewan ba niya kung bakit hindi niya iyon nagustuhan. Gayunman, sinagot pa rin niya ang tanong. “Matagal na rin kami ni Jac
NAUPO sina Jacob at Adelyn sa upuang katapatan nina Anton at Lilibeth para saluhan ang mga ito sa pananghalian. Magiliw naman ang naging pagtanggap ng dalawa sa kanyang asawa na labis niyang ikinatuwa, kahit paano ay naibsan ang mga alanganin niya. “Nabanggit sa akin ni Adelyn na naipakilala na raw kayo ni Lilibeth sa isa’t isa,” aniya kay Anton mayamaya. “Ah, yeah,” nakangiti namang tugon ni Anton. “At nabanggit din nila sa akin kung gaano ka kasipag sa opisina.” Bigla siyang napabaling ng tingin sa asawa at natagpuan itong nakatingin na rin sa kanya. “Hindi mo man lang nabanggit sa akin na maganda pala ang posisyon mo sa kumpanya.” Biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Ano kaya ang sinabi ng dalawa kay Adelyn kanina? Pero napag-isip-isip ni Jacob na hindi naman siya ilalaglag ng mga ito sa kanyang asawa dahil alam naman ng mga ito ang sitwasyon niya. He cleared his throat afterward. “I—” Naudlot ang sasabihin niya nang biglang ginagap ni Adelyn ang kanyang kamay. “Masaya akon
“JACOB—” Natigilan si Adelyn nang sa pagpasok niya sa cabin nilang mag-asawa ay una niyang natanaw ang may kalakihang kahon sa ibabaw ng kama na may katabi pang maliit na kahon. Mayamaya pa ay nagbaling siya ng tingin kay Jacob na noon ay malapad ang ngiti habang nakapamulsa ang mga mata. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kama na hindi nag-aalis ng tingin sa kanyang asawa. Pinaraanan niya ng mga daliri ang ibabaw ng malaking kahon. “What’re these, Jacob?” tanong niya makalipas ang ilang sandali. “Bakit hindi mo buksan para malaman mo?” her husband countered. Adelyn did what she was told. Slowly, she opened the box. Tumambad sa kanya ang isang bagong sapphire dress. Dinampot niya iyon. Spaghetti strap pa ang napili ng kanyang asawa na may kababaan ang neckline, at ang likod ay may pagka-revealing din. Sunod naman niyang binuksan ang maliit na kahon na naglalaman naman ng pares ng silver stilletos. Kagaya ng dress ay bago rin iyon. Her new pair of sandals and dress were branded
NAPASULYAP si Jacob sa suot na wristwatch. His wife was always on time whenever they had an appointment. Pero nang sandaling iyon ay mukhang mahuhuli ng kaunti si Adelyn. Alas otso ng gabi ang sinabi niyang oras ng pagtatagpo nila sa upper deck ng cruise ship kung saan siya nag-set-up ng isang romantic date para sa kanilang dalawa. Labing-limang minute na ang lumampas sa itinakda niyang oras ay hindi pa rin ito nadating. He fished his phone from his coat’s pocket and called her. Nakailang ring iyon ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. Hindi tuloy niya naiwasan na kabahan. Baka sumama ang pakiramdam ni Adelyn at kung ano na ang nangyari rito. Handa na siyang magtungo sa kanilang cabin upang i-check ang kanyang asawa. But the moment Jacob turned around, he saw his wife walking towards him. Napakaganda ni Adelyn sa suot nitong sapphire dress. Tamang-tama ang napili niyang disenyo at tela dahil humakab iyon sa bawat kurba ng katawan nito. She looked sexy and regal at the same time.
NAKAHILIG si Adelyn sa dibdib ni Jacob habang nagsasayaw sila, pero sa hitsura nila nang sandaling iyon ay mas mukha lang silang magkayakap habang umuugoy-ugoy ang mga katawan sa saliw ng musikang nagmumula sa violin ilang dipa ang layo sa kanila. Alam ni Jacob na may mga tanong sa isipan ng kanyang asawa nang sandaling iyon, kagaya na lang ng saan siya kumuha ng perang panggastos para lang magawa ang lahat ng iyon. Madaling sabihin na pinag-ipunan niya ang damit, sapatos, at jewelry set, ngunit tiyak niyang nagtataka ang kung paano niya nagawang bigyan ito ng ganoong klaseng dinner. Baka nga nag-iisip na rin ito ng kung ano tungkol sa cruise na iyon. Pero nanatiling tahimik si Adelyn. Marahil ay hindi nito gustong i-spoil ang moment nila. Bahagyang idinistansiya ni Jacob ang sarili sa asawa para mapagmasdan ang mukha nito. “Ano na naman?” Kumunot ang noo ng kanyang asawa na ikinangiti niya. Adelyn looked really cute whenever she would do that. Nagmumukha itong batang paslit na inte
KAAGAD namang nag-init ang mga pisngi ni Adelyn nang marinig ang sinabing iyon ng asawa. Of course, she knew what he meant by that. Wala namang kaso sa kanya iyon dahil hindi pa rin naman siya pagod at wala pang balak matulog. Ang totoo nga, gusto niyang sulitin ang gabing iyon kasama ang kanyang asawa dahil kahit na nga sabihing nagsasama sila sa iisang bubong, mas lamang ang mga araw at oras na abala sila sa trabaho. Lalo na ngayon na mas abala si Adelyn sa project proposal na ginagawa at si Jacob naman ay nagsimula na ang bagong yugto ng career. Ah, siguro ay kailangan nilang matutunan kung paano balansehin ang trabaho at buhay nilang mag-asawa, lalong-lalo na siya. Kung si Jacob lang wala siyang masasabi dahil hindi naman nagkulang ito. Napangiti na lang si Adelyn nang pagsalikupin ni Jacob ang kanilang mga kamay at igiya siya nito pababa ng upper deck ng cruise ship. Pero hindi pa sila tuluyang nakakababa ng hagdan ay dumating sina Lilibeth at Anton. May dala pang bote ng whisky