Share

break

puno ng pag-aaalala ang puso ni Venus para kay Diego. ang sabi kasi ni Ralph ay pabalik na ang puting van na sinasakyan ni Diego at wala silang masamang ginawa rito ngunit dalawang oras na ang lumilipas ay wala pa rin ito.

nandito si Venus ngayon sa bahay ni Ralph at para siyang alipin na sunud-sunuran sa lahat ng inuutos nito. wala siyang nagawa. gustuhin man niyang umuwi na ng bahay kaso natatakot siya kay Ralph at sa maaaring gawin nito kay Diego.

hiniling ni Ralph na sabayan niya itong kumain kaya ginawa naman niya. sabay silang naghapunan sa isang mahabang lamesa na punong-puno ng mga pagkain.

masasarap naman ang mga nakahain ngunit walang gana si Venus na galawin ang isa sa mga iyon.

napansin iyon ni Ralph kaya hinampas nito ang lamesa gamit ang kaniyang palad. "Venus, p'wede bang huwag kang masyadong maarte? sinunod ko na nga 'yung gusto mo 'di ba? kaya bilang boyfriend mo na ako ngayon ay umayos ka naman sana kapag kaharap ako."

"gusto ko kasing makasigurado na safe si Diego
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status