Share

OIAL 10

"Cut it out, Terrence. I can't believe that you liked Devyn for godness sake!" Nanginginig na boses na saad ni Thalia

I knew it. She saw that Terrence hugged me at the staircase.

Hindi ako maka-paniwala sa narinig. I don't really believe that Terrence liked me.

Lumapit ako sa guest room kung nasaan sila. Hindi naka-sarado ng maayos ang pinto ng guest room kaya naririnig ko ang mga sinasabi ni Thalia at sumilip sa siwang ng pinto.

Terrence is asleep, and Thalia is crying. Ang mga kamay ay nasa kaniyang mukha at humahagulgol. Tulog na tulog na si Terrence dahil sa kalasingan.

Mabilis akong nag tago sa likod ng malaking kurtina na nasa gilid lamang ng guest room nang makita na lumabas si Thalia mula rito.

Madilim ang bahaging ito ng mansion kaya hindi agad ako mapapansin.

Dire-diretso siya pababa ng hagdan at tumatakbong lumabas ng mansion.

Hinarap ko ang bintana na nasa likod ng kurtinang pinagtataguan ko. She went to the garden of our mansion.

Nanghihina siyang napa-upo sa trimmed grass at itinakip ang kamay sa kanyang mukha, umaalog ang kanyang balikat dahil sa pag-iyak.

Kahit papaano ay naka-ramdam ako ng awa sa kaniya. I was once in her place before, pero siya ang gusto ni Terrence.

Walang pag aalinlangan akong bumaba sa hagdan at nag tungo sa garden.

Doon, nakita ko siya na naka-upo pa rin sa trimmed grass at naka-tulala.

"Would you believe me if I say that Terrence never liked me?" Ang mga kamay ko ay nasa likod, at naka-tinagala sa buwan at mga bituin.

Trust plays a huge role in a relationships. Kung wala kayong tiwala sa isa't-isa, your relationship will never work out.

Narinig ko ang pag tutol niya. Binaba ko ang tingin sa kanya na naka-upo sa damuhan. She seemed to like the trimmed grass.

She look like a damsel in distress, I swear I will never be like that.

"Sa kaniya na nanggaling, Devyn. Don't deny it." Walang gana niyang saad. Ibang-iba sa Thalia na nakita ko kanina. Namumula ang kaniyang mga mata at naka-tulala sa kung saan.

Malalim akong bumuntong hininga.

"So? Are you giving up now? Isusuko mo na ba siya?" Malamig na tanong ko, ibinaba muli ang tingin sa kaniya.

Tumingala siya sa akin upang mag-tama ang aming paningin. Her bloodshot eyes looked at me sharply.

Kung nakaka-patay lamang ang kanyang tingin ay malamang pinaglalamayan na ako ngayon.

I smirked, nang uuyam ang aking ngisi.

"Will you give up Terrence for me, hmm?" I asked, using my sweet voice that I always use when I'm planning something evil.

Tumayo siya at itinulak niya ako nang malakas. Halos mapa-higa ako sa trimmed grass.

Kung kanina ay masama ang tingin niya sa akin, ngayon ay halos lumabas na ang kanyang sungay.

"Fucking no! Hinding-hindi ko ibibigay si Terrence sa iyo!" Malakas na sigaw niya. Ibang-iba sa Thalia na nakilala ko noong nakaraang araw.

I laughed loudly and sarcastically at tinulungang tumayo ang sarili, "Then why the hell are you threatened at me, huh? Dahil ba sa narinig mo kanina?"

Gulat siyang napa-tingin sa akin, ngumisi lamang ako.

Alam ko na nakita at narinig niya nag lahat kanina. My guts are never been wrong, nang maramdaman ko na may naka-tingin sa amin kanina.

Inilapit ko ang aking mukha sa kaniya at ngumisi. I held her jaw with my left hand.

"Are you that stupid? Kung nagustuhan ako ni Terrence noon, kami sana ang engaged ngayon at hindi kayo!" Iritado kong sigaw sa kaniya.

Inalis nito ang kamay ko na nasa kanyang panga. Napa-irap na lang ako sa kawalan nang umiyak na naman siya.

"If you really love Terrence, learn how to trust him."

Dismayado akong umiiling at umalis na ako sa garden at iniwan siya doon na umiiyak. Tsk, alam niya naman ang papuntang guest room. Mag-isa na siyang bumalik doon.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil hindi ganoon kalalim ang tulog ko dahil sa mga iniisip. I washed my face at nagpunta sa kusina.

Maingay roon at nag tutuksuhan ang mga kaibigan ni kuya. Wala silang hang-over?

I'm still wearing my oversized band shirt, and silk shorts. Sila naman ay may spare clothes na nasa bawat kwarto ng guest room.

"Really? Amelie did that? Damn, she's really a bad ass!" Pag halakhak ni kuya Lincoln.

"Oo nga, kuya Lincoln. Tapos alam nyo ba---"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, napaka-daldal ni Andie!

Mabilis akong tumakbo papunta sa  kanila at tinakpan ang madaldal niyang bibig.

Nasa kitchen counter si kuya Lincoln, Azarius, Liam, Theodore Everett, at Terrence.

"Amelie! May kinikwento pa si Anderson!" Saway ni kuya Liam at pilit na tinatanggal ang kamay ko na nasa bibig ni Andie.

Bakit naman ang aga niyang nag punta sa bahay? Ala-una pa ang usapan namin!

Sinamaan ko muna nang tingin si Andie tsaka tinanggal ang kamay na nasa bibig niya.

Para silang mga estudyante na nakikinig sa guro nila habang nag kwe-kwento si Andie.

"Amelie, I get that you're smart. Pero di mo naman kailangan ipahiya yung ka-schoolmate mo." Panga-ngaral ni kuya Everett, habang nag lalagay ng kape sa coffee maker.

Tumango-tango naman ang tatlo, pero si kuya Azarius ay seryoso lamang ang tingin sa akin, tila naninimbang.

"Iha, gising ka na pala. Halika rito at may pasalubong ako sayo." Laking pasalamat ko nang hatakin ako ni manang patungo sa kanitang silid.

Inilabas niya ang isang supot ng dried mangoes. Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. "Oh my god, manang. Thank you for this and I missed you!" Niyakap ko siya.

Naka-uwi na pala si manang mula sa probinsiya nila. Tumatawa naman nitong tinapik ang likod ko.

"Ano ka ba naman, iha. Parang iyan lang! Halika na sa kusina, kumain ka muna ng kanin bago mo kainin iyan." She said. I hooked my arms on her, she's my mother figure after all.

Naka-upo na sa hapag ang anim, sila kuya Azarius, Liam, Lincoln, Everett, Terrence, Andie, at si Thalia na bagong gising lamang.

I'm hundred percent sure that she put concealer on her eyes, dahil kung hindi halatang-halata ang pagiging mugto nito dahil sa pag iyak niya kagabi.

Umupo ako sa tabi ni kuya Azarius, sa tapat ni Andie. Pa-simple kong sinipa ang paa ni Andie na nasa ilalim ng lamesa at sinamaan siya ng tingin.

"May group study pala kayo mamaya, Devyn." Panimula ni manang. Kasabay namin siya kumain dahil pamilya na rin maman ang turing namin sa kaniya.

Tumango ako at si Andie. "Opo, manang." Sagot ko.

Napansin ko ang pag lagay ni Terrece ng bacon sa plato ni Thalia.

Terrence doesn't seem to remember what he has told to his fiancee last night.

Narinig ko ang mahinang hagikhik ni Andie sa tapat ko. Si kuya Azarius namna sa tabi ko ay tahimik lamang na kumakain.

Si kuya Lincoln ang kanina pa salita nang salita, "Ang sarap po nitong kare-kare niyo, manang! Kapag ayaw mo na dito kela Azarius, kukuhanin kitang chef sa isa sa mga restaurants namin!"

Tumawa naman si manang at dinagdagan ang kanin na nasa pinggan ni kuya Lincoln, "Baliw kang bata ka, hinding-hindi ko iiwan ang mga alaga ko, no!"

I smiled sweetly, at nakita ko ang pasimpleng pag-ngiti ni kuya Azarius sa tabi ko. Manang is the only family that we have, life will be hard if she's not with us.

Tumayo si kuya Azarius at kinuha ang karton ng gatas na nasa ref at isinalin iyon sa baso ko.

"Thanks."

Ang intrimitidang si Andie naman ay itinaas din ang baso niya at inilahad kay kuya Azarius, kaya sinalinan niya rin ito.

"How about suitors? May nanliligaw ba dyan kay Amelie?" Pag-uusisa ni kuya Theodore.

Nasamid ako, at napa-ubo ng malakas si Andie.

Napansin ko na natigilan si Terrence sa pag-inom ng juice. Thalia stopped from wiping her mouth with the napkin and slowly turned her head on Terrence's direction.

"Stop being so nosy, kuya Theodore." Pag-irap ko.

"Oh come on, Amelie. Gusto lang namin malaman, ano, Anderson, mayroon ba?" Pag ngisi ni kuya Liam.

"Meron, kuya Theodore. You know Cosmo Buenaventura dib---"

Sabay-sabay silang natigilan, at napa-tingin sa akin. Sinamaan nila ako ng tingin pero mabilis akong umiling at ikinawag ang kamay para pabulaanan ang mga sinabi ni Andie.

Sinipa ko nang malakas ang paa ni Andie sa ilalim ng lamesa. Napa-igtad ito at hinawakan ang kaniyang paa.

"Are you okay, Anderson?" Mahinhin na tanong ni Thalia.

Awkward na tumango si Andie at napa-kamot sa kaniyang noo.

"Did Cosmo like my sister?" Seryosong tanong ni kuya Azarius.

Nakita ko ang pagka-ilang sa mukha ni Andie. Sila kuya Liam, Lincoln, Theodore at Everette ay seryoso lamang ang tingin kay Andie, tila hinihintay ang sasabihin nito.

Si Thalia naman ay naka-tingin lamang kay Terrence na seryoso ang pagkain, tila hinihintay kung ano ang magiging reaksyon nito.

"I think?"

"Tsk, hindi kuya."

Sabay na sagot namin ni Andie. Sinaaman ko siya ng tingin. I won't invite him again on our house next time!

Kuya Everett laugh softly, "Hayaan mo na, pag hanga lang naman iyon."  Tinapik ni kuya Everett ang balikat ng kapatid.

Si manang naman ay naka-ngiting naka-masid sa amin.

"This is why I want Anderson to be always on our house. He tells us everything." Pag tawa ni kuya Azarius.

Tumikhim si Terrence, "Isn't Amlie still young for stuffs like that?" Seryoso ang kaniyang boses.

Nabitawan ko ang kubyertos at napa-lingon sa direksyon niya. Too young my ass, we started seeing each other when I was just 15!

Sa sobrang seryoso at kalamigan ng boses niya ay lahat ng nasa hapag ay nailang. Lahat ay tumahimik.

I sae how Thalia gently touched Terrence's elbow trying to calm him. I can see the veins on his neck dahil sa diin ng mga salita niya.

Nakaka-lokong ngumiti si kuya Azarius kay Terrence, "Kung gusto din naman ni Devyn na magpa-ligaw, ayos lang naman iyon sa ak--"

"Tsk, stop arguing for something that isn't true. Cosmo don't and will never like me." Naiinis na saad ko.

Naalala ko ang ginawa niyang pag tanggol kay Amanda.

"Hmm, why do I hear bitterness in your voice?" Naka-ngising tanong ni kuya Lincoln, iniikot-ikot nito ang tinidor.

Suminghap si kuya Liam, "Ah! Si Devyn ang may gusto kay Cosmo?!" Tanong ni kuya Liam kay Andie at niyugyog ang balikat nito.

Naiiling na hinilot ko na lamang ang aking sintido, it feels like I'm with children.

Magka-tabi lang sila kaya madali para kay kuya Liam na yugyugin ang braso ni Andie.

Ngumisi si Andie sa akin at kumindat. "Oo mga kuya, si Devyn---"

Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay binato ko siya ng isang piraso ng ubas.

"Hay nako kayong mga bata kayo! Kumain na lang kayo at huwag nang buligligin si Devyn!" Panga-ngaral ni manang.

Kumain na kami nang mapayapa at may nag doorbell. Nag paalam si manang sa amin at umalis sa hapag.

We heard a heels clicking on our floor.

"Where's my wonderful son, and a bitch of a daughter?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status