Share

VISION

"Vreihya! Ano ang nangyari? Bakit may dugo ang iyong kasuotan!", malakas na sigaw ng aking ina nang bigla na lamang akong sumulpot pabalik sa aking silid sa palasyo. Mabilisan akong sinalo ni Tiyo dahil matutumba na ako mula sa aking pagkakatayo dahil sa pagkabigla at sa tama ng bagay na pinaputok sa akin ng ama ng batang lalaki.

"ENTRANTE! Sinaktan ka nila!", madiin na turan ni Tiyo na ramdam kong punong-puno ng galit. Naramdaman ko ang tila paglakas ng hangin sa aking silid na tanda ng masidhing galit ni Tiyo. Matindi na ang nararamdaman kong pagkawala ng aking dugo.

"Mga walang awa! Bakit ka nila ginanyan Vreihya!", matindi na din ang paninigaw ni Ina habang nanlalabo ang aking paningin dahil sa mga namumuong luha ngunit wala na akong lakas na sumigaw at gumalaw pa. Tila isang bato na walang kabuhay-buhay ang tangan ni Tiyo.

"Tawagin mo si Macara, tila yata gawa sa pilak ang ginamit nila kay Vreihya!", mabilis na singhal ni Tiyo habang nararamdaman ko na ang aking mumunting katawa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status