Share

Chapter 53

Sa wakas… Dumating din ang ‘catch’ na hinihintay ni Marion. Base sa pagkakakilala niya sa ugali ng kaniyang ama, hindi nito basta ibibigay ang kompaniya at pera nito nang ganoon kadali. Kung hindi niya maipapakita ang gusto nitong resulta, siguradong ang offer lang nito na one hundred billion pesos ang matitikman niya mula rito.

“Pwede bang… Iwan niyo muna kaming dalawa ng asawa ko?” Ngumiti siya nang hindi inaalis ang tingin kay Seojun.

“B-bakit?” Naging malikot ang mga mata nito, tila naghahanap ng mali sa sarili nito.

Nang masiguro niyang wala na silang kasama, ini-lock niya ang pintuan sa loob. Napaupo nang tuwid si Seojun na para bang naghihintay ito ng iuutos niya. Napailing na lang siya dahil sa pagiging inosente ng kaniyang asawa kahit ito ang may anak. Umupo siya sa dati niyang puwesto at iniharap ang swivel chair nang direkta sa lalaki.

“Seojun… Hindi ko alam kung nasabi na nila sa iyo pero… Tatlong araw na lang ang natitira sa tourist visa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rubz Rotia
update plss Ang ganda Ng story sana mabilis Ang update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status