“Anong kailangan niyo sa ‘kin?” matapang na tanong ni Marion. Alam na ni Seojun ang tungkol sa bagay na iyon pero hindi niya iyon ipinagmamalaki. At isa pa, hindi niya kasalanan ang kahit na anong ginawa ng mga magulang niya kaya wala siyang dapat na ikahiya. Biglang lumapit si Diana sa kaniya. Sinubukan niyang iiwas ang hawak niyang sanggol pero nahatak nito ang bonnet ng bata. Napansin kaagad nilang lahat ang mumunting hibla ng buhok ng bata kaya naman nakumpirma ni Diana ang hinala nito. “I see… Kaya naman pala bigla kang nawala. Nakikipaglaro ka ng bahay-bahayan dito sa Seoul.” “Kung wala kayong importanteng sasabihin, aalis na kami –” “Sandali!” Maglalakad sana siya paalis pero hinawakan ni Diana ang braso. “Anong akala mo? Hindi ko alam ang balak niyong mag-ama? Nandito ako ngayon para pigilan kayo!” “Miss… O kung sino man kayo… Bitawan niyo ang asawa ko.” Malumanay ang tinig ni Seojun ngunit may diin. Tinampal nito ang kamay ni Diana kaya walang
December 24, 2022. Araw ng sabado. Hindi kagaya ng nakasanayan ni Eclaire, walang snow sa Pilipinas. Mainit ang klima kumpara sa Seoul kaya hindi na siya nagtataka kung bakit halos hindi na pinapatay ang air conditioner sa buong mansyon. Pero ang hindi niya talaga makasanayan, ang kakaibang sistema ng buhay niya ngayon. Isang buwan lang ang ginawang preparasyon pero nakahanda na ang halos lahat. Kung nagulat siya noon sa klase ng luho na naramdaman niya sa kasal ng mga magulang niya sa Seoul, walang-wala ito sa nakikita niya ngayon. Sa isang five star hotel sa Manila gaganapin ang kasal. Nasa isang libo ang mga bisita na inaasahang darating, karamihan sa mga iyon ay mayayamang negosyante at mga pulitiko. Ang kasal na iyon ang magiging ‘debut’ ng kaniyang ina bilang isang ‘tagapagmana’ kaya pinaghahandaan iyon nang husto. Halos hindi na sila nagkikita-kita sa mansyon dahil abala ang mga ito palagi. Mahigit isang linggo na siya sa Pilipinas at ang unang pinagawa sa kan
Simula nang bumalik sa Pilipinas si Marion, naging abala na siya sa nalalapit na kasal nila ni Seojun. Sa dami ng kailangan piliin, bilhin, at asikasuhin; hindi na niya maintindihan ang mga nangyayari. Hindi siya makapaniwala na suportado nina Peterson at Diana ang kasal na iyon. Ang ini-expect niya, pipigilan ng mga ito ang kasal… Kagaya sa mga palabas sa telebisyon. Pero ngayon na magpa-Pasko, siniguro niyang magkakaroon siya ng oras para sa kaniyang mga anak. Siguro… Ganoon talaga kapag nanganak… Literal na iikot sa isang tao ang mundo mo. Kahit nasa kung saan siya, halos oras-oras niyang tinatawagan ang nanny ng baby niya para makasiguro na okay lang ito. Matagal na rin niyang hindi nakakasama si Eclaire kaya nami-miss niya na rin ito. Nakaupo siya sa tapat ni Peterson. Pinaupo naman niya si Eclaire sa tapat ni Seojun. Medyo malayo ang pagitan nila kaya mukhang hindi naman masyadong awkward ang pakiramdam ng mag-ama kahit nandoon si Peterson. Bukod pa roon,
“Kumpadre, sigurado ka bang aalis ka na? Nagsisimula pa lang ang party…” tanong ni Oscar. “Oo. Tutal… Nakuha ko na ang gusto ko.” Bahagyang umismid si Peterson para lalong asarin ang kausap. “Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?” “A… Naisip kong mag-stay pa ng ilang oras. Ilang taon ko ring hindi nakita at nakasama ang mga kaibigan ko.” Itinaas nito ang baso na may laman na champagne. “Paano iyan? Ingat na lang…” “Sige… Sige…” Ikinumpas niya ang kaniyang mga kamay na tila hindi siya interesado. “Aalis na ko. Baka sakaling maabutan ko pang gising ang apo ko.” Nakatalikod siya sa kaniyang kausap dahil hinihintay niya sa may entrance ang sasakyan niya. Ilang sandali pa at dumating na ang itim na SUV, si Romeo mismo ang nagmamaneho. Nang huminto ito sa kaniyang harapan, pumasok na siya at hindi na hinayaan pang bumaba ang bodyguard niya. Bahagya niyang sinilip ang dati niyang puwesto pero wala na pala siyang kasama. Naglalakad na si Oscar pabalik sa loob ng pa
Kagaya ng nakagawian ni Diana, ginugugol niya ang kaniyang oras sa pagsa-shopping, pakikipagkita sa kaniyang mga kaibigan, o pagbabakasyon sa ibang lugar. Pero dahil sa board meeting na iyon, kinailangan niyang pumunta. Ang totoo, excited siya noong dumating dahil alam niya ang lahat ng mga plano ni Oscar. Pero sa pagtatapos ng pagpupulong, umalis na lang siya nang hindi man lang kinakausap ang kaniyang asawa. “Walang kuwenta… Hanggang ngayon, hindi pa rin kayang matalo ni Oscar si Peterson,” bulong niya habang naglalakad sa corridor papuntang elevator. “G-good morning, Maam,” bati ng isang empleyado. Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kahit hindi naririnig ang bulungan ng ibang mga empleyado na nakapansin sa kaniya, alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Lalo tuloy sumasama ang timpla niya! Sino ba kasing mag-aakala na kayang baligtarin ng isang tao ang kaniyang mundo dahil lang sa simpleng existence nito? At ang kinaiinis pa n
February 14, 2023. Araw ng martes. Dahil hindi naman talaga naranasan ni Marion na mag-celebrate ng Valentines day bilang isang maybahay ni Seojun noong nakaraang taon, hindi siya nag-expect ng kahit ano. Pero nang mapansin niya ang maliit at kulay puti na envelope sa ibabaw ng side table, isang imbitasyon para sa isang dinner date ang huling bagay na nasa utak niya. Kahit kasi mag-asawa na sila, natutulog sa iisang kuwarto at kama, hindi sila intimate sa isa’t isa… Inakala niyang ganoon talaga kapag may anak na. “T-tayong dalawa lang ba rito?” Hindi niya mapigilan ang pagguhit ng matamis na ngiti sa kaniyang mukha. “Wala si Dad o ang mga bata?” “Oo naman. Para satin lang iyan.” Kakalabas lang ni Seojun sa banyo kaya naaamoy niya ang ginamit nitong shampoo sa loob ng kanilang silid. “Nakapagpaalam na ko sa Daddy mo. Ang sabi niya, siya na ang bahala sa mga bata habang wala tayo.” Sumingkit ang kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya, may ‘catch’ iyon sa dulo at
Pagkatapos nilang pumunta sa salon, dumiretso naman sina Marion sa isang malaking department store. Ramdam kaagad nila ang VIP treatment nang papuntahin sila sa malaking showroom at doon inilabas ang mga damit na pwede nilang pagpilian. Wala siyang masyadong alam sa mga designer brands dahil si Emily ang pumipili ng mga susuotin niya. Sa huli, tila pumunta lang silang mag-asawa roon para mag-miryenda. “Hindi ba parang… sobrang dami naman yata ng mga binibili ni Emily?” bulong ni Seojun. Bahagya niyang inilapit pa ang kaniyang ulo upang sumagot. “Ganiyan talaga iyan. Sabi ko nga sa kaniya, kahit limang set na lang ang bilhin niya ngayon dahil ang daming stock sa closet. Iisa lang naman ang katawan ko kaya hindi ko maisusuot lahat iyan.” “Bakit pati mga suit at iba pang panlalaking damit, siya rin ang pumipili?” Hindi lang nito masabi nang diretsa na kung nasa bahay lang ito, mas kumportable ito na naka-sweater at pajama lang. Ganoon lang naman kasi ang suot nila
Pakiramdam ni Seojun, masyadong kaswal ang relasyon nilang mag-asawa. Paminsan-minsan, nagagawa niya itong halikan sa noo o hawakan ito sa kamay. Pero bukod doon, wala na. Alam naman niyang mas marami ang ginagawa ni Marion kaysa sa kaniya. Nagbibigay din ito ng oras kay Eclaire at EJ kaya kung sakali man na mauna itong matulog, hindi na siya nagrereklamo. Lalaki siya… May pangangailangang pisikal… Pero kahit mahigit isang taon na silang kasal ng asawa, hindi niya ito hinawakan nang walang permiso mula rito. Naiintindihan niya na kakaiba talaga ang takbo ng utak ng asawa niya. Kung para sa iba, madali lang na mahulog ang loob sa isang tao na palaging nakakasama, hindi ganoon si Marion. Masyado itong lohikal kung mag-isip kaya naman nahihirapan itong iproseso ang konsepto ng romance. Kagaya nga ng palagi nitong sinasabi, lahat ng mabubulaklak na mga salita na kayang sabihin ng isang manliligaw, nabasa na niya. Wala nang ‘kilig’ na hatid iyon sa kaniya. “Oo nga pala… N