Thank you po sa patuloy na sumusubaybay at sa bagong nag-add po nitong story sa library niya. Adding this story to your library, rating, giving votes, and following me mean the world to me. Your support touches my heart deeply. Thank you endlessly, from the depths of my soul to the furthest reaches of the cosmos!
“Bullshit!” muli niyang naisambit. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang maisip ang mga salita iyong sa nangyari na panghahalik sa kanya ni Xander. At maalala ito habang lihim na pinagpapantasyahan ang lalaking lihim niyang iniibig! “Did something happen, Marga?” Miguel asked worriedly. Tila nabuhusan ng nagyeyelong tubig ang dalaga nang marinig ang boses ng amo. Kapagdaka’y naramdaman niya ang pamumula ng mga pisngi sa sobrang hiya. Na-realize niya ang mga salitang pinakawalan at sigurado siyang narinig iyon ng loud and clear ng amo. At tulad ng inaasahan niya sa kanyang pagiging skilled escape artist, agad niyang dinikit ang likod ng palad sa namamasa pa sa pintura na wall na nasa kaliwang bahagi lamang niya. Saka nahihiyang ngumiti na humarap sa camera. She regretfully said: “My apologies for the attitude, Boss,” She then turned the camera to reveal that she had stained the back of her right hand. Nakagat niya ng mariin ang pang-ibabang labi nang bumakas sa gwapong mukha n
“You've been through quite a lot, Marga. You have to head back to the hotel to change; I'm certain you smell of paint by now. Just heed my instruction this time—I won't accept any excuses, Marga,” Miguel's words carried authenticity. "I'm certain you smell of paint by now," mga salitang umalingawngaw ng ilang beses sa kanyang pandinig. Napayuko ang dalaga para pigilan ang sarili na hindi matawa sa narinig mula sa amo. Naiitindihan niya na kung bakit bigla ito naging concern sa kanya. Magkahalong tuwa at guilty tuloy ang lumukob sa kanya sa mga sandaling ito. “Noted po, Boss. Thank you po,” tanging naisagot niya nang harapin muli ang camera. Naipadyak niya ang isang paa nang masilayan niya muli ang masayang ngiti ng gwapong amo. “Let's stay in touch, Marga, okay?” he said firmly. Mabilis na pagtango ang naging tugon ng dalaga sa amo. Kinawayan pa siya nito bago pinutol ang kanilang tawagan. Hindi niya maalis-alis ang kanyang ngiti habang binabalik ang hawak na phone sa kanyang bu
"What made you think I was only joking around, Marga? Can't you feel, how damn serious I am about you?" he said seriously, frowning. She gulps as her heart starts to hammer in her chest at an increasing pace. Hindi niya maitindihan kung bakit pakiramdam niya ay tuluyan na siyang napaniwala ng binata na seryoso nga ito. She shakes her head, dismissing the silly ideas that intrude upon her deeper thoughts. Lumunok muna ang dalaga bago tumitig ng mariin sa camera. Gustong-gusto niya na itong sagutin na talagang hindi niya ito kayang paniwalaan, dahil bukod sa ikakasal na ay aware siya kung ano ang pakay nito sa kanya. Pero syempre gusto niya iyong sabihin sa personal. “Xan, bago lang tayo nagkakilala. Apart from that, hindi ko talaga alam kung ano ang pakay mo at nagtya-tiyaga ka sa isang tulad ko. Sa status mo, alam kong maraming babae naghahabol sa’yo,” kaswal niyang paliwanag. Kitang-kita niya ang pagtangis ng mga panga ni Xander bago ito lumunok at nagpakawala ng malalim na paghin
Pinandilatan niya ang binata nang magtama muli ang kanilang mga mata sa screen. Muling lumiwanag ang gwapo nitong mukha, nagningning sa tuwa ang mga mata at halos abot tainga ang ngiti nito sa labi. Xander muttered something, leaving Marga puzzled by its meaning. Kaya, gayun na lamang ang pangungunot ng kanyang noo habang nakatitig sa kanyang screen. Masayang-masaya pa naman ang binata habang nagsasalita, ngunit ni isa ay talagang wala siyang maitindihan. "I wish I could be with you right now, babe," sabi pa nito, na siyang natatanging naitindihan ni Marga. She exhaled sharply, tuning out Xander's words, which she couldn't grasp. “Magkukwento ka ba o hindi?” asik niya rito, nakasimangot pa rin. Xander laughed and shook his head, “Ladies first this time, babe,” maikling turan nito sabay lahad ng kamay sa harap ng camera. Marga stared at him in disbelief. Her intuition hinted that Xander's actions were a ploy to capture her attention. However, she found it difficult to swallow when
“Nabanggit ba ni Joan kung kailan ang balik niya?’ curious niyang tanong sa kapatid. She heard Hazel humming with uncertainty. “Wala, Ateng, eh! Hinihingi lang iyong number mo,” mariin na sagot nito. Napabuntong-hininga ang dalaga. Kung hindi lang nag-aral sa Manila ang unang lalaki na pinangarap, lihim na minahal at siya ring kababata niya na si Francis, ay sigurado siyang hindi niya naranasan ang matinding financial crisis noon at naisangla ang lupa niya sa step mother nito. Sigurado siya na hindi alam ng kababata ang tungkol sa nasangla niyang lupain. Inaanak ito ng tunay niyang ama, kaya alam niya na hindi nito hahayaan na mawala sa kanya ang natatanging pamana sa kanya ng ama. Dalawang taon ang agwat nilang dalawa. Kasa-kasama niya parate ang kababata, madalas nasa bahay nila ito noong nabubuhay pa ang kanyang ama, kalaro at tumayong kuya niya ito. Naging sandigan niya ito nang namatay ang kanyang ama, at siya din ang naging karamay nang mamatay ang ina nito. Kilalang mag-be
“I told you, babe, I have all my ways,” confident nitong sagot sa kanyang tanong, mabilis lang siya nitong sinulyapan kapagdaka’y muling itinuon ang pansin sa pagmamaneho. She lets out a weary sigh, her head tilting slightly as if in silent agreement with the universe's whims. Dapat pala hindi na siya nag-aksaya pa ng laway sa pangungusisa sa binata, kung paano ito nagkaroon agad ng kotse na gagamitin, samantalang unang beses nito dito sa syudad. Masaya nilang tinahak ang parking area ng Mall habang pinag-uusapan ang mga best menu ng syudad na magkahawak kamay pa rin, at saka nito binitawan ang kanyang kamay matapos siyang pagbuksan nito ng kotse. Napatingin na rin siya sa daan na tinatahak nila. Nasa mahigit twenty-five minutes ang byahe papunta sa restaurant na gustong puntahan ng binata mula sa KCC Mall. Sa mahigit sixteen years nito sa ibang bansa, nakasanayan na ng binata na tuwing breakfast lang kumain ng rice at minsan pa nga raw ay wala. “Saan ka naman nag-check in?” curio
Napalunok ang dalaga sa narinig mula sa binata habang nakipagsukatan ng tingin rito. Hindi niya maikakailang may punto ito, pero ang paraan nito ay kalabisan. “You’re right, Xan, pero tingin ko sobra-sobra din iyong sa iyo! Iyong level ng bluntness mo ay maa-appreciate ng mga babae sa lugar na pinanggalingan mo,” lakas-loob niyang pagwawasto sa sinabi nito. Mariin niyang nakagat ang pang-ibabang labi nang bumakas sa gwapong mukha ng binata ang disappointment. Inalis nito ang seatbelt na hindi iniiwas ang tingin mula sa kanya. Subalit, siya ang pumutol ng kanilang titigan at inilibot ang paningin sa paligid. Masyado kasi siyang occupied, kaya hindi niya na namalayan na nagawa nang i-parking ng maayos ni Xander ang kanilang sinasakyan. Kung hindi pa nakuha ang atensyon niya sa pagtanggal ng binata sa seatlbelt nito, marahil hindi niya napansin na tumigil na ito sa pagmamaneho. "Marga,” Xander calls out softly. Awtomatiko naman napapihit paharap muli ang dalaga sa binata. Dagli’y nap
“Kailangan ko na kayang tawagan si Boss?” tanging naiisip niyang paraan upang makatakas sa gustong mangyari ng binata. Aminado siya na hindi niya ito matatakbuhan at magagawa nitong hanapin ang apartment ng kanilang kompanya. Tanging pang-asa niya na lamang ay ang kaibigan nito. Napatingin siya sa kanyang suot na wristwatch, five minutes to eight, wala naman siyang lakas na loob na tumawag sa kanyang Boss ng ganitong oras. Bagsak ang mga balikat na napabuntong-hininga ang dalaga, saka pinagmasdan ang kaharap, na masayang nakikipag-usap sa waiter habang umu-order. Mas naramdaman niya ang matinding pagod sa kakaisip ng paraan kung paano makakawala sa dominanteng binata, kaysa sa dami ng tinapos niyang trabaho kanina. Hindi niya kasi kayang timbangin kung mapagkakatiwalaan niya ito. Sinasabi nga nito na walang itong gagawin sa kanya, pero sa mga sinasabi nitong “dirty talk” at “just a kiss”, ano ba dapat? Napainom siya ng tubig na hindi inaalis ang mga tingin sa umu-order pa ring b