Share

Chapter 15

Xeia's POV

Pagkatapos ni Ma'am kumain ay kami naman ang sunod na kumain. Sa kusina kami kumakain kahit na sinabi ni Ma'am na p'wede kaming kumain sa dining area nila. Kung ano ang kinakain nila ay 'yun din ang kinakain namin, nagtatabi kami kapag natapos magluto.

"Xeia," tawag sa akin ni Thalia habang kumakain kaming lima. Nilingon ko naman siya habang nginunguya ang kinakain. "Fan ka ni Jung-Hyun?"

Nagugulat pa rin akp sa t'wing may nagtatanong kung kilala ko ba o fan ako ni Jung-Hyun kasi baka masabi ko na ang iniidoo nila ay hinahakbayan ko lang, tinutulak-tulak lang ni Colline. Baka kapag nalaman nila, hindi sila titigil hanggat hindi nila kami nakaka-usap. Baka hanapin at habulin pa kami hanggang sa bahay namin.

"Ah... Oo.... Dati pa," tugon ko. 'Yon na lamang ang isinagot ko. Mas maikling sagot, mas ligtas. "Ikaw?"

"Hmm.... Hindi naman. Nakikita-kita ko siya sa newsfeed ko.... Gwapo naman siya," aniya.  "Kanina na narinig ko ang pangalan niya ay nag-search ako ng about sa kaniya. Since eighteen pala siya nag-simulang mag-artista?"

"Oo, eighteen nga siya no'n," tugon ko. 

"Tapos half Filipino pala siya!" tuwang-tuwa niyang sabi. "Ngayon ay fan niya na ako!"

Napangiti naman ako.

"Thalia, maghinay-hinay ka nga sa kasisigaw," suway ni Manang. "May laman pa ang bunganga mo."

"Mga kabataan ngayon ay nakatuon na ang pansin sa mga koreanong 'yan," sabad naman ni Ate Lana. Tumango tango naman si Ate Kyla aa sinabi nito.

"Ayos lang naman 'yan basta 'wag nila pababayaan ang pag-aaral," sambit naman ni Ate Kyla. 

"Agree ako kay Ate Kyla," sabi ko. Pagkatapos ng maikling pag-uusap ay nagpatuloy na kaming kumain.

Nang matapos kumain ay nagprisinta ako na ako na lamang ang maghuhugas ng pinagkainan namin dahil wala naman na akong ibang gagawin. Pero bago ako magsimula ay umakyat muna ako sa taas para kunin 'yung pinagkainan ni Sir na dinala ko kanina sa kaniya, bumaba na nga hindi pa sinabay.

Kumatok ako sa pintuan. Nakailang beses ako na kumatok pero hindi pa rin niya ako pinagbubuksan. Nilabas ko ang dala-dala kong susi sa kwarto niya, binigay 'to kanina ni Manang sa akin. Akala mo, ha.

Binuksan ko ang pinto pagkatapos i-unlocked 'yon. Pagkapasok ko ay nakita kong nakalagay ang tray sa may coffee table niya. Nilapitan ko 'yon at nakitang wala ng laman. Hindi ata nakakain ng maayos kanina kaya naubos ang pagkaing dinala ko kanina. Inikot ko ang paningin ko para hanapin siya pero wala akong nakitang anino ng kahit 'nino.

Nasaan kaya 'yon?

Kinuha ko na 'yung tray at saka tumango na sa pinto para malakas at makapaghugas na ng pinggan. Pagkahakbang ko ay may biglang may sumalubong sa mukha ko na pinto. Napapikit naman ako sa gulat at tinaas ang tray para may mapangsalag para sa mukha ko.

Ilang sandali pa'y unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Pagkadilat ko ay unti-unti ring sumara ang pinto at nakita ko ang mukha ng lalaking hinahanap ko. Si Sir JD at nakatopless!

Lumaki ang pareho naming mga mata at tumalikod sa isa't isa.

"Why are you here?! How did you get in?" tanong niya sa akin.

"Sa tingin mo, paano ako nakapasok?" balik na tanong ko sa kaniya. "Hindi naman pwedeng nagteleport ako, 'no?"

"Who gave you the key?" tanong niya sa akin.

"Sino pa ba?" balik na tanong ko ulit sa kaniya.

"Why are you answering my question with another question?!"

"E, gusto ko, e," sagot ko sa kaniya. Oh, ayan, sinagot ko siya ng hindi tanong. "Bakit ka nakahubad?!"

"May naliligo bang nakadamit?"

Oo nga, 'no?

"E, ikaw nga rin 'tong sumasagot ng tanong ko ng isa pang tanong, e," sabi ko. Nanatili pa rin kaming nakatalikod sa isa't isa. "Bakit hindi ko napansing may CR pala diyan?!"

"Malay ko sa 'yo," aniya. "Lumabas ka na nga dito!"

"Paano ako lalabas, e, nandiyan ka sa dadaanan ko?" Nilingon ko siya ng kaunti pero binalik din kaagad ang tingin sa harap. "Pumasok ka ulit sa CR at nang makalabas na ako!"

Naramdaman ko naman siyang naglakad at narinig kong sumara ang pinto ng CR niya. Pagkakataon ko naman na para tuluyang lumabas.

"Wait," dinig ko sabi niya. Nakatalikod na ako sa pintuan ng CR niya at nakahawak na ako sa doorknob.

"Ano na naman? 'Di ba pinapaalis mo na ako?"

"Bakit parang nanghihinayang ka?" he asked in a playful tone

"Ano?!" gulat kong tanong sa kaniya.

Nilingon ko siya kahit na hindi niya ako makikita pero pagkalingon ko sa direksyon niya ay nakita ko siyang nakasilip sa may pinto ng CR at dumapo ang mga mata ko sa hindi natatakpan ng tuwalya. Nakangisi na siya ngayon sa akin. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya at natauhan ako kaya tumalikod ulit ako sa kaniya. "Nanghihinayang? Mukha mo!"

"Ngayong nakita mo na, nanghinayang ka na."

"Asa! Bakit ba ang lalas ng hangin dito?" sarkastiko kong sabi. Hinamas-himas ko ang braso ko na animoy totoong mahangin.

"When I show you my whole body you might not forget me," aniya. "Tsaka na lang."

"Ano?! Ang kapal naman ng mukha mo," tugon ko. Ang kapal! Sobrang kapal! "E, kanina, takot na takot ka na maipakita ang katawan mo. Siguro tama ako na bakla ka?

"So, nanghihinayang ka nga?" Ramdam ko sa tono ng boses niya na tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya!

Hindi niya pinansin ang huli kong sinabi sa kaniya na bakla siya. Siguro ay tama ako at ayaw niyang pag-usapa. Ah, siguro gusto niya munang si Ma'am Madi ang unang maka-alam.

"Hinayang mo pwet mo," sabi ko. Mas makapal pa sa solid na bakal ang mukha niya. Swear.

"Kapag nakita mo ang buong katawan ko ay baka hanap hanapin mo na," pagmamayabang niya.

"Alam mo, s-"

"Not yet."

"Ang hilig mo talagang putulin mga sasabihin ko, 'no?! Baka maging habit mo na 'yan?" sarkastikong sabi sa kaniya. Hawak hawak ko pa rin itong tray at nananatiling nakatalikod sa kaniya. Parang itong pinto na kaharal ko ang kausap ko ngayon.

"Hmm.... Maybe," aniya. Pinag-isipan pa! Psh! "But, I love it."

Eh?

"Ewan ko sa 'yo!" sigaw ko sa kaniya sabay hila ng doorknob. Lumabas na ako sa kwarto niya at saka bumaba na.

Ano 'yon?

Pagkababa ko ay nakita ko sila Thalia sa sala na may pinagkakaguluhang isang bagay. Nakapalibot sila sa isang lamesa. Dala ng kuryusidad ay nilapitan ko sila.

"Thalia, ano 'yan?" tawag ko siya. Nilingon niya ako, nakangiti siya.

"Xeia, nandito kana pala!" tuwang-tuwa niyang sabi. Hinila niya ako papunta sa pinagkakaguluhan nila.

Nakita ko ang isang box na puti na naglalaman ng dress? Kasama rin nila si Ma'am Madi na nakangiti na sa akin.

"Ano 'to?" tanong ko sa kaniya. Hinawak-hawakan naman nila Ate Kyla at Lana and dress.

Kinuha ni Thalia 'yon pinakita sa akin. Pink na long gown pala 'yon. Nilapat ko ang kamay ko para mahawakan 'yon. Ang ganda.

"Para sa 'yo 'to," sambit ni Thalia. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Sa akin?"

"Oo, kanina ay may dumating dito na babae. Nagpakilalang Colline," sabat ni Adam. Nandito rin pala siya? 'Di ko napansin, ha.

Nang marinig ko ang pangalan ni Colline ay pumasok sa isip ko na malapit na nga pala ang 18th birthday niya.

"Sabi niya kilala mo na raw siya, kaibigan mo. Hindi na siya nagtagal at umalis na rin dahil may gagawin pa raw siya," dagdag na sabi niya. "Sayang at hindi ko nakuha ang number niya."

"Hoy!" suway ni Thalia sa kaniya. "Babae na naman."

"Bakit?" nakangusong tanong niya. Aish.

"Malapit na kasi ang 18th birthday niya kaya siguro binigay niya na sa akin 'to. Isa ako sa 18th candle niya, e," sabi ko sa kanila. Nag-ah naman sila.

"Siguro bongga ang birthday niya, 'no?" tanong ni Thalia. "Sama ako."

"Psst," suway ni Ate Kyla sa kaniya.

"Ah... Sasabihin ko muna sa kaniya, hindi naman kasi ako ang may birthday, e," sabi ko in a smooth way. Baka mag-iba ang dating kaniya, e.

Tumango-tango naman siya. Nag-thank yoh ako dahil sa pagtanggap nito. Kinuha ko na ang gown sa kaniya at binalik na sa box.

"Balik na tayo sa trabaho?" sabi ko sa kanila. Nagsialisan na sila at bumalik sa mga pwesto nila.

"Ako din, ha?"

Nagulat ako na may biglang nagsalita sa kanang bahagi ko.

"O, Ma'am, nandiyan pa rin pala po kayo," sambit ko. "Makararating po kay Colline."

Nagpaalam na siya at umakyat na sa kwarto niya para makapahinga na. Ako naman ay kinuha ang tray na nilapag ko pala sa sofa. Pinatong ko sa box ng gown para madala ko ng maayos.

Pumunta muna ako sa kusina para ilapag ang tray bago pumunta sa kwarto para naman ilapag 'tong gown.

Bakit hindi niya na lang ibigay sa akin 'to kapag nasa bahay na ako?"

Tinawagan ko ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot. Busy ata. Mamaya na lang bago matulog.

Pumunta na ako sa kusina para makapaghugas na ng pinggan.

"You can't sleep so you're washing the dishes?"

Nagulat na naman ako nang may bigla na namang may magsalita. Nilingon ko siya.

Aish. Ano na naman?! Bakit ang hilig niya umentrada sa eksena? Bigla-bigla na lang nagpapakita. Ano siya, kabute?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status