Share

Chapter 144

Nagpupumiglas si Miguel habang pilit siyang pinipigilan makalapit sa kabaong ng mga tauhan ni Ryan. Isinubsob sa sahig ang mukha niya para hindi siya makagalaw at nilagyan ng pusas ang mga kamay niya. Maingat na isinara ng mga tauhan ni Ryan ang kabaong at inilabas ito.

"Caroline!" sigaw ni Miguel.

"Nagustohan mo ba ang regalo ko para sa 'yo?" natatawang tanong ni Ryan sa kaniya at itinapon ang upos na sigarilyo sa sahig. Humakbang ito papalapit kay Miguel. Napadaing si Miguel nang apakan ni Ryan ang mukha niya. "Sasabihin mo ba sa akin o hindi? Baka gusto mo ring makita ang anak mo na nakasilid sa kabaong?"

Mas lalong kumulo ang dugo ni Miguel sa galit. Hindi niya alam kung paano nila nakuha si Caroline. Mahigpit ang pagbabantay ng mga tauhan niya sa dalaga mula pa noon. Kumuyom ang mga palad niya nang naalala ang maputlang mukha ni Caroline. Gusto niya itong makita para masiguro kung buhay pa ba ito o patay na.

"Anong ginawa mo kay Caroline?!" sigaw ni Miguel.

Tinawanan lang si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status