Share

Chapter 6

Tanghali na nang nagising si Caroline. Wala siyang balak pumasok sa trabaho dahil makikita niya na naman ang mga magulang niya. Pagod na pagod ang kaniyang buong katawan. Gusto niyang matulog buong araw.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata ng may kumatok sa pintuan. Nagpanggap siyang tulog. Napakagat labi siya nang naamoy ang masarap na pagkain. Kahapon pa siya hindi nakakakain ng maayos.

Binuksan niya ang isa niyang mata at tiningnan kung sino ang nagdala ng pagkain para sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo dahil iba ang naghatid sa pagkain. Tinitigan niya ng mabuti ang binatang nakasuot ng black suit.

"Breakfast in bed, Mahal na Reyna!"

Nagtiim bagang si Caroline ng nakita niya si Miguel na may hawak na food tray. Bakas sa boses ng binata ang pang-aasar sa dalaga.

"Get out! Hindi ako nagugutom!" galit na singhal niya sa binata habang nasa pagkain ang kaniyang paningin.

"Hindi ako aalis kung hindi ka babangon at kainin ang mga pagkaing inihanda ng cook niyo." Matapang na sabi ni Miguel at naglakad siya patungo sa kama ng dalaga.

"Baka nakalimutan mong personal bodyguard ka lang at wala kang karapatan para pumasok sa kuwarto ko!" Asik ni Caroline.

"Mawalang-galang na po, Ma'am Caroline. Pinapasabi po ng inyong ama na kailangan kayong pumasok ngayon. May mga report pa raw kayong hindi natapos." Magalang na sabi ni Miguel at inilagay sa bedside table ang food tray. "Pasok po kayo Manang Cristy."

Mabilis naman pumasok ang katulong na si Manang Cristy.

"Kanina pa po tumatawag si Sir Samson, Ma'am Caroline..." Sabi ng kanilang katulong habang nakayuko.

"Sabihin mo kay Daddy na hindi ako papasok ngayon!" Utos ni Caroline.

Umigting ang panga ni Miguel. Hindi siya makapaniwala na ganito niya pakitungohan ang mga taong naninilbihan sa kaniya. Wala itong respeto sa mga nakakatanda.

"Babangon ka ba o iba-blocked nila ang mga ATM Cards mo?" Pagbabanta ni Miguel dahil alam niyang pera ang nagpapagana sa dalaga.

Nanliliit ang mga mata ni Caroline habang masamang tinitingnan ang binata. Ito ang kahinaan niya. Natatakot siya na mawala ang bagay na nagpapasaya sa kaniya. Ang pagkakaroon ng pera.

Inilabas ni Miguel ang kaniyang cellphone para tawagan ang ama ng dalaga. Kanina pa paulit-ulit na tumatawag si Samson sa kaniyang anak pero naka-off ang cellphone nito.

"I'll call your father and-"

"Oo na! Babangon na ako! Damn it!" sigaw ni Caroline at mabilis na bumangon.

"Masunorin ka naman pala," biro ni Miguel at ibinalik sa kaniyang bulsa ang cellphone.

Palihim siyang napangiti dahil ang bilis naniwala ng dalaga na tatawagan niya ang ama nito. Huling-huli niya ang kahinaan ni Caroline. Natatakot ito na mawalan ng pera at mapagalitan na naman ng kaniyang ama.

"Kumain ka muna bago maligo. Pagkatapos mong maligo at mag-ayos ay aalis na tayo." Sabi ni Miguel.

Umawang ang labi ni Caroline at masamng tiningnan ang binata. "Hindi nga ako gutom!"

"I know you're hungry. Kumain ka muna. Lalabas na rin kami para makapag-ayos ka na pagkatapos mong kumain."Ngumiti ang binata bago tinalikuran ang dalaga. "Let's go, Manang."

Padabog siyang pumasok ng banyo pagkaalis nina Miguel at Manang Cristy. Kailangan niyang pumasok dahil may gagawin pa siyang mga report sa kompanya ng kaniyang mga magulang kung saan siya nagtatrabaho.

Tanghali na nang nagising si Caroline. Wala siyang balak pumasok sa trabaho dahil makikita niya na naman ang mga magulang niya. Pagod na pagod ang kaniyang buong katawan. Gusto niyang matulog buong araw.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata ng may kumatok sa pintuan. Nagpanggap siyang tulog. Napakagat labi siya nang naamoy ang masarap na pagkain. Kahapon pa siya hindi nakakakain ng maayos. Binuksan niya ang isa niyang mata at tiningnan kung sino ang nagdala ng pagkain para sa kaniya.

"Breakfast in bed, Mahal na Reyna!"

Nagtiim bagang si Caroline ng nakita niya si Miguel na may hawak na food tray.

"Get out! Hindi ako nagugutom!" galit na singhal niya sa binata habang nasa pagkain ang kaniyang paningin.

"Hindi ako aalis kung hindi ka babangon at kainin ang mga pagkaing inihanda ng cook niyo." Matapang na sabi ni Miguel at naglakad siya patungo sa kama ng dalaga.

"Baka nakalimutan mong personal bodyguard ka lang at wala kang karapatan para pumasok sa kuwarto ko!" Asik ni Caroline.

"Mawalang-galang na po, Ma'am Caroline. Pinapasabi po ng inyong ama na kailangan kayong pumasok ngayon. May mga report pa raw kayong hindi natapos." Magalang na sabi ni Miguel at inilagay sa bedside table ang food tray. "Pasok po kayo Manang Cristy."

Mabilis naman pumasok ang katulong na si Manang Cristy.

"Kanina pa po tumatawag si Sir Samson, Ma'am Caroline..." Sabi ng kanilang katulong habang nakayuko.

"Sabihin mo kay Daddy na hindi ako papasok ngayon!" Utos ni Caroline.

Umigting ang panga ni Miguel. Hindi siya makapaniwala na ganito niya pakitungohan ang mga taong naninilbihan sa kaniya. Wala itong respeto sa mga nakakatanda.

"Babangon ka ba o iba-blocked nila ang mga ATM Cards mo?" Pagbabanta ni Miguel dahil alam niyang pera ang nagpapagana sa dalaga.

Nanliliit ang mga mata ni Caroline habang masamang tinitingnan ang binata. Ito ang kahinaan niya. Natatakot siya na mawala ang bagay na nagpapasaya sa kaniya. Ang pagkakaroon ng pera.

Inilabas ni Miguel ang kaniyang cellphone para tawagan ang ama ng dalaga. Kanina pa paulit-ulit na tumatawag si Samson sa kaniyang anak pero naka-off ang cellphone nito.

"I'll call your father and-"

"Oo na! Babangon na ako! Damn it!" sigaw ni Caroline at mabilis na bumangon.

"Masunorin ka naman pala," biro ni Miguel at ibinalik sa kaniyang bulsa ang cellphone.

Palihim siyang napangiti dahil ang bilis naniwala ng dalaga na tatawagan niya ang ama nito. Huling-huli niya ang kahinaan ni Caroline. Natatakot ito na mawalan ng pera at mapagalitan na naman ng kaniyang ama.

"Kumain ka muna bago maligo. Pagkatapos mong maligo at mag-ayos ay aalis na tayo." Sabi ni Miguel.

Umawang ang labi ni Caroline at masamng tiningnan ang binata. "Hindi nga ako gutom!"

"I know you're hungry. Kumain ka muna. Lalabas na rin kami para makapag-ayos ka na pagkatapos mong kumain."Ngumiti ang binata bago tinalikuran ang dalaga. "Let's go, Manang."

Padabog siyang pumasok ng banyo pagkaalis nina Miguel at Manang Cristy. Kailangan niyang pumasok dahil may gagawin pa siyang mga reports sa kompanya ng kaniyang mga magulang kung saan siya nagtatrabaho.

Pagkatapos niyang mag-aral ay pinapasok agad si Caroline ng kaniyang mga magulang sa kompanya. Siya ang inatasan na maging head sa Finance Department.

"Kinain mo ba ang pagkain?" tanong ni Miguel pagpasok ni Caroline sa loob ng sasakyan.

Hindi sumagot ang dalaga. Hindi niya alam kung paano pakikitungohan ang binata pagkatapos ng nangyari sa kanila. His personal bodyguard took her virginity.

Ipinikit ni Caroline ang kaniyang mga mata at nag-iisip kung papaano niya makakalimutan ang lalaking 'to kung araw-araw niya itong makakasama. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi dahil bigla na naman sumagi sa kaniyang isipan ang mga nangyari sa kanila. The way he thrust and moan. Hindi ito mawala sa isipan ni Caroline.

"Ayos ka lang?" biglang tanong ni Miguel sa kaniya ng napansin ang pananahimik ng dalaga habang kagat-kagat ang labi.

Idinilat ni Caroline ang kaniyang mga mata at inirapan si Miguel. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Napamura si Caroline sa kaniyang isipin. Umiiling-iling siya habang nakahawak sa kaniyang ulo. Kailangan niyang gumawa ng paraan para mawala sa kaniyang isipan ang nangyari sa kanila.

I need to get rid of him. Paulit-ulit niyang sinasabi sa kaniyang isipan.

Ngumisi si Miguel at ibinalik sa daan ang kaniyang paningin nang wala siyang nakuhang sagot kay Caroline sa kaniyang mga tanong.

"So, nagiging p**e ka na ngayon? Tapos ang ingay mo habang-"

"Shut up!" Inis na sigaw ni Caroline dahilan kaya hindi natapos ni Miguel ang kaniyang sasabihin. "Magmaneho ka ng tahimik. Huwag mo akong kakausapin!"

Hindi na muling nagsalita si Miguel. Tahimik nilang tinahak ang daan patungo sa kompanya.

Naunang bumaba si Caroline pagkatapos i-park ni Miguel ang sasakyan. Hindi niya na hinintay ang binata na pagbuksan siya ng pintuan. Patakbo siyang naglakad papasok ng kompanya at nakasunod naman sa kaniya ang binata.

Kapansin-pansin ang pagtili ng ibang mga babaeng empleyado sa tuwing napapadaan sina Caroline at Miguel. Hindi mapaigilan ng dalaga na lingonin ang lalaking nakasunod sa kaniya. Nakatingin din ito sa kaniya.

"Yes, Ma'am? May problema ba?" pormal na tanong ng binata sa kaniya. Inirapan siya ng dalaga bago ito nagpatuloy sa paglalakad patungo sa elevator.

Palihim na ngumiti si Miguel dahil walang tao pagbukas ng elevator. Mabilis silang pumasok sa loob. Pagsirado ng elevator ay agad niyang kinuha ang palapulsohan ng dalaga. Nanlalaki ang mga mata ni Caroline na nakatitig sa kamay ng binata na nakahawak sa kaniya. Clinick ni Miguel ang ikasampung palapag kung saan ang opisina ni Samson.

"Let me go!" reklamo ni Caroline at pilit na binabawi ang kaniyang kamay ngunit masyadong malakas si Miguel kaya hindi niya ito mabawi.

Hinarap niya si Caroline."May problema ka ba sa akin? Kanina mo pa ako pinagsusungitan. Ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko sana marunong ka rin makisama sa mga taong nasa paligid mo."

Suminghap si Caroline at marahas na binawi ang kaniyang kamay. "Wala kang pakialam kung ganiyan ako makitungo sa 'yo. Isa ka lang hamak na personal bodyguard ko kaya huwag kang kumilos na parang close tayo."

"Miss Caroline, baka nakakalimutan mo na may pinirmahan akong kontrata sa mga magulang mo. Isa na roon ang tulongan kang makitungo ng maayos sa ibang tao."

Caroline shrugged. "I can't believe this!"

Tumunog ang elevator ng nasa ika-sampung palapag na sila. Tumayo ng maayos si Miguel at sumunod sa dalaga na nauunang naglakad.

"Dito ka lang. Bawal kang pumasok sa opisina ni Daddy." Sabi ni Caroline at mabilis niyang sinarhan ng pintuan ang binata.

Umupo si Miguel sa bakanteng upoan sa labas ng opisina ni Samson habang hinihintay ang dalaga. Luminga-linga siya sa paligid at inoobserbahan ang mga kinikilos ng empleyado.

"Good Morning, Sir Alexander!" Bati ng mga empleyado pagdating ng manliligaw ni Caroline.

Hindi pinansin ni Alexander ang mga bumabati sa kaniya. Kilala siya ng lahat at natatakot ito sa kaniya kahit alam nilang unti-unti na itong nagbabago para kay Caroline.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status