"Chanel, dalian mo na riyan. Naghihintay na sina Tita sa baba. May ibibigay pa raw sa 'yo bago tayo umalis," ani Dior mula sa labas ng aking kwarto habang patuloy pa rin sa pagkatok.
Inis ko namang kinuha ang kwintas ko at isinuot iyon. Nang matapos ako roon ay agad ko nang inayos ang mga gamit kong nakakalat pa at inilagay iyon sa loob ng aking maleta. Kahit one week lang ako roon, marami pa rin akong dinalang damit para palagi akong may extra. Wala kasi akong mauutusan doon para ipaglaba ako. Ayaw kasi akong pagsamahin ng mga katulong ni Mommy.
Nang matapos akong mag-ayos ng mga gamit at sarili ko, binitbit ko na iyon palabas. Paglabas ko, naabutan ko si Dior sa harap ng pinto ng kwarto niya at bored na nakatingin sa akin. Naglakad naman siya palapit sa akin at kinuha ang mga gamit ko. Ipinaiwan ko lang ang hand bag ko dahil naroon ang mga pangunahing mga gamit ko.
Pagkababa namin, naabutan namin sina Mommy at Daddy sa
"Heather?" sambit ng isang tinig. Nang lingunin ko iyon, nakita ko ang isang pamilyar na tao. "Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. "Danielle, right?" "Oo! Mabuti na lang at natatandaan mo pa ako," nakangiting aniya. "Dito kami nakatira at dito na ulit ako nagtatrabaho." "Nagtatrabaho?" takang tanong ko at tumango naman siya. "Oo. Mula bata pa lamang ako, dito na nakatira sa Alemanya Leona ang pamilya namin. Dito na ako lumaki at dito na rin ako nagbinata. Dating tauhan ang mga magulang namin sa bahay na ito at nang mamatay sila ay kami na ang pumalit sa kanilang dalawa," pagkukwento niya. "Aalis na kami, Ate." Tumango naman sa kaniya 'yung babaeng mataray. Iginaya niya ako pasakay roon sa golf cart at sumakay ako roon. Nang makasakay ako roon, pinaandar na niya ang golf cart at sinimulan na niyang patakbuh
"Ito na 'yung picture ng first love ko. Ito lang ang tanging litratong nasa akin. Ito na lang ang pinanghahawakan ko para mahanap siya. Umaasa ako na kahit malayo na ang mukha niya rito sa picture na ito ngayon dahil malaki na siya, sana ay makita ko pa rin siya kahit sa malayo lamang," ani Danielle at mababakas sa kaniyang tono ng boses ang lungkot. "Heather, this is Chanel Ganza." Mas nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko. So, alam na pala talaga niya ang pangalan ko mula dati pa? Ngayong nagkita ulit kami, ang pagkakakilala niya sa akin ay si Heather at hindi niya alam kung ano ang surname ko. Ang alam niya ay anak ako ng business partner nina Daddy, without knowing na ako na 'yung matagal niyang inaasam-asam na makita at makasama. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kalagayan niya o hindi. Gusto ko siyang tulungan para mahanap ang first love niya, pero paano ko magagawa iyon kung mismong ako ang hinahanap niya? Kung kanina,
Maaga akong nagising dahil sa sumisilaw na liwanag ng araw na nagmumula rito sa bintana ng kwarto namin. Inis ko iyong tiningnan dahil kulang pa ako sa tulog at gusto ko pang magpahinga. Nang tingnan ko iyon, nakita kong humahangin sa labas kaya hinahangin din ang kurtina at lumilipad-lipad ito na nagiging dahilan upang pumasok ang sinag ng araw rito sa loob ng kwarto. Inis akong tumayo sa kama at hinarangan ng mabigat na bagay ang kurtina kaya hindi na ito muling lumipad pa. Naglakad na ulit ako papunta sa kama ngunit nang akma na sana akong hihiga ay naudlot iyon nang may kumatok sa pinto ng aming kwarto. Muli, naiinis ulit akong naglakad palapit sa pinto ng kwarto namin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko rito at napakaraming istorbo. Hindi ko naman pwedeng hindi pagbuksan dahil hindi ko naman sila ka-close para hindi pansinin. Nang makarating ako sa harap ng pinto, dahan-dahan kong binukasan ang pinto at
Maaga akong nagising dahil sa sumisilaw na liwanag ng araw na nag mumula rito sa bintana ng kwarto namin. Inis ko iyong tiningnan dahil kulang pa ako sa tulog at gusto ko pang magpahinga. Nang tingnan ko iyon, nakita kong humahangin sa labas kaya hinahangin din ang kurtina at lumilipad-lipad ito na nagiging dahilan upang pumasok ang sinag ng araw rito sa loob ng kwarto. Inis akong tumayo sa kama at hinarangan ng mabigat na bagay ang kurtina kaya hindi na ito muling lumipad pa. Naglakad na ulit ako papunta sa kama ngunit nang akma na sana akong hihiga ay naudlot iyon nang may kumatok sa pinto ng aming kwarto. Muli, naiinis ulit akong naglakad palapit sa pinto ng kwarto namin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko rito at napakaraming istorbo. Hindi ko naman pwedeng hindi pagbuksan dahil hindi ko naman sila ka-close para hindi pansinin. Nang makarating ako sa harap ng pinto, dahan-dahan kong binukasan ang pinto at
"Babe!" sigaw ng isang tinig dahilan upang maagaw ang atensiyon ko. Agad naman akong napatingin sa direksiyon ni Dior na kasalukuyang tumatakbo papunta sa akin. "Saan ka ba nanggaling? Pagkagising ko kanina ay wala ka na."Napakagat na lamang ako sa aking labi dahil nakalimutan ko na kasama ko nga pala siya rito. Tapos hindi pa ako nag paalam na aalis ako."Umm... naglibot-libot muna ako kanina. Hindi ko naman alam na aabutin kami ng gabi sa pag-uwi," nakokonsensiyang sambit ko habang hindi makatingin kay Dior.Napakinggan ko naman na bumuntong hininga na lang siya at narinig ko rin ang pag gulo niya sa kaniyang buhok. Pasimple naman akong tumingin sa kaniya at nakita ko ang masamang pagtitig niya kay Danielle."Tara na sa loob para makapagpahinga ka na rin. Alam ko naman na pagod ka," pangyayaya niya at inakay na ako papasok sa loob ng bahay.Nang makarating kami sa loob, umupo
"Tara na! Nakaka-relax magpahinga rito!" pangyayaya niya sa amin at nauna na sa paglalakad.Sumunod naman kami sa kaniya hanggang sa makarating kami sa mismong lugar na tinutukoy niya. Napabuka na lamang ang aking bibig dahil sa pagkamangha habang pinagmamasdan ang lugar na ito. Sinasabi ko na nga ba, tama ang hinala ko."Bakit dito mo naman kami naisipang dalhin sa hot spring? E hindi ba't naiinitan kami kaya gusto naming ma-refresh?" takang tanong ni Dior habang sumusunod kami sa paglalakad kay Danielle papunta sa cottage rito."Kaya nga. Kailangan niyong mag relax. Hindi ba't nakaka relax naman ang init nito?" sagot ni Danielle bago huminto sa isang cottage na nahanap namin.Ibinaba ko naman sa lamesa niyon ang bucket hat na kanina ko pa suot para hindi mainitan ang mukha ko. Nilibot ko rin ang aking paningin sa kabuohan nito at hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa paligid.
Dahil hindi naging maayos ang pakiramdam ko kahapon after naming maligo sa hot spring, umuwi na rin kami pagkatapos at hindi na muna pumunta sa plantation. Naintindihan naman no'ng dalawa na hindi maganda ang pakiramdam ko kaya hindi na nila ako pinilit pang mag libot."Chanel, gising ka na ba?" narinig kong tanong ni Dior mula sa aking likuran. Kasalukuyan kaming nakahiga ngayon sa kama at halos kagigising ko lang.Bumaliktad naman ako ng pwesto at tumagilid para makaharap siya. Nakita ko ang simpleng mukha niya na mukhang kagigising lang din. Iginalaw ko ang aking kamay papunta sa kaniyang mukha at marahang hinimas iyon. Hinawakan naman niya ang kamay ko na ginagamit ko sa panghimas ng kaniyang mukha bago walang pasabing hinalikan ang aking labi."Ikaw ha! Mag toothbrush ka nga muna roon," natatawang utos ko sa kaniya at pabirong tinampal pa ang kaniyang balikat.Napakamot na lang siya ng batok bag
"Correction. She's Chanel... Chanel Ganza," pagtatama ni Dior dahilan upang sabay na manlaki ang mga mata namin ni Danielle. Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin, pero umiwas na lang ako ng tingin."C-chanel Ganza?" nauutal na tanong ni Danielle at tumango naman si Dior."Yes. She's Chanel Heather Ganza," pagbubuo ni Dior sa pangalan ko. "Bakit, may problema ba sa pangalan ng girlfriend ko?"Pasimple ko namang tiningnan si Danielle mula sa peripheral vision ko at nakita ko ang mukha niyang hindi makapaniwala habang nakatingin sa akin. Muli naman akong yumuko dahil sa kahihiyan. Mayamaya lamang ay napakinggan kong nag snap si Dior sa harapan ni Danielle dahilan upang bumalik sa katinuan ito."W-wala, may naalala lang ako. Dude, pwede bang ikaw na lang ang mag drive ng golf cart pauwi? Tumawag kasi si Ate Daniela at may inuutos siya sa akin," paalam ni Danielle bago hinagis kay Dior ang susi at na