Share

Chapter Twenty Four: Save Him

"Chanel, ano ba! Bilisan mo na ngang maligo d'yan. Aayusan pa kita, kaya faster!" naririnig kong sigaw ni Zari mula sa labas ng banyo. 

Kanina pa kasi ako rito dahil binababad ko pa ang sarili ko sa gatas at sabon para mas maging maganda ang balat ko mamaya. Nakakainis kasi. Gathering lang naman ang meron mamaya, pero bakit pa ako niyaya ni Dior na maging date niya?

"Oo, ito na nga. Palabas na ako," natatawang sambit ko at umahon na sa bathtub. Pumunta na ako sa tapat ng shower at nagbanlaw roon.

Pagkatapos ko, nagpunas at nagsuot na lang ako ng undies bago ko binalot sa bathrobe ang aking katawan at lumabas na. Pagkalabas ko, naabutan ko si Zari na nakasuot na ng cocktial dress niya habang nireretouch na lang ang pagkakulot ng buhok niya. Nang makita niya ako sa reflection ng salamin, agad siyang tumingin sa akin ng masama at binaba na ang hair curler. 

Naglakad siya palapit sa aki

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status