Share

Chapter 17

KENT

"Namiss ko tuloy sina mom at dad," sabi ni Christine sakin ngayon. Nakita niya kasi ako kanina na hinatid ng mga magulang niya. Lunes na ngayon at ngayon ko na lang ulit nakita si Christine.

"Namiss din kita," tugon ko pero pinalo niya lang ako sa braso. "Aray," tugon ko. Minsan, napapaisip tuloy ako kung sinasaktan niya rin ba ang katawan ko tuwing hala ako, hays.

"Bakit? Mommy ba kita?" Pagsusungit niya.

"Hindi, pero pwede mo ako maging daddy Kent," pagbibiro at inakbayan siya dahilan para paluin niya ako ulit. "Aray ano ba!" Sigaw sabay tawa.

"Ewan ko sayo! Tara na nga, baka malate pa tayo," sabi niya lang at inalis na ang kamay ko mula sa pagkakaakbay sa kaniya.

Nakakailang hakbang pa lang kami nang maabutan namin sina Ethan at Augustus na patungo sa labas.

"Oy pre, san kayo pupunta?" Tanong ko kay Augustus. Ngayon ko nalang din sila nakakausap ng ganito kasi kasama ko si Christine.

"Andiyan ka rin sa wakas. Gagala sana kami sa labas, may seminar naman pala lahat ng teachers whole day eh," sabi ni Ethan na mukhang excited na excited habang nagsasalita. "Tara, sama ka samin, kanina ka pa namin hinahanap eh," dagdag pa niya.

Gustuhin ko mang sumama kasi medyo miss ko na rin 'tong mga kaibigan ko pero mas gugustuhin kong makasama sa Christine ngayon.

"Pass muna ako ngayon mga pre," sabi ko nalang.

"Hay nako, nakasama mo lang yang si Christine, nakalimutan mo na kami eh," sabi naman ni Augustus. Lumapit pa siya sakin tsaka akmang bubulong. "Siguro may nangyari sa inyo pagkatapos ng prom no?" Bulong pa niya dahilan para masapak ko siya pero tumawa lang siya ng malakas.

"Hay nako ikaw talaga, sige mauna na kami pre, good luck nalang," Dagdag pa ni Augustus at hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na makapagsalita.

Nang makalayo na sila, lumingon ako kay Christine na mukhang naiinip na.

"Wala palang teachers, anong balak mong gawin?" Tanong ko kay Christine sabay ngiti.

"Hmmm," tugon niya lang at umacting pang parang mag-iisip kung anong magandang gawin ngayong free time.

"Halika na nga," sabi ko sa kaniya at hinila na yung braso niya. Nagpupumiglas pa siya nung una pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya habang hawak hawak ko pa rin siya.

Hingal na hingal na kami ng makarating na kami sa aming paparuonan.

"Bakit nandito sa tayo music room?" Tanong ni Christine sa akin.

"Whole day kang mag-aaral ng piano," sabi ko sa kaniya sabay turo sa grand piano.

Hindi na siya nakapalag pa kasi panay ang pagpilit ko sa kaniya. Sinabi niya sa aking gusto niya nalang daw makipagbonding sa parents niya o kay Bea ngayong araw pero palagi ko naman siyang sinasabihan na paano niya gagawin yun eh magkakapalit nga naman kami ng katawan.

Lumipas na ang ilang oras at naririto pa rin kami ngayon at magkatabi sa harap ng grand piano. Namamangha ako kay Christine kasi napakabilis niya talagang matuto at ang liksi ng mga kamay niya.

"C major 'to tama?" Tanong niya habang pinapakitaan ako ng isang chord.

"Hindi, that's an A minor," sabi ko sa kaniya dahilan para mapapout siya. "Ilagay mo lang 'tong thumb mo sa G instead of the A key," tugon ko naman at ipinosisyon ang kaniyang mga maliliit na kamay sa tamang mga piano keys.

Lumingon naman siya sa akin pagkatapos kong sabihin 'yun. Nagkaroon ng panandaliang katahimakan samin ngayon. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa at para bang biglang huminto ang oras habang hawak hawak ko ang malamig niyang kamay. Wala na rin akong ingay o tunog na naririnig ngayon liban nalang sa puso kong halos pumutok na sobrang lakas ng tibok nito.

"A-ah, ganito ba?" Tanong niya pero hindi ko masyadong marinig iyon. Ibinaling na niya muli ang kaniyang atensyon sa kanyang mga kamay at sinubukang sundin yung sinabi ko kanina pero nanatili pa rin akong nakatitig sa kaniya at pinagmamasdan ang kaniyang mukha.

"Huy, ganito ba?" Pag-uulit niya sa kaniyang tanong dahilan para matauhan na ako.

"Ah, oo ganyan nga," sabi ko nalang at lumingon na rin pabalik sa piano.

"Nga pala Kent, bakit daw biglang umuwi sina mom at dad? Did something very urgent come up?" Pag-iiba ni Christine ng usapan at kasabay nun ay ang muli niyang paglingon sakin.

Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko na magawang makatingin sa kaniya ngayon kaya napayuko nalang ako.

"Wala naman silang sinabi," mabilis kong tugon nang hindi man lang nasasabi sa kaniya ang tungkol sa tunay na dahilan ng pagmatay ng kaniyang kapatid na siya ring dahilan kung bakit umuwi ngayon ang mga magulang niya.

Ayaw ko lang masaktan si Christine. Masyado ng mahirap sa kaniya ang aksidente na nangyari. Mas masasaktan lang siya pagnalaman niya pa ang totoo.

Lumipas pa ang ilang minuto at napagpasyahan na rin naming magpahinga na muna. Tanghali na rin kaya dumiretso muna kami sa cafeteria. Pagdating namin doon ay wala ng masyadong tao. Baka karamihan sa mga estudyante ay sa labas na rin kumain total wala din namang klase.

"Dun nalang tayo," sabi ni Christine sabay turo dun sa bakanteng mesa.

Mabilis naman kaming naka order ng pagkain kasi konti lang din ang mga tao sa counter.

"Hay nako, ang sarap pa rin talaga kumain sa sarili mong katawan," tugon ni Christine pagkatapos niyang sumubo. Napatawa nalang ako sa ginawa niya.

Napakamahinhin niyang kumilos pero parang wala ng makakapigil sa kaniya sa tuwing kumakain siya. Hindi na rin tuloy ako nakapagfocus sa pagkain ko. Hindi ko kasi maiwasang pagmasdan si Christine habang kumakain.

"Ayan pa oh, mukhang kulang pa yang nasa plato mo eh," sabi ko sa kaniya habang inililipat ang ilang vegie lumpia ko sa plato niya. Kinuhanan ko pa ng konting karne. Alam ko namang gulay talaga ang hilig niya. Inirapan niya pa ako pero halata namang nagustuhan niya yung ginawa ko kasi agad niya itong isinubo pagkatapos kong mailipat iyon sa plato niya.

Susubo pa sana siya ulit pero napatigil na lamang siya ng bigla may tumawag sa pangalan niya mula sa aming likuran.

"Bea?" Tugon ni Christine. Yung maingay niya palang kaibigan yung tumawag sa kaniya.

"Saan kaba galing? Kanina pa kita hinahanap!" Sabi ni Bea.

"B-bakit?" Naguguluhang tanong ni Christine.

"Ano ka ba naman! Hindi pa tayo nakakapagcelebrate mula nung matapos yung semi finals. Last semi final exam na kaya natin yun sa high school," sabi niya at kumuha pa ng isang slice ng carrot mula sa salad ni Christine. "Bilisan mo ng kumain besh, mamasyal tayo sa mall after mong maglunch," sabi pa niya.

"Sa susunod na lang," mahinang tugon ni Christine sa kaniya pero parang hindi ata yun narinig ni Bea kasi nagulat na lamang siya ng bigla niya akong makita.

"Magkasama kayo?" Tanong ni Bea na ngayon ay bakas sa mukha ang kilig. "Nako ha, I smell something na talaga," dagdag pa niya.

Pinalo naman siya ni Christine pagkatapos niyang sabihin 'yon.

"Ano bang pinagsasabi mo jan," sabi naman ni Christine kay Bea at may binigay pa siyang senyas na para bang gusto na niyang patigilin si Bea sa mga pinagsasabi niya.

"So ano nga? Magmamall tayo ha?" Pag-uulit ni Bea.

"Huwag na nga muna ngayon. Sa susunod na lang," giit ni Christine. Napasingkit naman ang mata ni Bea pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Alam ko naman ang dahilan kung bakit umaayaw si Christine. Kung hindi lang sana dahil dito sa pagpapalit namin ng katawan, tiyak na hindi magdadalawang isip si Christine na sumama kay Bea.

"Ah alam ko na. Isama nalang natin si Kent," biglang sabi ni Bea dahilan para magulat si Christine. Kahit ako rin ay nabigla sa sinabi ni Bea. Alam niya na ba ang tungkol sa sitwasyon namin?

"Alam ko na yung sitwasyon niyo ok," sabi pa niya dahilan para mas lalo akong magulat. "Ayaw niyong mahiwalay sa isa't isa," pagpapatuloy ni Bea. Medyo kumalma na ako nung sabihin niya yun. Akala ko pa naman alam niya. "Kaya isama mo nalang siya," dagdag pa ni Bea.

"Huwag na!" sabi ni Christine.

May point din naman si Bea. Kung hindi talaga mahiwalay ni Christine sa isa't isa, mas mabuti na rin sigurong sumama ako sa kanila.

"Oh bakit na naman? Sige na kasi! Kung yun lang ang dahilan para sumama ka sakin, edi go, isama mo na siya," pagpupumilit pa ni Bea.

"Ano ka ba naman? Nakakahiya!" Yun na lang ang nasabi ni Christine kay Bea at muli na siyang sumubo ng pagkain.

"Sige na kasi. Promise, hindi ako mangaasar o mang—," hindi na natapos ni Bea ang pagsasalita kasi sumingit na ako.

"Samama ako sa inyo," sabi ko dahilan para mapatingin silang dalawa sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status