Share

Chapter 32

Sobrang kinakabahan at nanlalamig ang mga kamay ko nang hawak na ni Kuya Macky ang resulta ng DNA Paternity Test na isinagawa namin nina Jonas at Josiah nung nakaraang linggo. Hinintay rin ni Kuya Macky ito bago siya umuwi ulit sa San Alfonso.

Kung sinuman kina Jonas at Josiah ang tunay na ama nitong baby ko ay tatanggapin ko nalang iyon ng buong puso. Pareho silang naging malaking parte sa buhay ko at kahit man na may nagawa silang kasalanan sa akin ay kakalimutan ko nalang iyon alang-alang sa magiging anak ko.

Nandito sa condo unit ni Jonas sila Josiah, Andy at maging pati na rin sina Avigale at ang boyfriend nitong si Samuel. Kanina ay humingi ng sorry sa akin si Avigale dahil sa pagsisinungaling ng pamilya niya tungkol sa pagkukunwari ni Josiah bilang asawa ko.

Kaagad ko siyang pinatawad dahil naiintindihan ko naman na kaya lang nagawang magsinungaling ni Josiah sa akin ay para maprotektahan niya ako noon kay Ysmael.

Tila natatawa pa si Kuya Macky nang makita niya kung gaano kaser
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status