Share

Chapter 3: Confusion

Chapter Three - Confusion

I slept like I log. Dahil sa pagod ay nakatulog ako, ang natatandaan ko na lang ay ang ginawa namin ni Maximillian. I am so embarrassed right now. Nagising na lang ako at kita ko sa bintana na gabi na, tinignan ko ang oras at nakita kong ala syete na ng gabi. It's still early. Kailangan ko munang umuwi sa mansion ng mga Ledesma para kunin ang ibang gamit ko pero hindi ko alam kung papayagan ako ni Maximilian.

Nilibot ako ang paningin sa kwarto. The room is extravagant, kulay itim ang tema na may kasamang gintong kulay. The room is neat at wala kang makikitang ni isang alikabok. Grabe ang pag-aalaga ng Rajama sa kanilang bagay.

Tinignan ko ang kabuuan ng aking katawan at napansin ko na nakabihis na ako, siguro ay binihisan ako ni Maximillian. Nagising rin ako na wala siya sa aking tabi. Hindi ko rin alam kung nandito pa rin ang Papa at ang mga kapatid ko.

Napatawa na lang ako sa aking isipan. Kapatid? I should've not called them my brothers. Mas masahol pa sila sa demonyo.

Tumayo ako para lumabas ng kwarto ngunit siya namang pagpasok ni Maximillian. May dala-dala siyang tray at nakalagay doon ang pagkain. Hindi ko maibuka ang aking bibig at gusto kong takpan ang aking mukha sa hiya kapag naaalala ko ang ginawa naming kababalaghan. That was my first time and his touch was so intense!

“You sleep like an angel earlier. Here's your dinner, you should eat. Hindi ka masyadong kumain kanina,” his baritone voice made me sit properly. I still can't stare at him in his eyes.

“T-Thank you…” napatikhin ako ng nautal ako and when I looked up to take a glimpse of his eyes then I remembered his words…

“T-Thank you, L-Lor—”

“I said, Hades right? Hm?” alam ko na nakatingin sa akin. Nakayuko pa rin ako at sinunod na lang siya.

“Thank you, Hades,” I don't want to argue with him anymore. Kakain na lang ako magpapaalam at sana payagan niya ako.

Tahimik akong ngumunguya nang nagsalita siya.

“Aalis tayo bukas ng umaga,” napahinto sa pagkain at napatingin sa kaniya.

Dahan-dahan ko munang nilunok ang pagkaing nasa bibig ko bago kumuha ng lakas ng loob para magpaalam.

“Hades, pwede ba na bumalik muna ako sa amin? Kukunin ko lang ang ibang gamit ko,” tinignan ko ang pagbabago ng kaniyang reaksyon. Inunahan ko na siya at tinatapos ang sasabihin ko, “May mga importanteng mga bagay kasi akong naiwan. Hindi ko kasi alam na sa inyo na po pala ako titira,” nagpapasalamat ako ng hindi man lang ako nautal o pumiyok. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang hahatulan ako ng kamatayan dahil sa katahimikang nananaig sa kwarto.

“P-Please… Lord Max—”

“Alright,” aniya.

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang pumayag siya sa nais ko. Hindi ko namalayan na nakangiti ako at nang pagtingin ko sa mukha niya ay nagulat ako. His face softened. His eyes stared at me softly, hinaplos niya ang aking mukha ngunit walang salita ang lumabas sa kaniyang bibig.

“Finish your food. After you eat, ako maghahatid sa'yo sa mansion ng mga Ledesma,” aniya at lumabas na lang ng kwarto. Hindi niya na hinintay ang sagot ko ngunit ayos lang sa'kin. I won't mind if he comes with me. Mas maayos pa na kasama ko siya.

Hindi ko alam pero parang po-proktektahan niya ako sa mga Ledesma kapag kasama ko siya. Kahit na alam ko naman na delikadong tao siya.

Tinapos ko ang pagkaing hinanda niya at nagtungo sa banyo. Laking gulat ko ng pagkatingin ko sa salamin ay para akong nakipagsabunutan. My hair is so messy, ang puting dress ko ay naman lukot-lukot. Laking pasalamat ko na lang na hindi ako tulo laway at walang muta. Dali-dali naman ako naghanap ng toothbrush na hindi pa nagagamit. Iniisip ko pa rin kung magpapakita ako kay Papa na ganito ang itsura ko, anong sasabihin ko sa kanila?

Pinukpok ko ang aking ulo. Para akong baliw ngayon dahil sa daming pumapasok sa isip ko. I sighed heavily at pinagtuunan na lang ng pansin ang aking sarili at humarap sa salamin para tapusin ang pagt-toothbrush ko at siya namang laking gulat ko ng nasa pintuan si Maximillian ng banyo, nakasandal at naka-cross ang kaniyang dalawang braso.

Tinignan niya ako na para bang may sapi ako. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisnge. Sa kahihiyan ay dali-dali kong tinapos ang pagt-toothbrush. Yumuko ako para magmumog at nagulat na lang ako ng pag-angat ko sa aking mukha ay nasa likod ko na siya.

“What were you doing?” he asked me innocently. Tinignan ko siya mula sa salamin at kita ko ang pag ngisi niya.

“Hades, don't tease me…” napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at napansin niya naman iyon.

Niyakap niya ang aking bewang, ipinasandal niya ako sa kaniyang dibdib at siniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg.

“Don't bite your lips, Juliette,” parang maamo siya ngayon. Sinulyapan niya ako mula sa salamin at mula doon ay tinitigan niya ako.

I can't take my eyes off him. He sucked my nape, hinayaan ko lang siya at hindi nagpumiglas.

“Hmm…” napatigil siya ng napaungol ako. Kabadong naitulak ko siya at humarap sa kaniya. Nakasandal ako sa may sink at tinignan siya.

“S-Sorry,”

“You don't have to say sorry to me, Juliette,” aniya.

I gulped and wandered my eyes bago ko siya sinagot, “I-I need clothes… Baka kung anong sabihin ni Papa…”

He sighed and nodded. Humakbang siya paatras at hinaplos ang aking mukha.

“Ipapahanda ko na. I'm not gonna say sorry for what I did but you don't have to say sorry to me everytime, Juliette. Wala kang ginawang kasalanan sa akin,” he spoke so nicely and he looks so nice but so I thought.

“But say sorry to me if I ever catch you disobeying me, Juliette. I'll punish you in my way, Understood?” his eyes darkened when he said those words. Tumango ako sa kaniya. There's still a fear and I don't think It will fade.

“I'll prepare your clothes. Take a shower and don't worry, hindi ako papasok. The maids will take care of you here, hm?” saad niya bago umalis.

Hindi ko siya maintindihan. Minsan mabait siya, minsan delikado. The punishment he was saying terrified me. Looking back at what we did earlier, It gives me ecstasy and pleasure yet I am afraid hindi lang 'yon ang kayang gawin ng isang Rajama. He confuses me everytime. He looks so gentle yet dangerous in my eyes.

Tinapos ko ang ang pagligo ko. Hindi rin naman ako nagtagal dahil gabi na. Nang lumabas ako ay may dalawang maid na nakaabang sa'kin. They looked so young— ka-edadad ko lang din ata sila. They smiled at me genuinely, pinakita nila sa'kin ang damit na susuotin ko. Kulay puting dress ko 'yon, parang katulad lang din ng akin ngunit mas mahaba na parang aabot na sa talampakan ko. Hindi ko na pinansin ang ibang detalye at nagbihis na. Bago rin ang dala nilang undergarments ko. Umupo ako sa may vanity mirror dito sa walk in closet ni Maximilian. They blow dry my hair and fix it. Sinabihan ko sila na huwag na ako lagyan ng make-up.

Both of them are so nice to me. Serenity and Athanasia are their names. Madaldal sila sa'kin at nasabihan nila akong sasama sila bukas sa amin, sila ang magiging maid ko pagdating sa mansion ni Maximillian.

“Madame! Buti na lang kami po ang napili ni Senyorito na maging maid niyo!” daldal ni si Serenity ngunit siniko siya ni Athanasia.

“Ano ka ba, Serenity! Parang wala kang utang na loob sa mga Rajama. Kung hindi dahil sa kanila ay baka kung saan na tayo napunta!” may halong galit na saad ni Athanasia.

“Tanga! Hindi ko naman makakalimutan lahat ng ginawa sa atin ni Madame Selene at Lord Raghnall. Never kong makakalimutan! Alam mo naman kung bakit excited akong umalis dito at sumama na lang kay Madame Juliette!” umirap ng pabiro si Serenity. Napailing-iling na lang si Athanasia at pinagpatuloy ang pag-aayos ng buhok ko. Ngunit masyado akong curious sa mga sinabi nila.

“Ano ba ang nangyari at ayaw mo dito, Serenity?” nag-iingat na tanong ko at baka ma-offend siya.

Nagulat naman ako ng tumili siya. Nag peace sign naman siya sa'kin, “Sorry, Madame! Naku 'yong pangatlong anak ni Lord Raghnall! Nakakainis! Palagi na lang akong inaasar kapag dito siya nags-stay. Kaya nga mas gusto ko pa na wala siya dito e,” aniya at bumubulong-bulong pa.

“Ilang taon na ba kayo?” tanong ko pa ulit.

“Nineteen pa lang po kami, Madame,” mahinhin na sagot ni Athanasia sa'kin.

Masyado pa silang bata pero kita ko na parang may pinagdaanan sila. Hindi na muli ako nagtanong, sa susunod kapag nasa mansion ni Maximillian.

Sinasanay ko na ang sarili ko kay Serenity. Tili siya nang tili habang tinitignan ako.

“Madame! Bakit ang ganda mo po?!”

Napangiti ako sa sinabi niya, “Maganda ka rin naman Serenity. Kayo ni Athanasia…” saad ko at humahighik kaming tatlo. Panigurado akong magiging ka-close ko sila.

Sana…

“You done?”

Napatigil kaming tatlo at hinarap si Maximillian.

“Ay tapos na po, Senyorito! Ganda 'no?!” malakas na pambobola ni Serenity.

Pinanlakihan ko ng mata si Serenity ngunit nag peace sign lang siya. Kinurot naman siya ni Athanasia sa tagiliran na siyang ikana-aray nito. Napangiti na lamang ako sa kanilang dalawa.

“She's always pretty though…” he stared at me. Dinig ko ang tili ni Serenity at Athanasia, hindi ko sila pinansin at lumapit na lang kaagad kay Maximillian.

“Let's go,” he held my hand. He intertwined our hands at lumabas na.

“T-Thank you…” mahinang saad ko sa kaniya.

Nilingon niya naman ako at napatanong, “For what?”

“For this dress…”

He chuckled. We stopped walking at inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tenga na parang may ibubulong at namula naman ang aking mukha sa sinabi niya.

“You are always welcome, Baby.”

Napayuko ako. Seriously, Maximillian Hades confuses me.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status