Share

Episode 16: Convinced

Kasabay nang pagbagsak ng mga butil ng luha na namumuo mula sa gilid ng aking mga mata ang pagdampi ko ng aking palad sa aking puso. Taimtim kong pinakikiramdaman ang nagwawala kong puso matapos itong bundulin ng hindi inaasahang kaba.

Nagmistulan akong estatwa sa kinatatayuan nang lumuhod ito sa harapan ko. Mula sa tagiliran ay kinuha nito ang aking palad at marahang hinimas-himas.

Dumikit naman ang paningin ko sa kaniyang mga matang animo'y pinagkaitan ng kalangitan sa sobrang bigat ng pakiramdam.

“Tell me what you want. I'm willing to give everything," saad nito't ibinaba ang paningin sa aking nanginginig na palad. “just tell me what you want. I'm begging, please. . ." dagdag nito.

Nababakas na rin sa kaniyang tono ang panlalambot na hindi niya karaniwang ginagawa.

Saglit pa akong napapikit nang marahan kong hilahin ang kamay mula sa mahigpit niyang pagkakahawak. “K-Kahit ano?" paglilinaw ko.

Walang imik itong tumango sa akin. Mariin akong napalunok sa naiisip. Hindi ako sigurado
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status