Share

049 | Strawberry

"Calley!" Agad na lumapit si Lito sa pumaradang pick up truck sa harap ng bus terminal sa Batangas nang makita si Calley na nakaupo sa front seat. Nakabukas ang bintana ng truck sa front seat side kaya kaagad nitong nakita ang inaanak.

Si Calley ay bumaba sa sasakyan at patakbong sinalubong ng yakap ang Ninong Lito. She was glad to see him well.

"I am happy to see you safe, Calley," ani Lito na yumakap din nang mahigpit sa inaanak.

"Me, too, Ninong. Me, too..."

Si Lito ay bahagyang humiwalay upang suriin ng tingin si Calley. Kahit papaaano ay nabawasan ang pag-aalala nito nang makitang maayos ang lagay ng dalaga at maaliwalas ang mukha; tila baga wala itong kinahaharap na problema at walang mga taong nagtatangka sa buhay nito.

"Are you sure no one followed you here, Ninong?" Calley had to ask. Anong malay nila kung pinasusundan ni Esther ang Ninong Lito niya upang mahanap siya?

"I am sure, hija. Inutusan ko ang assistant kong imaneho ang kotse ko patungo sa ibang direksyon habang ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status