Share

9.2

Habang papalapit siya sa resthouse ay kinakatkat siya ng kaba. Abot-abot ang dalangin niyang sana ay si Enrico ang naghahanap sa kaniya. Kung sakaling ito nga ay hihimatayin yata siya sa tindi ng excitement na nararamdaman.

“Hi! Sam-Gel!” masiglang bati sa kaniya ni Melinda pagbungad pa lang niya sa pintuan ng shop. “Na-miss kita!”

Sa pinaghalo-halong kaba, gulat at frustration ay natutop ni Ana ang dibdib. Pinakahihiling pa naman niyang si Enrico sana ang naghahanap sa kaniya. Iyon pala, heto at ang new-found friend lang pala niya.

“Ikaw pala, Melinda!” aniya sa pekeng ngiti ngunit hindi halata. “Na-miss din kita, grabe!”

“You know, friend. Next week, if okay with you, iimbitahan sana kita sa birthday celebration ko lang naman. Si Aseneth ay magiging busy naman kaya hindi makakadalo, may bagong pick-up kasi siyang aspiring flower shop entrepreneur. Gusto raw bumili ng iba't ibang uri ng roses na balak paramihin et cetera, et cetera,” lahad agad n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status