"Pati talaga bata dinadamay mo dyan sa kasinungalingan mo Vanessa!! Magkano ba 'yong perang gusto mo? Sabihin mo at ibibigay ko sayo para tumigil ka na dyan sa kabaliwan mo!" Dahil sa lakas ng boses ni Stephen ay nagising ang bata at nag simula na itong umiyak.
"I'm not lying Stephen, totoong anak mo siya!" Nanginginig na yong kamay ko sa kaba...pano kung anak niya nga talaga yong batang 'yan? Gusto na ni Stephen magkaanak diba? Pano kung makipag balikan siya kay Vanessa kase may anak na silang dalawa?
Pano na ako? "Then magpapa DNA test kaming dalawa nyang bata at papatunayan kung hindi ko 'yan anak!" Matigas na sabi ni Stephen."Ano ba Stephen, umiiyak yong anak natin dahil sa lakas boses mo. Shhh, tahan na Effren." Pinatahan niya yong bata at tinignan ko si Manang Daley na napapailing lang na tinitignan si Vanessa at ang batang bitbit nito."Kung tapos ka na sa drama mo makakaalis
"Natatakot ka ba na baka iwan kita kung baka sakaling totoong ko ngang anak ang batang iyon?""O-Oo ganon nga a-ang iniisip ko." Di ko mapigilang hindi maiyak habang napapaisip na baka iwan niya ako. Kahit girlfriend ako ni Stephen ngayon pero iba parin si Vanessa kase siya yong first love ni Stephen.At sa lahat ng nakilalang babae niya ay ako yong huli, hindi nga ako sigurado kung magiging kami ba talaga sa huli ni Stephen, baka katulad kami ng iba na pinagtagpo lang pero hindi tinadhana.Napailing na naman ako. Ano ba kase itong mga iniisip ko! Kakasabi ko nga lang sa sarili ko na think positive diba Alyana!"Shhh, wag kang mag alala kahit anak ko siya hindi kita iiwan Alyana, magiging ama lang ako sakanya pero di ibig sabihin babalikan ko si Vanessa.""Pangako?""Pangako ko 'yan sayo Alyana, ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko habang buhay, hindi k
Stephen Wilson's Pov.Dinala ko 'yong bata sa guest room. Ang himbing-himbing ng tulog niya ngayon.Hay nako, ewan ko ba! Naguguluhan ako? Kahit anong titig ko sa mukha ng batang ito eh, wala talaga akong maramdaman na kahit na ano. Lukso ng dugo kamo kahit na katiting wala, naawa lang ako kung totoong mama niya si Vanessa ang malas nya.Mabuti pang magpa-ampon nalang siya, mas okay yon.Namili pa kami ng gamit nitong bata at gatas. Ako pa gumastos ng lahat.. Sabi nga niya wala daw siyang pera tsk, impossible!"Asan na ba ang babaeng yon!?" Napatakip ako ng bibig dahil napalakas yong boses ko, baka magising yong bata! Problema na naman kung pano ko papatahanin.Kakarating lang namin sa bahay tapos kung saan-saan pumupunta! Pumayag kase akong dito muna sila tumira hanggang sa dumating na 'yong resulta, para kaseng ginagamit niya pa 'yong bata
Pupuntahan ko na sana si Stephen sa loob para humingi ng tulong pero nakita ko na syang papunta rito at nanglaki ang mata nyang makitang nalulunod si Vanessa."Pakisagip naman sakanya." Saad ko at agad na tumalon siya roon sa pool.Naaawa tuloy ako kay Stephen kase naligo na sya kaninang umaga, nabasa sya kanina nong sinagip nya ako then kakatapos nya lang maligo sa banyo tapos ngayon nabasa na naman ito dahil kay Vanessa. Parang naka apat na ligo sya ngayong araw na 'to ah.Nang maahon nya si Vanessa ay inihiga nya 'yon sa gilid ng pool at nakapikit sya ngayon...Gagawin rin sana ni Stephen 'yong ginawa nya sakin kanina pero pinigilan ko siya. Eh, kase naman nakita ko 'yong mata nyang Vanessa na kumukurap-kurap, a-acting na nga lang tapos di pa gina-galingan!"Oyy alam kung gising ka." Sabay sinipa 'yong paa nya ng mahina pero nakapikit parin ito, p
"Ang kapal din talaga ng mukha mong magpa-kita samin ah!! Halika rito nanggigigil ako sayong bruha ka!" Nagulat ako nang lumapit ito sa gawi ni Vanessa at mabilis 'tong sinabunutan."Arayy ano ba! Stephen pigilan mo yang kapatid mo!!" Hahakbang na sana si Stephen kaso napahinto siya ng magsalita si Tita Stella."Sige subukan mong pigilan yang kapatid mo Stephen, pareho kayong dalawa ng babaeng yan ang malilintikan sakin!" Matigas na sabi nito.Nag patuloy lang si Sheila sa pag sabunot kay Vanessa at halata namang gustong-gustong lumaban ni Vanessa sa sabunutan pero pinipigilan nya lang 'yong sarili niya."Ano bang ginagawa nyan dito sa bahay mo ah!?""Wala daw syang matirhan." Sagot ni Stephen."Walang matirhan? Ganda rin ng rason ah, tapos naisip mo ba 'yong mararamdaman ni Alyana? P
Habang kumakain ay napapasin kung napapatingin si Vanessa sa kamay ko, kunot noo ko namang tinignan rin 'yong kamay ko, baka kase may dumi o kung ano pa dyan nakakahiya naman sakanya diba, tsk! Nang pag tingin ko naman ay yong sing-sing pala sinusulyapan niya...siguro?Problema nito? Gusto nya rin ba ng ganito? Kung gusto mo bumili ka rin ng sayo, dapat pero mo hindi 'yong pera ni Stephen o kahit na kanino.Pagkatapos naming kumain ay kailangan umalis ni Stephen, may bigla kaseng tumawag sakanya di ko alam kung sino pero mukhang emergency kase nag mamadali si Stephen.Si Manang Daley naman laging nakabantay sakin, kung san ako pupunta nakadikit siya. Sabi kase ni Stephen na bantayan ako ni Manang dahil daw kase baka may gawin si Vanessa sakin. Diba dapat si manang ang dapat may bantay kase matanda na sya? Kawawa naman si Manang Daley."Mag b-banyo lang
"Mag best friend kami nong highschool.""What the?? Di kaya mahawa ka sakanya Alyana." Napalingon ako kay John."Mahawa saan?""Sa kalandian." Pareho naming binatukan si John."Tawagin mo pa syang malandi basag yang panga mo.""Tawagin mo pa akong malandi basag yang panga mo.""Best friend nga talaga kayo. Oyy Flyn alam mo bang magkakilala pala silang dalawa ni Camille?""Hindi," Tanging sabi nya bago pumasok sa loob."Pasok muna tayo sa loob para makapag usap tayo." Saad ko sabay hinila ang kamay nito papasok sa loob ng bahay."Matanong lang bakit nandito ka sa bahay ni Stephen? Boyfriend mo ba yang si John? Kanino ka pala binenta? Kay John ba? Sobrang yuck naman kung ganon!""Hoy mali yang iniisip mo, si Stephen ang boyfriend ni Alyana at hindi ako no! Magand
"Oy, Camille alam mo bang nandito ngayon si Vanessa?" Pag iiba niya ng topic."Ah, iyong malanding ex- girlfriend ni Stephen, ba't naman nandito ang babaeng 'yon? Este you mean dito sa bahay nya ngayon? Like dito talaga??!"Tumango si John."Nagdala nga yon ng bata eh, tapos sinabing si Stephen ang ama."Ang bilis naman ata nilang mag bati? Parang ilang segundo lang nong grabe sila kung makapag lait sa isat-isa ah."Pfft, baliw talaga! Wag kang mag alala Alyana nag sisinungaling lang ang babaeng 'yon." Saka sinandal nito ang ulo ko sa balikat nya."Teka nga Alyana, asan nga pala 'yong bitchy bitch? Di ko yata sya nakita ngayon.""Sinong bitchy bitch?" Nag tatakang tanong ko, ngayon lang ako nakarinig ng ganoong klaseng pangalan."Manang tulongan mo nga akong mag lagay nitong d
Nagising ako ng wala si Stephen sa tabi ko, pag labas ko ng kwarto ay nakita ko syang buhat-buhat 'yong bata. Kita ko ang saya sa mukha nya habang tinitignan 'yong batang natutulog."Steph---""Stephen, nakapag luto na si Manang kumain na tayo." Napangiti nalang ako ng mapait, para silang pamilya...at ako parang sagabal lang."Sandali lang gigisingin ko muna si Alyana---oh, gising ka na pala. Halika na kumain na tayo."Noon sya 'yong gumising sakin, pag mulat ng mata ko sya unang nakikita ko. Pero ngayon...bakit parang nag iba?Kahapon lang nong nalaman nyang anak nya si Effren, malungkot 'yong mukha nito kahapon kase may anak pala sila ni Vanessa tapos ngayon sobrang saya na niya.Gusto kung maging selfish, gusto kong ilayo si Stephen sakanila pero naaawa ako sa bata, ayokong lumaki sya na wala si Stephen sa tabi nya. Ka