Share

Kabanata 5

Mababa sa tatlong buwan na lang ang natitira sa buhay ko. Ano pa ang magagawa ko?

Malapit na matapos ang aking buhay pero hindi pa ako nai-in love. Gusto kong i-date si Dixon Gregg.

Kahit na magsisinungaling lang siya sa akin, sobrang saya ang maidudulot nito.

Pinag-uusapan na rin naman, hindi pa ako nasasabik o naiitrato bilang isang tao na importante at mahalaga sa buong buhay ko. Hindi ko pa nararanasan ang pag-ibig. ‘Yon ang dahilan kung bakit madalas akong naiinggit kay Gwen at kung bakit ako kumapit kay Dixon na para bang sinapian ako.

Kahit na pahirapan niya ako, tatanggapin ko ito nang buong loob.

Sa pagitan namin ni Dixon, ako ay masyadong hindi mahalaga.

Nagpakumbaba ako at hindi kailanman lumaban.

Hindi umalis si Dixon tulad ng dati niyang ginagawa. Matapos maligo, umupo siya sa sofa dala ang kanyang laptop upang magtrabaho.

Tumayo ako at sinuot ang aking sleeping gown, saka tinanong siya, "Magpapahinga ka ba dito ngayon?"

Napakatalas ng aking paningin at nakikita ko ang dokumento sa kanyang laptop. Lahat sila ay mga dokumento na pirmado ng Shaw Corporations dati.

Ang Shaw Corporations ay nakaranas ng ilang problema kamakailan. Marami sa aming mga kasosyo ang lumabag sa kanilang mga kontrata at bumabagsak ang shares ng kumpanya. Alam kong siya ang gumawa nito, ngunit hindi ko siya inilantad. Inaasahan kong nagawa niya ito pagkatapos ng seryosong pagsasaalang-alang.

Hindi ako pinansin ni Dixon, kaya hindi ko na siya inistorbo pa ulit. Sa halip, yumuko ako at binuksan ang drawer upang makuha ang divorce agreement at inilagay ito sa kama. Magtatanong na sana ako sa kanya na talakayin ang divorce proceedings, nang bigla siyang nakatanggap ng isang tawag.

Galing ito kay Gwen.

Ang kanyang tinig ay hysterical at puno ng takot habang sinabi niya, "Dixon, iligtas mo ako. Nagpadala siya ng mga tao para i-kidnap ako! Sinabi niya na hindi na ako karapat-dapat sa iyo!"

Para bang instinctual na ‘to sa kanya. Humarap si Dixon sa akin.

Madilim ang kanyang ekspresyon habang tinanong, "May pinadala ka ba para gawin ito?"

Inilahad ko ang aking mga kamay sa harap ko nang nakangiti at tinanong, "Maniniwala ka ba sa akin kung sinabi kong hindi?"

Sumulyap sa akin si Dixon at tumalikod na para umalis. Hinabol ko siya upang pigilan at hinaplos-haplos ang kanyang mukha gamit ang aking palad. Naguguluhang tanong ko, "Dixon, bakit mo siya lubos na pinagkakatiwalaan? Paano kung plinano niya ito?"

“Kilala ko siya. Hindi siya tulad mo.”

Nagulat ako. “Hindi siya tulad mo…”

Tinulak ako ni Dixon palayo at umalis na. Umakay ako sa braso niya at marahan akong nakiusap sa kanya, "Huwag kang umalis. Dito ka na lang sa akin."

Hinampas niya ang mukha ko at malakas akong natumba sa sahig. Pinagmasdan ko siyang umalis sa pintuan at hindi ko na mapilit tiisin ang lasa ng metal sa aking bibig. Sumuka ako sa maputing, malambot na karpet. Maliwanag itong pula at kumalat ang kulay na parang namumulaklak na rosas.

‘Yon ang unang pagkakataon na sinaktan ako ni Dixon.

Sinira niya ang aking dignidad para sa babaeng iyon na nagtanghal ng kanyang sariling palabas.

At ano ang nagawa ko kanina?

Pinapili ko siya sa pagitan ko at ni Gwen...

Talagang nawala ang self-awareness ko sa pagtanda.

Kinarga ko ang sumasakit kong sikmura at bumangon upang magpalit ng isang maliwanag, off-shoulder dress. Pinatungan ko ito ng isang mahabang beige coat at naglagay ng makeup. Naglaan pa ako ng oras upang matiyagang pakulutin ang aking buhok na abot hanggang baywang. Tumawag ako sa aking assistant matapos magsuot ng heels na may kulay na pilak.

"Alamin mo kung nasaan si Gwen Worth," utos ko.

Kinuha ko ang divorce agreement mula sa kama at inilagay ito sa aking handbag. Pagkatapos, nagmaneho ako papunta sa ospital. Naghihintay na sa aking assistance sa entrance. Natakpan siya ng niyebe.

Dali-dali siyang lumapit upang buksan ang pinto ng kotse nang makita ako. Pagkatapos, sinabi niya nang may paggalang, "President Shaw, sina Mr. Gregg at Gwen Worth ay nasa loob ng ospital. Nagpadala na ako ng mga tao upang hulihin ang mga kriminal na halos gumahasa sa kanya. Tama ka. Ininterogahan namin sila at ito talaga ay isang palabas na plinano ni Gwen Worth. "

Bumaba ako ng sasakyan at yumuko nang bahagya upang suriin ang aking repleksyon sa bintana. Naglagay ako ng lipstick at tinanong siya, "Tumawag ka na kay Director Gregg? Kailan siya darating?"

Kahit na malapit na kaming mag-divorce, gusto ko ng hustisya para sa aking sarili.

"Darating si Director Gregg sa loob ng 15 minuto."

Napatingin ako sa magandang mukha na nakasalamin sa bintana ng sasakyan at hindi mapigilang mapabuntong hininga. Ito ay isang napakagandang mukha. Lahat ng mga nakakakilala sa’kin ay nagsabing napakabait sa’kin ni Lord. Mayroon akong sharp at well-defined na features at napakaganda.

Itinabi ko ang aking lipstick at pumasok sa ospital kasama ang aking assistant na sumusunod sa akin. Nang marating ko ang silid ni Gwen, narinig ko ang sinabi niya nang may kumpiyansa, "Siya ‘yon! Si Caroline Shaw! Kayong dalawa lang ang nakakaalam na bumalik ako. Bukod dito, wala akong mga kaaway bukod sa kanya! Dixon, nagseselos siya. Naiinggit siya na ako ang mahal mo."

Mahinahon siyang kinonswelo ni Dixon, "Huwag mo hayaang maging ligaw ang iyong imahinasyon. Isipin mo ang iyong kalusugan. Huwag ka mag-alala. Iimbestigahan ko ito nang personal. Papahingiin ko siya ng tawad sa iyo kung siya ang may gawa."

Ha, anong karapatang ni Dixon Gregg sabihin ‘yan?

Kung ako, si Caroline Shaw, ang gumawa nito, hihingi ako ng paumanhin?!

Dahil ba sa hindi niya ako kilala ng sapat? O dahil ba sa nasanay siya sa akin na hinahayaang siya isipin niya na ako ay isang push-over na kaya niyang manipulahin sa anuman na paraang nais niya?

Pumasok ako sa silid at ngumiti ng walang takot habang sinasabi ko, "Ako ang nagpagawa nito. Paano ako hihingi ng paumanhin sa taos-puso na paraan? Dixon, gusto mo bang lumuhod ako sa harap niya?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status