(The wedding day)Araw ng kasal naming dalawa ni Mara, pero nasa loob lang ako ng isang private hotel room. Nakaupo lang sa tapat ng pintuan habang lumalagok ng alak sa boteng hawak ko.Naduduwag akong harapin siya sa harap ng altar at alam ko naman na hindi rin matutuloy ang aming kasal, sa oras na malaman niya ang tungkol na kalagayan ko.Ramdam ko ang sobrang init mula sa aking dibdib. Hindi dahil sa alak na iniinom ko kundi sa sobrang panlulumo na nararamdaman ko sa aking sarili.Halos napasigaw na lang ako ng buong lakas at inihagis ang bote ng alak sa kung saan. Napasapo na lamang ako sa aking noo gamit ang sariling dalawang kamay.Mabigat na paghagulgol ang aking pinakawala habang sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha ko sa mata."Mara, i'm sorry. Patawarin mo ako. Wala akong kwentang lalaki! hindi ako karapat-d
Andrew's POVMahigit tatlong taon na ang nakakalipas, magmula noong iniwan ako ni Mara at nagtungo sa ibang bansa. Sinubukan kong habulin siya at pigilan sa binabalak niya, ngunit huli na ang lahat. Wala na akong nadatnan pa at hindi ko na siya nahagilap pa. Halos napasuntok na lang ako ng malakas sa pader at paulit-ulit na sumisigaw ng malakas. Karma ko ito.Ano pa nga ba ang karapatan kong pigilan siya, kung ako naman ang dahilan ng pag-alis niya? Pagkatapos ng tatlong taon, ang buong akala ko ay makakalimutan ko na siya. Ang akala ko ay makakapag-move on rin ako sa kaniya at matatanggap rin ng aking puso na hanggang doon na lang talaga kaming dalawa. Kaya ginugol ko na lamang ang buong oras at atensyon ko sa pagtatrabaho o nililibang ko na lang ang sarili ko sa maraming bagay. Subalit sa huli, siya at siya pa rin ang sumasagi sa isipan ko.
Andrew's POVNaalimpungatan ako ng marinig ko ang sunud-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Kinapa-kapa ko ang aking side table upang kunin yung cellphone na kanina pang tumutunog. Pagkakuha ay kaagad ko rin itong sinagot na hindi inaalam kung sino ba yung tumatawag sa akin. "Yes, hello?" tamad na tamad kong turan sa kaniya. "Hi! good morning, Mr. Herras. Nag-send ako ng email sa'yo kagabi. I'm waiting for your response, pero mukhang hindi mo yata na-receive yung message ko. I'm just wondering if you have a free time today," pagkasabi niya ay sandali kong minulat aking mga mata at tinignan ang phone number na tumatawag sa akin.Napansin ko rin na may dalawang messages pala akong natanggap sa kaniya kagabi, pero nang dahil sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko na ito nabasa pa o napansin. "I'm sorry, sir. If i didn't response on you ri
Andrew's POV"Andrew?" ang bigla na lang bumigkas sa kaniyang bibig. Tila bigla ding tumalon ang puso ko sa tuwa nang muli kong marinig ang boses niya at pagtawag niya sa aking pangalan. "Pardon?" ang sinabi ko sa kaniya. Tumalikod naman siya at parang pinupunasan ang luha sa kaniyang mga mata.Pinili kong magpanggap na walang alam o hindi ko siya kakilala. Nang sa ganoon ay hindi ako makasagabal sa nalalapit nilang dalawa ng fiancee niya at hindi siya mailang sa akin. "Pasensya na. Magkakilala ba tayong dalawa o nagkita na ba tayo nuon? mula kasi noong maaksidente ako sa car accident ay naapektuhan ang aking memorya at nawalan ako ng alaala." Pagkasabi ko sa kaniya ay muli siyang napaharap sa akin na may bakas ng pagkagulat sa kaniyang mukha. "Amnesia?" aniya na may pagmumugto ng mga mata. Tumango lang ako at pasubaling napakamot sa aking batok.
Liza's POV"Hoy, Liza. Nasaan yung ambisyosa mong kaibigan na si Mara? mukhang madalang ko na lang siyang nakikita ngayon ha?" ang sabi ni Luna sa akin ang bully sa loob ng classroom namin at madalas niyang pag-initan si Mara kahit wala naman talagang matinong dahilan o basta't maisipan lang niyang mapagtripan ito. "Puwede bang tigilan mo na si Mara? wala naman siyang ginagawang masama sa'yo ha?" pagkasabi ko ay napangisi naman siya at malakas akong itinulak sa balikat. Matapang at malakas lang ang loob niya dahil nag-iisa lang ako at may mga kasama siya. "At bakit ko naman siya titigilan? bakit, Liza? matapang ka na ba ngayon dahil nakahanap ka ng kakampi mo? nakalimutan mo na ba kung ano ka dati, bago mo pa man siya makilala?" pabulong niyang turan sa akin habang pinaglalaruan ang suot kong ID lace.Hindi naman ako nakaimik kaagad sa kaniya at nakatitig lang ako sa mga mata niya. Big
Liza's POVApurahang lumapit si Luna sa kinaroroonan ni Mara at akmang sasaksakin ito ng gunting hawak niya nang bigla na lang sumulpot sa harapan nila si Andrew. "Andrew?" mahinang saad ko sa aking sarili. Laking gulat naming lahat nang saluhin niya yung matalas na gunting sa pamamagitan ng kaniyang kama, kaya nasugatan siya at tumulo ang dugong dumadaloy mula sa palad niya. "Ayos ka lang ba? nasaktan ka ba?" subalit ang mas ikinabigla ko ay nung tumingin siya kay Mara na may pag-aalala sa kaniyang mukha. Ano ang ibig sabihin ng mga titig niyang iyon sa mata? Hindi kaya may lihim siyang pagtingin para kay Mara? Hindi ito maaari, kailangan ko siyang pigilan bago pa man mahuli ang lahat. Palapit pa lamang sana ako sa kanila nang itulak papalayo ni Andew, si Luna, dahilan para mawalan ito ng balanse at
Liza's POVEthan, iyon ang pangalan ng lalaking sumagip sa akin noong panahon na naisipan kong wakasan ang sarili kong buhay. Napagkamalan ko siyang si Andrew, dahil sa sobrang kadesperadahan kong maangkin ang puso niya. Pero unti-unti ring nagbago ang lahat ng iyon magmula noong nakilala ko si Ethan. Masasabi ko na mabuti siyang tao at magkaibang-magkaiba silang dalawa ni Andrew. Masyado kasi siyang masiyahin, palangiti at mabait sa lahat ng tao, kahit hindi pa niya lubos na kilala. Kahit ako na hindi naman niya kamag-anak o kaibigan at ako pa nga itong sinagip niya, pero ako pa itong inaalagaan niya at binabantayan minu-minuto. Upang makasiguro lang siya na hindi na muling mauulit pa yung mga nangyari. Noong una ay medyo nawiwirduhan ako sa kaniya at hindi ko siya pinapansin, dahil hindi naman kami magkakilalang dalawa pagkatapos sinu
Liza's POVNapag-alaman ko kay Ethan na nagsasama na pala sina Mara at Andrew sa iisang bubong. Tinanong niya ako kung papaano ko nakilala ang dalawang magkasintahan, sinabi ko na matalik akong kaibigan nuon ni Mara at ka-schoolmate ko naman si Andrew. Inamin na rin niya sa akin na may lihim siyang pagtingin para kay Mara. Masakit para sa akin ang isipin na ang dalawang lalaki sa buhay ko ay iisa lang din ang babaeng iniibig. Kaya magmula ng araw na iyon ay sinundan ko na si Andrew, kahit saan man siya magpunta. Inalaman ko rin ang lahat-lahat sa kaniya pati na ang mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Mara. Nasaksihan ko mismo ang pagtatalo nilang dalawa at ang takbo ng relasyon nilang dalawa. Inaakala ko nuon na masaya silang nagsasamang dalawa, pero napagtanto ko rin na hindi pala talaga lahat ay puro masasaya lang.Gayunpaman ay hindi ako makakapayag na magka